Chapter Fourteen: Heather's Plan.
Heather Alexandra's Point Of View.
Nakauwi na kami galing sa beach party.
Kahapon ko lang ulit naranasan na sumaya.
"Heather kanina ka pa nakatingin jan sa salamin, wala namang pinag bago pangit ka pa din" tumingin ako kay ate Hazel na nag sasalita habang nakatayo sa labas ng kwarto ko.
"Ikaw nga kahit hindi tumingin sa salamin pangit pa din" mapagmataas na sagot ko.
Kinuha ko ang bag ko at sinagi siya pag labas ko ng kwarto.
Bumaba ako para sumakay sa kotse.
Binuksan ito ni Julia kaya naman dire-diretso na akong pumasok.
Naupo sa tabi ko si Julia habang si Manong Berto naman ang nag da-Drive.
Wala pang limang minuto ay nakarating na agad kami sa School.
Dumiretso na ako sa room ko hindi dahil ayaw kong malate pero ganun na nga may sumbungera na kasi.
First subject namin ngayun ay Hekasi.
"Who is the third president of the phillipines?" tanong samin ng Teacher namin.
Madaming nag taas ng kamay maliban lang sakin, nakatingin lang ako sa kanila.
"Miss Heather Stand up" saad ni Mr. Gomez
Napaturo pa ako sa sarili ko pero narealize ko din agad na sa Classroom na ito ako lang pala ang may pangalang HEATHER kaya tumayo na agad ako.
"Sino ang ikatlong naging presidente ng pilipinas?" tanong sakin ni Mr. Gomez.
"Sir Gomez one hundred one percent sure ako na hindi pa ako buhay nung naging presidente siya kaya hindi ko siya kilala at Hindi niya din naman ako kilala." sagot ko.
Napa cross arms si Sir Gomez, sa dinami dami ba naman ng nag taas ng kamay ako pa pinili niya mag sagot.
Napatingin ako sa buong klase at napansin ko na nag bubulungan sila.
"Ang ganda ng sagot mo Heather, kaya tumayo ka lang jan hanggang matapos ang Subject ko" saad ni Mr. Gomez the great.
"Sir kung tatayo lang ako dito ano pang silbi nitong mga upuan?" pangangatwiran ko.
"Diba binili ang upuan para nga may ma-upuan kaming mga estudyante tapos Oh my gosh sir Patatayuin mo lang ako?" pangangatwiran ko ulit.
Napailing na Lamang si Sir Gomez dahil sa mga sagot at pangangatwiran ko.
Naupo na ako sa upuan ko at nag simula na siya mag discuss.
"Ang ikatlong naging pangulo ng pilipinas ay si" saad ni Mr Gomez.
"Whatever hindi ko pa din siya kilala" bulong ko.
...
Kring..
Tumunog na ang bell hudyat na tapos na ang boring naming klase.
Nakita ko yung dalawang immortal enemy ko na nag uusap.
"Gianna nasan ba kasi si Hazel?" narinig kong tanong ni Giselle.
"Nasa Girl's comfort room, kasama niya kanina si Hestia." sagot naman ni Gianna.
Hestia Almira Salvador: Yan ang bestfriend ni Hazel since birth hindi ko alam kung Anong ginagawa ng Impakta na yun dito sa school namin ngayun.
"So girls nasabi na ba sa inyo ni Maecy yung plan ngayung araw?" tanong ko sa mga kaibigan ko.
"Ahm Yah" sagot ni Serena.
"Heather may naisip akong place kung saan pwede nating gawin yung plano" saad ni Daisy.
Binulong niya ito sa akin at pagkatapos nito sumakay kami sa kotse at nag tungo sa isang cemetery.
Sa dulo ng sementeryo na ito ay mayroong balon pero Walang laman na tubig.
Nag tungo kami doon.
"Ang tagal natin na pinaghandaan itong plano na ito tapos ano? Ihuhulog mo lang si Hazel jan sa balon?" saad ni Serena.
"Masyado naman akong masama kung ihuhulog ko siya jan" saad ko.
Mabait naman talaga ako di lang halata.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Julia na alam ko ngayun ay kasama ni Hazel.
Mag ga-gabi na at hindi pa ako umuuwi sa bahay kaya alam kong hahanapin talaga ako ni Hazel.
"Hello Ma'm Heather?" bungad sakin ni Julia.
Inagaw ni Ate Hazel ang cellphone ni Julia.
