Chapter Fifteen: Broken Hearted Serena.
Continuation ng Chapter 14.
Heather's Point Of View...
Hindi ko alam kung nag sasabi ba talaga ng totoo itong si Hazel the impakta, basta ang alam ko lang nagagawa ko ang lahat ng ito dahil Galit ako sa kanya.
Pinanganak lang talaga ako para magalit sa kapatid kong kanang kamay ni Satanas.
Siguro ang role ko sa mundo is yung awayin lagi siya.
Maya-maya pa ay mayron ulit kumatok sa pintuan ng kwarto ko, weird naman kasi kung sa bubong sila kakatok diba?
Dahil mabait ako binuksan ko ito.
"Ma'm Heather nasa baba na po si Sir Seanley." saad ni Julia.
"Bad mood na nga ako ngayung araw tapos makikita ko pa Si Seanley." bulong ko.
"Mam Heather may sinasabi po ba kayo?" tanong ni Julia sakin.
"Ah wala sige, pakisabi kay Seanley susunod na ako." saad ko.
Nag ayos muna ako bago bumaba ayaw ko pa maging gurang ano.
Make up - check.
Outfit - check.
Almost perfect na.
Bumaba na ako para tumulala habang tinuturuan ako ni Seanley.
"Sa sobrang pogi ko napapatulala kana" saad ni Seanley.
"Pogi ka?" tanong ko.
Oo naman pogi siya no Erase Erase Erase Erase...
"Hindi ba halata?" tanong ulit ni Seanley.
"Naka only me lang yung kapogian mo yung tipong ikaw lang talaga nakakakita." saad ko.
"Ah ganun? Okay sige, Ano ang Element Symbol ng Helium?" tanong ni Seanley.
Sana pala sinabi ko na lang na pogi talaga siya.
"Ah eh He-Helium?" paglilinaw ko.
"Yes, Pag di mo nasagot akin ka na." saad ni Seanley na ikinabigla ng Nervous System ko.
"Ano?" tanong ko dito.
"Sabi ko pag di mo nasagot ng tama ang tanong ko, Isusumbong kita sa Parents ko na hindi nakikinig sa lecture na tinuro ko." pagbabanta ni Seanley.
Pinagana ko ang buong Brain cells ko pero wala talagang epekto.
"Pag bilang ko ng Sampu isu-sumbong na kita ah." saad ni Seanley.
Nag umpisa na siyang mag bilang ako naman ito iniisip kung ano ba yung Helium na yan.
"10..."
"9..."
"Wait lang kasi Seanley, Ni hindi ko nga alam na nag i-exist pala yung salitang Helium na yan eh." pag mamaktol ko.
"Well Helium also doesn't know na nag exist ka." pambabara ni Seanley sakin.
Nag patuloy lang ang pagtatalo naming dalawa pero natigil din.
"Oo Na nga sige na, Pogi kana kung pogi." saad ko kasi talagang di kinaya ng Braincells ko yung Helium na 'yan.
Nakita ko na bahagyang ngumiti si Seanley at tinuruan niya ulit ako.
"Did you know that Math is the queen of all science because every branch of science needs a proof and we can prove it by Mathematics." saad ni Seanley.
Namangha ako sa sinabi ni Seanley kasi ngayun ko lang ito nalaman at may point naman talaga, kahit di ako seryoso sa pag-aaral ko alam ko naman na nagiging mathematics talaga yung explaination sa science.
"Mathematics is a language of science?" tanong ko.
"Oo, parang ganun na nga." sagot naman ni Seanley.
Buong mag hapon ay tinuruan niya ako.
Hindi ko alam kung Bakit, pero habang tinuturuan niya ako ay para bang nag ka-karun ng Slow motion yung mundo ko.
Pero hindi ibig sabihin n'un inlove na ako kay Seanley, hindi ba pwedeng nagugustuhan ko lang siya ay este yung mga tinuturo niya.
Wala pang tao na, nakagawa sakin ng pakiramdam na ito at lalu naman na wala pang tao ang nag pursige para maturuan ako.
Sun day kasi ngayun at walang pasok.
Six o'clock pm na ng umalis ang pasakit ko sa buhay este si Seanley.
Nag cellphone muna ako bago pumasok sa loob ng mansion namin.
