Chapter Ten: Heather's Reason.
Heather Alexandra's point of view
Hating gabi na akong nakauwi samin bukas naman holiday walang pasok.
"Bakit ngayun ka lang?" naka pamewang na bungad sa akin ng ate kong Demonyo este Maldita.
Grabi naman yung demonyo eh nasa maldita level pa lang siya.
Pero Papunta pa lang siya dun.
"Wala ka ng pakialam dun" sinagi ko ang Balikat niya para mag patuloy sa pag lalakad.
Ako dapat ang bida dito.
Nasira niya na nga araw ko pati ba naman gabi ko sisirain pa niya?
"sige lang sasabihin ko na lang kay Daddy na Ten Thirty kana nakauwi" saad niya.
Napairap na lamang ako sa kanya..
"Are you stupid?" she's so Stupid.
"No i'm not siguro baka ikaw matagal ka ng stupid di ka ba inform?" saad ni Ate Hazel.
"Ay sorry di ako nainform pero It's already Eleven pm na tapos sasabihin mo kay Dad ten Thirty" Okay lang na mapagalitan atleast Honest.
Tinignan niya ang phone niya and i am right eleven pm na ng gabi.
Nag lakad na ako paakyat ng kwarto para sana mag pahinga.
Laking gulat ko pag bukas ko ng kwarto ko wala ang mga gamit ko.
Lahat ng gamit na nandito ngayun sa loob ng kwarto ko ay mga gamit ni Ate Hazel.
"Ang kapal talaga ng mukha niya" bulong ko sa sarili ko.
Nararamdaman ko na may Demonyo este Taong Demonyo na papalapit sakin at alam ko na kung sino ito.
Hanggang ngayun naka talikod pa din ako at di siya tinitignan.
"Bakit nandito mga gamit mo?" sigaw ko Kay Ate Hazel.
"Ma'm Heather nasa Guess Room po ang mga gamit niyo pinalagay ni Ma'm Hazel." humarap ako sa nag sasalita.
Si Yaya Shay pala ang nasigawan ko akala ko si Hazel Demonyo.
"Bakit ka naman sumunod sa utos niya?" tanong ko.
Nakakainis ako lang dapat ang masunod sa pamamahay na ito..
"Bakit di naman siya susunod?" Naka crossed arms pa si Ate Hazel.
"This is my Room" saad ko.
"Your room?" tanong ni Ate Hazel.
"Bingi ka ba?"
Wala na namang kwentang away ang ginawa ng ate ko.
Epal talaga siya kahit kailan.
That's why i really really really Hate her.
Pumunta ako sa Guess room kung nasaan ang gamit ko.
Ang g**o ng ayos.
Di talaga siya marunong mag ayos.
"Kainis"
Nakita ko yung sulat na binigay sakin ni Manong Berto nakaipit ito sa isang notebook ko.
Di ko pa ito naipapatapon o naipapasunog sa kanya kasi di ko pa nababasa.
Naupo ako sa kama para basahin ang sulat galing pala ito sa Ate kong napakapanget.
TO MY DEAR SISTER
UUWI AKO BUKAS AND I AM SURE NA DI MO NAMAN ITO BABASAHIN.
DI KA NAMAN KASI MAHILIG MAG BASA KAYA B*BITS KA DI KATULAD KO MATALINO.
LOVE HAZEL
Nilait niya pa talaga ako.
May biglang katarantaduhan ang pumasok sa isip kong napaganda.
I am One Hundred One percent sure na maiinis talaga siya sakin.
Nag palipas oras muna ako.
Lahat na ginawa ko para di maboring dahil maya-maya lang gagawin ko na ang plano ko.
My revenge is coming...
I am so Excited.
"Gising pa kaya siya?" tanong ko sa sarili ko habang naka upo sa Sofa na nandito sa loob ng Guess room.
Lumabas ako ng kwarto upang tignan kung gising pa ba ang Ate ko na kanang kamay ni Satanas.
Sumilip ako sa kwarto ko ang kapal ng mukha niya feel na feel niya talaga higaan ko.
Feeler lang siz?
Pero hayaan mo na may gagawin naman akong pasabog na tiyak ikagagalit niya.
iba gumanti ang isang HEATHER ALEXANDRA COLLINS REYES.
isa-isa kong nilabas sa kwarto ko yung mga gamit ni Ate Hazel.
Dinala ko lahat ito sa likod bahay namin para sunugin.
Nasakamay ko talaga ang swerte ngayun.
may nakita akong Gas at saktong mayroon akong dala-dalang posporo.
Inipon ko lahat ng gamit niya at binuhusan ng Gas at hagisan ng posporo.
Hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya ngayun.
Nakikita ko na unti-unting nilalamon ng mga apoy ang mga gamit ni Ate Hazel pinag masdan ko lang ito hanggang sa maging abo at kusang mawala ang apoy.
Nang matapos na ang lahat umakyat na ako para mag pahinga.
...
Ginising ako ng malakas na kalampag mula sa labas ng kwarto na tinulugan ko.
"Heather buksan mo nga itong pinto!" sigaw ni Ate Hazel.
Alam ko na kung bakit galit na galit siya.
Napatingin tuloy ako sa salamin na bakas na bakas sa mukha ko ang saya.
Pinag buksan ko siya ng pintuan.
"Oh b***h este Ate Hazel ano na naman bang kailangan mo?" bungad ko sa kanya.
"Alam kong ikaw ang may pakana kung bakit nasunog lahat ng gamit ko" bakas sa mukha niya ang galit..
