Chapter Eleven.

1728 Words
Chapter Eleven: New Queen? Heather Alexandra's Point Of View "Sinabi mo pala sa Tutor mo kung anong meron doon sa past natin." saad ni Ate Hazel habang naka Cross Arms. "So pakialam mo ba?" kung mataray siya dapat mas mataray ako. Hindi tayo papatalo. -Team Heather lang malakas. "Wala naman" saad niya. Nginitian niya ako ng isang ngiting nakakasira ng isang dekada ko. Pero alam ko na ang ngiti na iyon ay mayroong ibig sabihin pwedeng gagantihan niya ako dahil sa ginawa ko or mag susumbong siya kila Mom and dad. Sumbungera kasi siya alam niyo yun? Binaliwala ko na lamang yung ibang mga sinasabi niya pupunta na sana ako sa taas para mag ayos pero hinarangan niya ako. "Saan kana naman ba pupunta?" tanong niya. "Malamang sa taas mag aayos ako para maka-alis sa Lintik na bahay na ito" saad ko naman.. "Pag umalis ka wag ka ng babalik ah" saad ng Demonyita kong Ate. Di ko siya pinansin at itinuloy ko pa din ang pag alis. Nag ayos ako para makasama ko ulit ang mga tunay kong friend. "So Aalis ka nga?" tanong ng Ate Hazel ko.. "Hindi ba halata?" tanong ko naman sa kanya. Kinuha niya ang isang maleta at binigay sakin. "Yan mga gamit mo inimpake ko na para sa'yo" saad niya. "Wala naman kasi akong balak sunugin ang mga yan katulad ng ginawa mo sa gamit ko" dagdag pa ni Ate Hazel. Ngayun alam ko na gumaganti siya sa ginawa ko. "So anong gusto mong gawin ko?" tanong ko. "Simple lang naman... Lumalayas ka" wow grabi napaka simple naman nun. "Bakit hindi ikaw ang lumayas? Bakit kailangan ako pa?" sagot ko sa kanya. Yan Heather tama yan lumaban ka. "Ako lalayas?" inikutan niya ako bago ipag patuloy kung ano man ang sasabihin niya. "Really? Palalayasin mo talaga ako sa sarili ko pang pamamahay?" saad ni Ate Hazel. Di ako inform bahay pala niya ito. "Ang lakas mo naman mag assume" saad ko dito. Kinuha niya ang isang envelope na may lamang papel. Hinugot niya ang papel mula sa envelope. "Oh tignan mo na lang ito" binigay niya sakin ang papel na kinuha niya mula sa envelope. Tinignan ko ito at binasa. Ang papel na ito ay patunay na sa kanya tlaga naka pangalan ang mansion na ito. "Layas" sigaw ni Ate Hazel. Kinuha ko ang gamit ko at lumayas. Hinding-hindi ko pag si-sisihan na lumayas ako. First of all ayaw kong kasama siya and Second Magiging malaya ako. I have my own money kaya pwese akong mag check in na lang sa isang Hotel. Ginamit ko ang sasakyan ko patungo sa pinaka malapit na bar kung nasaan ang mga kaibigan ko. "Hi Ma'm Heather wala na po sila Ma'm Serena" bungad ng Guard. Kilalang kilala na kami dito sa bar na ito dahil dito kami madalas mag punta. "Huh nasaan sila?" tanong ko. "Hindi ko po alam eh basta po ang alam ko lang lasing na lasing po si Ma'm Serena" saad ni kuya Guard. "Bakit naman nag pakalasing iyon?" tanong ko Sa sarili ko. "May sinasabi po ba kayo Ma'm Heather?" "Wala" tipid kong sagot. Sumakay ako ulit sa kotse ko pero hindi ko alam kung saan ako pupunta. nag paikot-ikot ako sa daan hanggang sa makarating ako sa isang lugar na Alam kong napuntahan ko na. Tumingin ako sa Windshield ng sasakyan ko. Luminga-linga ako sa paligid at tama nga ito ang Baranggay Santolan. Sa pagkaka alam ko dito sa Cheap na baranggay na ito nakatira si