Chapter 2

1618 Words
“Ako ba ay ginagago mo, Carter Isaiah?” I exclaimed raising my brows at him. Kumain nalang ako ng carbonara habang nakatingin lang siya sa akin na parang tinubuan ako ng dalawang ulo. Siya nga may dalawang ulo hindi ko naman pinapansin diba? HAHAHAHA Para akong tanga na tumatawa sa utak ko. Well, pwede naman siguro akong tumawa ano kahit sobra na akong namomroblema sa mga gastusin ko sa college. Grabe naman kasi si Lord kung makapaghagis ng kadramahan sa buhay ko, dinaig ko pa ang mga telenovela sa GMA! “Bakit ba ayaw mo? Magpapaalam naman tayo kay mama. Sigurado namang papayag yun dahil alam naman niya kung anong sitwasyon mo,” he exclaimed as he started eating as well. Mabait ang pamilya ni Carter sa akin. Actually, sobrang bait lalo na ng nanay niya. Lagi akong nakakakain dito ng libre at kapag may pinapadala siya kay Carter na mga pagkain, pati ako ay mayroon. Kumbaga para niya na talaga akong anak din. Kapag nga nashoshort ako sa budget minsan ayaw ko nalang sabihin kay Carter kasi syempre hindi niya maiiwasang mai kwento kay Tita at si Tita naman ay siguradong magooffer na pahiramin ako. May hiya pa naman ako kahit paano noh. Sobra sobra na yung tulong nila sakin kaya as much as possible sana hindi na ako humihingi ng tulong minsan. “Nakakahiya pa rin ano. Halos ikaw na nga lagi nanlilibre sa akin sa pagkain tapos makikitira pa ako sayo? Tsaka ano na lang iisipin ng ibang tao kung malaman nila na nakatira tayo sa iisang bubong?” I exclaimed habang nilalantakan ang pagkain. Grabe talaga magluto si tita Catherine. Kaya hindi na din ako nagtataka bakit marunong din to si Carter eh. “Dito ka na nga halos matulog sa kwarto ko eh at talagang ngayon ka pa nahiya,” sabi niya at biglang pinunasan ang gilid ng labi ko. “Ang tanda tanda mo na pero ang messy mo pa ring kumain.” Hinayaan ko lang naman siya dahil sanay na ako dyan kay Carter. Dahil siguro wala siyang kapatid na babae kaya little sister ang turing niya sa akin. “Ang sarap kasing magluto ni tita grabe. Kapag talaga nandito ako sainyo kailangan ko mag jogging ng everyday para hindi tumaba.” “Ikaw pa talaga ang tataba eh ang payat payat mo na nga!” “Bakit ka galit?” sinimangutan ko siya sabay inom sa juice na dala dala niya din kanina. “Sa akin ka na kasi tumira para hindi ka na mamroblema next sem,” pilit niya parin. Tapos na siyang kumain at pinapanood nalang akong ngumuya sa harap niya. Sus, si Carter lang naman yan at wala na kaming hiya sa isat-isa. Siya pa nga pingtatanggal ko ng bra minsan kapag masakit ang braso ko at hindi ko maabot. Literal na wala kaming hiya sa isat-isa dahil binabato ko pa siya ng unan sa umaga dahil kitang kita ko lagi ang kanyang morning wood. “Ayoko nga. Kung kaya ko pa namang solusyunan ay hayaan mo muna ako,” I insisted. “Bakit ba kasi? Dahil sa sasabihin ng iba? Alam mo namang walang pakialam ang mga tao sa Los Banos sa mga ganito Aria!” Totoo naman ang sinabi niya. Siguro ganun talaga kapag sobrang focused ng mga tao sa pag-aaral nila. Ganun kasi sa UP. Literal na walang pakialamanan kasi bakit ka nga naman makikialam pa sa buhay ng iba kung yung prof mo pa lang sa chemistry ay mapapaiyak ka na? Kumbaga students are stressed enough with their studies to give a damn f**k with people who they dont even know about. Kaya gustong gusto ko din na doon ako nag-aaral eh. Kasi kahit na iniiyakan ko lagi ang mga test score ko sa lahat ng subject ay tuwang tuwa parin ako sa environment sa university. I feel so independent and that’s also one of the reasons why I don't want to be dependent to Carter although para namang wala ng sense kasi nga literal na halos buong araw kaming magkasama lagi. “Bakit mo ba pinagpipilitan na tumira ako sayo? Crush mo na ako noh?” I exclaimed, trying to joke around. “Ulol!” sabi niya naman sabay tapik sa noo ko. Tumawa lang ako at sa wakas tapos ng kumain. Sabay kaming bumaba para ilagay sa lababo ang mga pinagkainan. Nakita naman namin si tita Catherine na naghuhugas habang si Carson na kapatid naman ni Carter ay nanonood naman ng Cartoons sa tv. “Ako na dyan tita,'' I offered as I went to her but she dismissed me immediately. “Huwag na Aria. Akin na yang mga pinagkainan niyo,” she exclaimed as she extended her arm. Binigay naman namin ni Carter and mga plato at baso sa kanya. Ganyan talaga si tita. Sobrang hands on sa pamilya. Lagi nga akong naiingit kay