Biglang nag pop up sa notification ng cellphone ko ang chat head ng grouo chat namin ng mga kaibigan ko kaya binasa ko ito.
Serena Yasmin Gomez: "Guys i saw Ashton."
Maecy Joy De Vera: "Hala Serena congrats nakakakita ka, nakikita mo si Ashton."
Kahit kailan talaga walang magandang ambag sa group chat namin itong si Maecy
Serena: "I saw Ashton and Giselle Kissing Each other"
Daisy Jade Reids: "Inuman na!"
Ito namang si Daisy nakita ng broken si Serena inuman agad nasa isip.
"Tara na inuman dun na lang tayo sa Bar na malapit kina Maecy" reply ko.
"Sige let's go na, dun na lang natin pag usapan yang si Ashton at Giselle" reply naman ni Maecy.
Agad akong nag ayos at nag punta sa Bar na malapit sa Tinitirahan ni Maecy.
Nakita ko sila na nasa VIP area at naiyak si Serena.
Nag tungo ako sa pwesto nila at naupo sa isang bakanteng upuan.
"What happen ba?" tanong ko Kay Serena.
"Like W-what i said sa group chat natin, I saw G-Giselle and A-Ashton Kissing Each other." saad ni Serena habang humihikbi.
"Look who's here." saad ni Maecy habang nakatingin sa Entrance door ng Bar.
"Is that Ashton and Giselle?" tanong ni Daisy.
Tinignan ko ang tinitignan ng dalawa at Tama nga nag punta din sina Ashton and Giselle dito sa Bar kung Nasaan kami.
Dali-daling tumayo si Serena at hindi na namin siya napigilan.
As Serena's bestfriend concern pa din ako sa nararamdaman ng kaibigan ko at ayaw ko siyang masaktan pa.
Kaso lang Reyna talaga ng karupukan itong Si Serena.
Sinundan naming tatlo si Serena pa-punta sa Direksyon nila Ashton at Giselle.
Wala ng pasabi-sabi nang makalapit si Serena ay agad niyang sinampal si Giselle.
Gagantihan na sana ni Giselle the malandi si Serena pero hirang ko gamit ang mga magaganda kong kamay.
Kaaway ko rin naman kasi si Giselle and also yung impakta niyang Kapatid na si Gianna.
"Ano bang Problema niyong dalawa sakin ah?" tanong ni Giselle.
"Inagaw mo lang naman sakin yung Boyfriend ko." saad ni Serena.
"Di ko naman kasalanan na mas maganda ako kaysa sayo and bukod do'n mas maalaga, Right Ashton?" saad ni Giselle.
"Giselle umalis na nga lang tayo dito." saad ni Ashton.
Tatalikudan na sana kami ni Ashton at Giselle, pero hinila ko ang kwelyo ni Ashton at sinapak sa mukha.
Napadaing siya dahil sa lakas ng pagkasapak ko.
"Ashton are you Okay?" tanong ni Giselle.
"Kulang pa 'yan." saad ko.
"At ikaw namang impakta ka ang ganda ng talent mo ah." saad ko.
"Mang-agaw" dagdag ko pa.
"Hindi ko naman talaga kasi kasalanan na nagustuhan ako ni Ashton at iniwan niya si Serena para sakin, Tsaka ang Cheap kaya ni Serena hindi sila bagay ni Ashton." saad ni Giselle habang nakatingin kay Serena.
"Always remember that hindi ka naman nagustuhan ni Ashton asa ka pa, Sadyang malandi ka lang talaga Giselle." saad ni Serena.
Tinalukudan namin ang dalawa kasi nga kami ang bida.
Lumabas kami ng Bar at tumambay muna sa parking lot.
"Okay ka lang ba Serena?" tanong ni Maecy, habang nakasandal sa sasakyan niya.
"i'm okay." saad ni Serena.
"Tsaka hindi naman ako nawalan kundi si Ashton." Dagdag pa niya at tumingin sa Kawalan.
"Nawalan si Ashton ng tunay na nag mamahal sa kanya." saad ulit ni Serena.
"Hindi lang 'yun Bes, Nawalan ka din ng manloloko sa buhay mo." saad naman ni Daisy.
"In short nawala si Ashton." saad ko naman.
Nginitian lang kami ni Serena bilang sagot sa mga sinasabi namin sa kanya.
End Of The Chapter.