Paula. Dito din niya ako tinulungan para makauwi and siyempre mabait ako tinulungan ko siyang makapag aral bilang kapalit. Bumaba ako ng kotse pero hindi ko alam kung saan ako pupunta kung saan ako matutulog o makiki-tira. I have a friends pero alam kong sa panahon na ito may problema din sila lalu na si Serena di naman siya mag papa-kalasing gaya ng sinabi ni Kuya Guard kung wala siyang problema. May isang familiar na tao akong nakita habang namimili mula sa malayo. Nilapitan ko ito at Hindi nga ako nag kakamali ito ay si Paula. "Ma'm Heather ano pong ginagawa niyo dito?" bungad ni Paula sakin nung makita niya ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Kung sasabihin ko ba na pinalayas ako sa bahay o mag sisinungaling ako. "Wala lang nag iikot-ikot lang ako" nag cross arms ako at luminga-linga sa paligid para mag mukhang totoo ang sinabi ko. "Ayos pala dito ano?" sa pag kakataong ito tumingin na ako kay Paula. Nginitian na lamang ako nito at kinuha ang pinamili niyang gulay. "Ma'am Heather hindi ka pa po ba uuwi?" tanong sakin ni Paula. "baka po kasi hinahanap kana sa bhay niyo" dagdag pa niya. "Wala namang mag hahanap sakin" saad ko. "wala naman kasi silang pakialam sakin" dagdag ko pa. "Imposible naman po iyon ma'm Heather pamilya mo sila at malamang sila ang kauna-unahang mag aalala sayo" saad ni Paula.. Alam kong nasasabi niya lang iyan dahil hindi niya nararamdaman ang nararamdaman ko.. Nag walk out na lamang ako dahil baka masabi ko pa kung ano yung tunay na nangyari sakin or samin ng Ate Hazel kong demonyita. Kung dati maldita lang ngayun Demonyita na talaga siya. Wala siyang kwentang ate. Kung papipiliin lang talaga ako ng magiging kapatid ko hindi ko talaga siya pipiliin. Sumakay ako sa kotse ko hindi ko alam kung saan ako napuntang lugar at dito na din ako sa loob g kotse natulog. Nagising ako sa malakas na pag gagalabog sa windshield ng kotse ko. Silaw na silaw ako sa ilaw kaya napahawak ako sa mata ko pero mayroon paring punyetang ini-istorbo ang tulog ko. Kahit na silaw ako Tinignan ko parin kung sino ba itong epal na gumagambala sa pag bi-beauty Rest ko. Binuksan ko ang Windshield para harapin siya. "Ano ba kasing kailangan mo?" sigaw ko dito. "Wala man lang bang good morning?" tanong nito sakin. Parang familiar itong boses na ito ah parang si... Humarap ako and. I am right si Seanley nga. "Silaw na silaw ka ah, ganyan ba talaga ako Ka-gwapo?" hinahawak-hawakan pa talaga niya ang baba niya nakakainis. Ang aga-aga nasisira araw ko "ang lakas ng hangin, Bagyong Seanley is Coming" saad ko. Pero totoo naman may itsura siya. Maga-gwapuhan na sana ako sa kanya kaso lang inistorbo niya pala ako. Kaya wag na lang. Hindi ko namalayang nakatitig na pala ako sa mukha niya. "So ano ito? Narealize mo na ba na ang gwapo ko talaga?" nakakaasar na saad ni Seanley. "G G S S" saad ko. "Gwapong Gwapo Sila Sakin" Ano ito kinatok at inistorbo niya talaga tulog ko para lang sabihin na ang gwapo niya. As if naman may paki ako. "Best in Talent ka talaga" saad ko at pumalakpak. "talent sa?" pag tataka niya. "Talent sa pang-aasar, Nangunguna ka na eh pinuntahan mo pa talaga ako dito para mang-asar" saad ko. "Ay wag ka Assumera di kita pinuntahan nakita lang kita tanda