Kasalanan ko bang di siya marunong mag lock ng pintuan.
"Wala kabang importanteng sasabihin? kasi gagala pa ako" Routine ko yan pag walang pasok.
Pag di ako nakagala baka buong taon mag kasakit ako.
"Una sa lahat tuturuan ka ng Tutor mo ngayung araw" pangunguna niya.
Ay oo nga pala tuturuan niya ako hayst bwisit na buhay ito.
"Kinontact ko na siya" dagdag pa ni Ate Hazel.
Inirapan ko na lamang siya at bumaba ng hagdan para kumain.
Nagugutom na ako ako eh tsaka dapat ko itong ipagdiwang kahit papaano nakaganti na ako.
...
"Naintindhan mo ba yung mga sinabi ko?" tanong ni Seanley.
Kakatapos niya pa lang akong turuan pero may biglang pumasok sa isip ko na Sinabi niya sakin.
Sinampal ko si Seanley.
"Aray, bakit mo ko sinampal?" nakahawak pa siya sa mukha niya.
"Sinabihan mo ko ng jerk" saad ko.
"Nung nakaraan pa iyon ah" saad naman niya.
Di ko talaga pinalalampas ang past duhh.
"Kaya nga nakaraan pa iyon" huminto muna ako sa pag sasalita para tignan niya ng diretso.
"ngayun ko lang nalaman meaning eh" dagdag ko pa.
Napangiti si Seanley.
Saya ka siz?
"Nakaraan na iyon bakit kailangan mo pang balikan?" tanong sakin ni Seanley.
"Gaya ng Araling Panlipunan di ako madaling maka pag move-on sa kung anong nangyari sa nakaraan" saad ko.
"Pero yung pangyayari na iyon maari palang makapag pabago sayo" dagdag ko pa.
Ang lalim ng pinang hugutan ko diyan ah.
"kaya pala hanggang ngayun galit ka sa Ate mo?" paano niya nalaman?
Seanley Clarenz Alvarez: ang chismoso kong Tutor.
"Pano mo pala nalaman ang tungkol doon?" curious lang ako kaya ko naitanong.
"Nasabi sakin ni Hazel" napatango na lamangn ako sa paliwanag niya.
"Bakit pala ayaw na ayaw mong tinatawag kang Alex" tanong niya sakin.
Bakit nga ba?
"Sabihin na lang natin na Dahil siguro sa past ko"
Kinwento ko kay Seanley ang buong pangyayari kung ano nga ba ang meron jan sa Alex na iyan at kung bakit ayaw na ayaw ko kay Ate Hazel.
Why I really Really Really hate to call by the name Alex?
It is because of my ate Hazel.
Kasi since bata pa kami yun yung tinatawag niya sakin yun din ang naging nickname ko.
Pero isang araw lahat iyon nag bago nung malaman ko na pinaplastik lang niya pala ako kumbaga lahat ng pinapakaita niya lahat iyon may kapalit naging mabuti siyang kapatid sakin para makuha kung ano yung mayroon ako.
Inggitera kasi siya.
Maldita na nga inggitera pa.
Lahat ng kabaitan na ginagawa niya sakin pakulo lang niya lahat yun.
Narinig ko kasi na nag uusap sila ng friend niya tungkol sakin, gusto lang ni Ate mapalapit ang loob ko sa kanya para balang araw lahat ng nasa akin mapunta sa kanya at syempre ipag mamalaki niya at ending ako basura.
gusto niya mahigitan ako kahit sarili niya naman akong kapatid.
Hindi ko alam kung bakit niya yun ginagawa, imagine sarili kong kapatid ang pumapranka sakin.
Lahat naman ginawa ko para sa Ate Hazel ko naging mabait akong kapatid sa kanya at sa mga taong nakapaligid sakin totally hindi naman ako Demonyita dati nag bago lang lahat yun dahil sa Ate ko.
"Alam mo yung masakit sa part namin bilang mag kapatid s***h mortal enemy?"
Napatingin ako sa kawalan
"Yun yung gusto niyang mawala ako pero di niya magawa kasi siguro kahit papaano may konsensya siya kaya di niya magawa" saad ko.
"pero ngayun namang buhay ako gusto niya siya lagi number one sa paningin ng mga tao at ng magulang namin." dagdag ko Pa.
-That's why i really really really hate my Ate Hazel-
Past is past but the past can change a person
"Alam mo kung mag po-focus ka sa Studies mo magiging proud sa iyo ang mga magulang mo" saad ni Seanley.
"alam mo nag aaral naman ako eh Hindi nga lang mabuti" aral lang di mabuti.
" kung mag po-focus ako sa Studies ko or sa Pag aaral ko edi parang ini-stress ko na sarili ko" dagdag ko pa.
Hindi ko namalayan na nakahawak pala siya sa kamay ko habang nag uusap kami.
Siguro tama si Seanley na dapat mag aral ako mabuti.
Pero ayaw ko.
.
..
Natapos na mag turo si Seanley at nakauwi na siya.
Tumunog ang Cellphone ko hudyat na mayroon Nakaalala este nag text sakin.
One text Messages from Maecy.
"Sunod ka samin sa Resto Bar na malapit sa inyo nandito kami ngayun ni Serena."
"Not sure" Reply ko.
"Why?" reply niya naman sakin.
"Alam mo namang nandito yung Demonyita kong Ate kaya hindi ako sigurado kung makakapunta ako" saad ko.
Nag explain lang ako ng nag explain sa kanya or sa kanila hanggang sa di na sila mag reply.
END OF THE CHAPTER.