"Gusto ko siyang makausap" narinig kong saad ni Hazel.
"Nasan kaba? Nag cutting ka na naman di kana talaga nag bago" saad ni Ate Hazel sakin.
Nag panggap akong umiiyak para mapapunta ko siya dito sa may Simenteryo.
"Ate Hazel no more fight muna, kailangan ko kasi ng tulong mo" saad ko habang nag papangap na umiiyak.
Tumingin ako sa mga kaibigan ko na nag pipigil ng tawa.
Alam ko na pupuntahan ako ni Ate Hazel ngayun din dahil nga bida-bida talaga siya.
"Nasan kaba kasi?" tanong niya sakin.
"Na-nasa private ako na S-Sementery dito ako iniwan ng mga kidnappers" saad ko.
Naputol na ang phone call at alam kong papunta na siya.
Hindi concern sakin si Ate pero alam kong pupunta siya dahil sa mga parents namin, pabida nga kasi siya.
Inumpisahan na namin ang pag aayos para talaga maging bongga ang pag hihiganti ko.
"Heather nasan ka ba?" narinig kong sigaw ni Ate Hazel mula sa Malayo.
Paulit-ulit niya itong binibigkas.
Napag hahalataan kong hindi niya pala kasama ang personal assistant ko na si Julia.
Narinig kong sumisigaw si Ate Hazel hudyat na nag u-umpisa na ang gagawin namin.
"Heather tulungan mo ko!" sigaw ni Hazel.
Natanaw ko na papalapit na siya sakin at tumatakbo kaya wala pang sampung segundo ay mag kasama na kami.
"Pakana mo ba ang lahat ng ito? Ang takutin ako?" saad ni Ate Hazel.
"Totally hindi lang ako eh kasama mga kaibigan ko" saad ko naman.
Nakita ko sa malapit si Serena at dala-dala ang puting Panyo.
Hindi lang ito basta Panyo dahil nilagyan namin ito ng pam-Patulog.
Sinenyasan ko siya na gamitin na ito kay Hazel.
Dahan-dahan siyang lumapit, napansin ata ni Hazel na nakatingin ako sa likodan niya kaya napatingin din siya.
Fast hand si Serena kaya hindi pa nakakatingin si Ate Hazel ay naunahan niya na ito.
Natakpan agad ni Serena ng Panyo ang ilong ni Hazel.
Dahil para ito ay matumba at mawalan ng malay.
Nag tulungan kami ni Serena para maihulog si Hazel sa balon na walang tubig.
Medyo mababa lang ito pero alam kong mahihirapan siya umakyat.
Hindi ko intensyon na patayin si Hazel o saktan siya ang gusto ko lang mag higanti.
"Are you happy now?" tanong sakin ni Serena.
"A little bit only, Sa tingin ko kasi hindi pa sapat ito para sa mga ginawa niya sakin like yung pag papalayas niya" saad ko naman.
"So what should we do now?" tanong ulit ni Serena.
"I don't know siguro alamin muna natin kung nasan yung dalawa" saad ko.
"Nandun na sila sa kotse totally tayo na lang talaga ang hinihintay nila" saad ni serena.
Bago kami umalis para sumakay sa kotse.
Nag lagay muna ako ng mga live cam para naman ma-monitor ko si Ate habang nag sasaya ako.
Sumakay na ako sa loob ng kotse at nag pahinga dahil si Serena naman ang nag mamaneho at kotse niya ang gamit namin.
One messages from Panget mong tutor.
Nag pop up bigla sa phone ko ang messages ni Seanley.
"MS Be ready tomorrow walang pasok kaya mag hapon kitang tuturuan after ko mag laro ng basketball" yan ang nakalagay sa text niya.
"What does MS means? A short for Miss or what?" tanong sakin ni Daisy Na katabi ko.
Sa harap kasi si Serena at Maecy while sa likod ng kotse ay kami ni Daisy.
"I don't know what MS means for Him." saad ko kay Daisy at bigla na namang nag pop up messages sakin ni Seanley.
One Messages from: Panget mong tutor.
"Hey Ms, wala ka bang load pang reply you can chat me on messenger para naman matawagan kita i have a lot of load right now gusto mo bigyan kita?" saad ni Seanley sa chat.
"No need, by the way yung pake ko kasi na tuturuan mo ko bukas nasa universe pa wait ka lang dadating din 'yun, tsaka anong sinasabi mong wala akong load? Bilihan pa kita ng sarili mong internet eh" saad ko mula sa chat.
"What does MS means?" then send ulit.
"MS stand for Miss Sungit, halos everyday routine mo kasi mag sungit kaya ang pangit mo" aysh hanggang sa text inaasar pa din ako ng panget na ito.
"Mukhang na badtrip na naman itong Si Heather ah." pangungutya ni Maecy.
"Bwisit kasi itong si Seanley eh Gawa-gawa ng nickaname, Tinawag pa akong MS and you know what MS stand for Miss Sungit" saad ko.
Natawa naman silang tatlo, wala na talaga akong kakampi sa earth.
"nako MS masungit ka naman talaga eh hahaha" saad ni Daisy habang tumatawa.
"I agree with Daisy Hahaha" dagdag pa ni Serena.
"Me Too i agree with daisy" saad naman ni Maecy.
Napatingin na lamang ako sa bintana habang sila patuloy pa din sa pang-aasar sakin, hanggang sa makarating kami sa bahay.
Pero pinarada lamang ni Serena ang kotse niya sa may kanto at nilakad ko na lamang ito dahil baka mahalata kami.
Pumasok na ako sa loob and it's already eight thirty two pm.
"Heather i am glad to see you anak." saad ni Mama pagka pasok ko sa pinto.
"Heather nasan pala ang Ate Hazel mo? Tsaka anong nangyari sa mga kidnappers nahuli ba?" tanong ni Daddy.
Hindi ko inakala na sinabi pala agad ni Ate Hazel ang nangyari kanina.
"Ahm Dad wala pa po pala si Ate Hazel? Akala ko nauna na siya sakin" pag sisinungaling ko.
"Mag isa lang na umuwi si Julia at hindi kasama ang kapatid mo" saad ni Mommy.
Ako itong nasa harapan nila pero iba ang iniisip nila.
Nag panggap akong umiiyak dahil sa nangyari pero deep inside masays talaga ako.
"Dad, Mom ano na kaya ang nangyari Kay Ate?" with matching hikbi pa para sure na mapaniwala silang umiiyak talaga ako.
"Harold itutuloy pa ba natin yung flight natin mamayang 9?" tanong ni Mommy Kay Daddy.
"H-Hindi ko din alam" sagot naman ni Daddy.
Sana ganito din sila mag alala pag nawala ako.
Nag papangap pa din akong umiiyak.
"Mommy Daddy ituloy niyo na po sayang ang o-oras, A-ako na ang b-bahala sa pag hahanap kay Ate" saas ko habang pinupunasan ang mga pekeng luha mula sa aking mga mata at habang humihikbi kung kaya't nag panggap akong nau-utal.
"Are you Sure Heather?" tanong ni Daddy..
"Opo daddy kasi kahit pa-paano kapatid ko pa din si Hazel i mean ate Hazel" saad ko.
...
Tinitignan ko ang mga magulang ko habang papaalis papuntang united states.
Kunyaring Nalulungkot ako pero masaya talaga ako.
Isang oras na ang nakalipas mula nung umalis sila ay may narinig akong kumakatok sa pintuan ng kwarto ko.
Binuksan ko ito at laking gulat ko ng makita si Ate Hazel.
Bumungad sakin ang isang sampal mula sa kanya.
Napahawak ako sa pisngi ko dahil sa sobrang sakit..
"How dare you para ihulog ako sa balon?" saad ni ate Hazel.
"How dare you too para sampalin ang maganda kong face?" saad ko.
"Alam mo ba kung bakit kita pinuntuhan sa sementeryo kahit alam mong takot ako sa dilim at lalu na sa sementeryo?" pasigaw na tanong sakin ni Ate Hazel.
"Yes, siyempre alam ko dahil pabida ka!" saad ko.
"Yes let's say pabida ako, pero pinuntahan kita dahil alam kong kailangan mo ko, pinuntahan kita para mailigtas kita" saad ni ate Hazel.
Umalis si Ate Hazel sa harap ko at sinarado ko na ang pinto.
Biglang nag echo sa isip ko yung sinabi niya Pinuntahan Kita dahil alam kong kailangan mo ko.
Napaluha ako pero agad ko itong pinunasan at pinigilan ko ang sarili ko.
END OF THE CHAPTER.
Road to pag babago na ba this Heather?
Let's see...