Carter at Carson dahil may mabuti silang ina. Naiinggit ako pero at the same time sobrang saya na kahit pang telenovela ang buhay ko, at least yung sa bestfriend ko na mahal na mahal ko ay masaya. Umupo namin kami ni Carter sa tabi ni Carson sa grey nilang sofa. Ako ang nasa pinakadulo habang nasa gitna si Carter. Agad naman siyang sumandal saakin pagkatapos hilahin si Carson para mailagay sa kandungan niya. “Ano ang pinapanood ng baby namin?” b-baby talk ni Carter si Carson na siya namang nagpa ngiti saakin. Iyan pa yung isa sa kinaiinggitan ko sa pamilya nila, sobrang close silang magkapatid. Well, hindi ko naman kasi talagang itinuturing na kapatid iyong bruhildang nakatira sa bahay namin. Magsama sila ng witch niyang nanay. “Paw patrol!” bulol bulol namang sabi ni Carson. Apat na taon lang siya at pareho sila ng kuya niya na tahimik. Nanood lang kami doon at hindi ko na namalayan ang oras. Pumasok si tita Catherine sa kwarto nila samantalang si Carson naman ay tulog na sa kandungan ni Carter. The latter is sleeping as well. “Carter….” inuga ko ang balikat niya dahil nakikita kong nakakangawit ang posisyon niya. Nagising naman siya agad at ni hindi ko na kailangan sabihan pa siya dahil tumayo siyang karga karga ang nakababatang kapatid. Dinala niya ang bunsong kapatid sa kwarto ng mga magulang niya dahil doon naman talaga si Carson natutulog dahil bata pa nga. At tsaka walang kasama si tita dahil nasa barko si tito tapos kami naman ni Carter nasa Elbi most of the time. Pinatay ko ang TV at hinintay si Carter. Pagkalabas niya sa silid ay sabay na kaming pumanhik sa taas ng bahay nila. Pagkapasok sa kwarto niya, binuksan niya ang aircon samantalang humilata naman ako sa kama. Mabilis akong pumailalim sa makapal na comforter at pumikit. Antok na rin ako. Naramdaman ko namang tumabi na si Carter sa akin. Gaya ng nakagawian, hinila niya ako palapit at niyakap ko naman siya. He put his feet over my legs and I felt so comfortable that I immediately fell asleep. Nagising ako sa katok sa pinto. “Mga anak… kain na tayo ng dinner,” narinig ko si tita Catherine sa labas. “Susunod na tita!” sagot ko naman at tumigil ang pagkatok at narinig ko ang mga yapak niya paalis sa tapat ng kwarto. Nako po. Gabi na naman pala! Ano ba to minsan talaga ang kapal na ng mukha ko eh buti nalang mabait sila Carter at hindi ako sinasabihan na buhay prinsesa kapag nandito sa bahay nila. “Carter…. Gising huy!” tinapik tapik ko naman ang mukha niya pero parang sarap na sarap sa pagtulog ang loko. “Hoy! Unggoy gising na tinatawag na tayo ni tita!” I exclaimed again as I shook his shoulders pero ang loko tinalikuran lang ako. Dahil hindi na nakapag timpi, sumampa ako sa may tiyan nya saka sya kinulit ulit. “Carter! Gutom na ako!” halos isigaw ko na and he stirred. I thought he’d finally be awake but he didn't open his eyes. “Haynako! Nakaka-stress ka ha!” I exclaimed as I made a move to bite his cheeks. Lagi ko talaga siyang kinakagat kapag naiinis na ako. Oo, hindi naman necessary na sa kanya ako naiinis basta kapag naiinis na ako siya lagi ang nasasaktan. Agad naman siyang umungol nang kinagat ko na siya sa pisngi. Unti-unti siyang dumilat at kinunutan ako ng noo. Nakatihaya parin siya at nasa ibabaw niya pa rin ako. Sus, si Carter lang naman iyan! “Nangangagat ka nanaman,” sabi niya habang nagkukusot ng mata. Inabot ko naman agad ang pisngi niya para punasan kung may laway man ako doon. Hinayaan niya naman ako pero naramdaman ko bigla ang kamay niya sa may bewang ko at alam ko na ang kasunod noon. Dali dali akong umalis sa ibabaw niya pero huli na ang lahat dahil nagsimula na siyang kilitiin ako! “Carter! Tumigil ka kundi masasapak ka talaga sa akin!” sigaw ko habang natatawa. Baliktad na ang posisyon namin ngayon dahil ako na ang nasa ibaba at siya ang nasa ibabaw. “Napaka-kulit mo Monique!” sabi naman niya sabay lapit ng mukha sa akin. Alam ko na ang gagawin niya at tumili ako ng kagatin niya din ako sa pisngi. I mean hindi naman masakit pero nakakabwisit pa rin siya! “Carter naman eh!” I exclaimed habang pinaghahampas siya. Tumayo naman siya agad at inalalayan din akong makatayo sa kama niya. “Kakain na?” he asked as he was fixing his hair. “Oo,” sagot ko naman. Nagkatinginan kami at sabay kaming nasalita. “Ang mauna sa baba may wish!” sabay takbo palabas ng kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD