KABANATA 1: Isang Gabi ng Kasalanan
“Mia, isa pa!”
Napatawa si Mia Cruz habang itinutulak sa kanya ni Stacey ang isang baso.
“Hindi na. May pasok pa ako bukas.”
“Bachelorette party ito ng best friend mo!” sigaw ni Gabrielle. “Bawal ang accountant mode tonight!”
"E Hindi naman ako ang ikakasal!"
"Exactly! Kaya pwede kang malasing."
Napailing si Mia.
Kung tutuusin, hindi naman talaga siya mahilig sa ganitong klase ng party. Mas gusto niyang nasa bahay, may laptop sa harap, at tahimik na nagtatrabaho sa financial reports kaysa nasa isang private suite na puno ng champagne, music, at mga babaeng abala sa pagkuha ng litrato.
Pero para kay Aya Laynes, gagawin niya.
Best friend niya ito. Lima silang magkakaibigan simula pa noong college sila. Pero sila talaga ni Aya ang naging matalik na magkaibigan marahil dahil pareho silang galing sa middle class family samantalang ang tatlo nilang kaibigan ay kapwa mga tagapagmana ng kanya kanyang kumpanya ng pamilya nila.
Sa Sabado, tatlong araw mula ngayon —
ikakasal na si Aya sa isa sa pinakamayamang tagapagmana sa bansa.
Marco Castro Zobaya — ang tagapagmana ng Zobaya Empire, isa sa pinakamalaki at pinakamakapangyarihang business empires sa Pilipinas. At ang lalaking lihim nyang hinahangaan noong college pa lang sila, pero ang bestfriend nya ang gusto nito, kaya nanatiling lihim ang pagkagusto nya dito.
Kilala ang pamilyang Zobaya sa lawak ng kanilang impluwensya at sa dami ng industriyang kanilang pinasok. Mula sa airlines, banking, hospitals, restaurants, real estate, hotels, at iba pang negosyo, halos walang sektor na hindi naaabot ng kanilang pangalan.
Lumaki si Marco sa mundong kung saan pera, kapangyarihan, at koneksyon ang kayang magbukas ng halos anumang pinto. Bilang panganay at itinakdang susunod na mamumuno sa Zobaya Empire, nakasanayan niyang makuha ang anumang gusto niya. Pero sa maraming pagkakataong nakausap nya ito nung college pa sila, alam nyang mabait ito at hindi matapobre kahit napakayaman. Isa sa dahilan kung bakit nahulog sya dito.
Noon.
Kinalimutan na nya ang nararamdaman para dito simula ng maging boyfriend ito ni Aya.
Napakaswerte ng kaibigan nya kasi mahal na mahal sya ni Marco.
“Nasaan si Aya?” tanong ni Mia.
“Nasa kabilang room,” sagot ni Gabrielle. “Kanina pa tahimik.”
Agad siyang tumayo.
Nang makita niya si Aya, nakaupo ito malapit sa bintana habang hawak ang cellphone.
“Hey.”
Napatingin si Aya.
“Hi.”
“Okay ka lang?”
Tumango ito.
“Of course.”
Pero hindi kumbinsido si Mia.
“Sure ka? Kanina ka pa parang wala sa sarili.”
Ngumiti si Aya.
“Siguro kinakabahan lang ako.”
“Normal lang naman iyon. Sa Sabado na ang kasal mo.”
Saglit na natahimik si Aya.
“Yeah.”
May kakaiba sa tono nito.
Pero bago pa makapagtanong si Mia, hinila na siya ni Sandy pabalik sa party.
“Later na ang heart-to-heart! Picture muna!”
Napailing si Mia.
“Coming!”
---
Makalipas ang ilang oras, nagsimula siyang makaramdam ng hilo.
Ganon na ba karami ang nainom nya?
Tatlong baso.
O lima, marahil.
Hindi talaga sya sanay uminom, kaya siguro sa konting alak ay hilong hilo na sya?
“Mia?”
Napahawak siya sa mesa.
“Okay ka lang?”
“I think…”
Hindi niya natapos ang sasabihin.
Parang biglang bumigat ang buong katawan niya.
“Mia!”
May humawak sa kanyang braso.
“Dalhin natin siya sa room.”
“Baka naparami ang inom.”
Gusto niyang imulat ang mata at sabihing kaya pa nya para sana sa kaibigan pero hindi na kaya ng katawang lupa nya.
Nanghihina na sya at umiinit na ang pakiramdam.
Gusto ngang sabihing lakasan ang Aircon pero walang boses ang lumalabas sa bibig nya.
Ang huling malinaw niyang nakita ay ang mukha ni Aya na mabilis na lumapit sa kanya.
“Mia?”
Narinig niya ang boses nito.
“Okay ka lang?”
Sinubukan niyang tumango.
Ngunit tuluyan nang nagdilim ang kanyang paningin.
---
**7:18 A.M.**
Napamulat si Mia.
Masakit ang ulo niya.
Sobrang sakit.
Dahan-dahan siyang umupo.
Hindi niya kilala ang silid.
Hindi niya alam kung paano siya nakarating dito.
At higit sa lahat—
hindi niya maalala ang nangyari pagkatapos niyang mahilo.
Napatingin siya sa kanyang paligid.
Isang malaking kama.
Isang coat sa upuan.
Isang relo sa bedside table.
At may isang lalaking nakahiga sa kabilang bahagi ng kama.
Napatigil siya.
Dahan-dahan siyang lumingon.
At halos mawalan siya ng hininga.
**Marco Castro Zobaya.**
“Diyos ko…”
Napaatras siya.
Hindi.
Hindi maaari.
Ito ang fiancé ni Aya.
Ang lalaking pakakasalan ng best friend niya.
Bakit siya narito?
Bakit siya kasama nito?
At bakit wala siyang maalala?
Tumayo siya nang nanginginig.
Walang sagot.
Walang paliwanag.
Tanging isang nakakabinging katahimikan at sakit na kanyang nararamdaman sa ibabang bahagi ng katawan.
Mabilis niyang kinuha ang kanyang bag at iika ikang lumabas ng silid.
Hindi niya napansin ang cellphone niyang naiwan sa loob.
---
Samantala, ilang minuto lamang ang lumipas nang magising si Marco.
Napahawak siya sa kanyang ulo.
“Shit.”
Hindi niya maalala ang buong gabi.
Party.
Alak.
Musika.
At isang babae.
Isang babae na hindi niya maaninag nang malinaw sa kanyang alaala.
Napatingin siya sa paligid.
Walang tao.
Pero may isang bagay na nakakuha ng kanyang atensyon.
Isang cellphone at wallet sa bedside table.
Hindi kanya ang mga iyon.
Kinuha nya iyon at saka niya napansin ang pangalan sa ID.
**MIA CRUZ.**
Nanigas siya.
“Hindi…”
---
Pagbalik ni Mia sa hotel room nila ni Aya, agad siyang sinalubong nito.
“Mia!”
Napatingin siya sa kaibigan.
“Where have you been? Hinahanap ka namin!”
Hindi agad nakasagot si Mia.
Nakatitig lamang siya kay Aya.
Sa babaeng ilang araw na lamang at magiging asawa na ni Marco.
Ang babaeng pinagkakatiwalaan niya.
Ang babaeng hindi niya kailanman kayang saktan.
“Mia?” tanong ni Aya. “Okay ka lang?”
Tumango siya agad.
“Yeah.”
“Bakit parang namumutla ka?”
“Masakit lang ulo ko. Siguro naparami ako ng inom.”
Lumapit si Aya at hinawakan ang braso niya.
“Akala ko kung saan ka napunta. Hinanap kita kung saan saan.”
Napayuko si Mia.
“Sorry.”
“Bakit ka nagsosorry?”
Hindi siya sumagot.
Dahil paano niya sasabihin?
Paano niya titingnan sa mga mata ang best friend niya habang alam niyang may ginawa siyang hindi na niya maaaring bawiin?
Hindi niya alam kung paano siya nakarating sa silid ni Marco.
Hindi niya alam kung paano nagsimula.
Pero may ilang pira-pirasong alaala na patuloy na bumabalik.
Ang boses nito.
Ang init ng katawan nito.
Ang mukha nitong napakalapit sa kanya.
At ang umagang nagising siyang katabi ito.
Hindi man malinaw ang lahat, sapat na iyon para magkaroon siya ng isang konklusyon.
May nangyari sa kanila ni Marco.
Si Marco na nobyo ni Aya.
“Hindi ako dapat uminom nang ganoon karami,” bulong niya sa sarili.
“Mia?”
Napatingin siya kay Aya.
“Wala.”
Pinilit niyang ngumiti.
“Pagod lang talaga ako.”
Tumango si Aya.
“Magpahinga ka muna. Ako na ang bahala sa mga girls.”
Nang makaalis si Aya, tuluyang nawala ang pilit na ngiti ni Mia.
Umupo siya sa gilid ng kama at tinakpan ang mukha.
Pumatak ang unang luha.
Hindi dahil sa sakit ng ulo.
Hindi dahil sa takot.
Kundi dahil sa guilt.
Sa Sabado, ikakasal ang kanyang best friend.
At ilang oras lamang bago ang kasal nito, may ginawa siya sa lalaking pinakamamahal nito.
Kahit hindi niya maipaliwanag kung paano nangyari—
alam niyang may isang bagay siyang ninakaw kay Aya na hindi na niya kailanman maibabalik.
At sa unang pagkakataon sa buong buhay niya, natakot si Mia sa sarili niyang ginawa.
Paano niya haharapin si Aya bukas at sa mga susunod na araw?