ko pa kasi Plate number ng sasakyan mo kaya Mag ingat ka" with matching Evil Smile. Ang pangit niya s**t. "wala ka bang balak pumasok?" tanong ni Seanley sakin. Tinignan ko ang suot ko. Malinis pa naman ito at hindi naman siguro mahahalatang wala ako ligo. Pang umaga ako pwede nating dahilan MALAMIG. "Papasok ako" saad ko. Nag maneho ako papunta sa school. Ang alam ni Seanley sinusundan ko siya pero mali siya natulog muna ako sa sasakyan na halos inabot ng thirty minutes. Late na late na talaga ako pag gising ko. Kaya binilisan ko na ang takbo ng sasakyan ko papunta sa school. Habang nag lalakad ako sa Hallway pinag bubulung-bulungan ako ng mga estudyanting nakakasalubong ko. Pero sa tuwing hinaharap ko sila iniiwasan nila ako ng tingin. Hanggang sa nakita ko si Giselle ang number two enemy ko kasama ang hampas lupa niyang kapatid na si Gianna. Number one kasi si Ate kaya number two na siya. "Oh Ano ito bukod sa nag pi-feeling Reyna ka chinichismiss mo pa ako?" pag hihinala ko. "Napaka maldita mo talaga Heather" Saad ng Asungot este kapatid niya. "Gianna kung maldita siya mas maldita ako noh" nag mamaldita na din si Giselle ang Schoolmate kong pilingera. "ang tunay na Maldita pranka at palaban, hindi kagaya mo Mga cheap lang kayang labanan" saad ko. "ah now i know cheap ka Pala" saad naman ni Giselle. Pinangunahan ko siya ng Sampal at tinulak dahilan upang siya ay matumba. Pinag titinginan na kami ngayun ng mga taong nasa paligid namin Bahagya akong naupo para kausapin si Giselle na naka hawak ngayun kay Gianna. "Next time mag iingat ka sa mga sinasabi mo baka di lang yan mapala mo" saad ko. Tumayo ako at umalis. Nag patuloy ako sa pag lalakad papunta sa classroom late na late na talaga ako pero wala akong pakialam. "Why Are you late Miss Reyes?" tanong ng second subject teacher ko. "Eh kasi nman po Traffic" saad ko. "hindi dahilan iyon" saad niya. "Kung hindi dahilan iyon, I don't care" sagot ko na lamang at napairap. "Ganyan ba talaga ang tamang pag trato sa iyong mga guro ah Heather?" napatingin ako sa nag sasalita tama nga si Ate Hazel ito. "Late ka na nga sinasagot mo pa si Ma'm" saad ng ate kong feeling anghel. "Pumunta ka sa Library ngayun din" utos niya sakin. "Inuutusan mo ba ako?" tanong ko sa kanya. "Hindi ba halata?" pilosopong sagot niya. Huminga muna ako ng malalim bago ko siya sagutin "Imagine yung Queen ng School na ito uutusan mo lang, sino ka ba para sundin ko?" matapang na sagot ko. "You are not a queen I'm the queen of this school kaya pumunta kana sa library" halos makaladkad niya na ako para lang makapunta lang ako sa library. "Ano ba kasing problema mo?" pasigaw na tanong ko. Inalis ko ang kamay niya mula sa pag kakahawak sakin. "Ikaw ang problema ko naiintindihan mo?" sigaw niya pabalik sakin. "And what? Nag A-assume ka na ikaw ang queen ng school na ito?" napa cross arms si G*ga. "Bakit pa ako mag a-assume kung ako naman talaga ang queen" saad ko. "Frog's Queen" saad niya. Kahit ate ko siya at siya lang ang nag iisa kong kapatid hindi ko pa din maiwasan na sagut sagutin siya at hindi ko din maibigay yung Respeto na kailangan niya. TO BE CONTINUE ON THE NEXT CHAPTER... END OF THE CHAPTER.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD