Chapter 1

1645 Words
"Putangina niya!" I drank my third bottle of beer. Kung kailan kailangan kong malasing dun pa hindi umeepekto ang alak.  "Monday ngayon." Napatingin naman ako kay Carter nang magsalita siya. We're in Nicdao, isa sa mga sikat na bar dito sa may Raymundo. Pero dahil lunes nga at may pasok bukas, halos walang tao lalo na't nasa second floor kami.  "Pakialam ko?"  Tinaasan ko lang siya ng kilay at patuloy pa ring uminom. Magkaharap kami sa maliit na round table na puno ng bote ng beer, pulutan at mga libro niya sa chem. Malayo layo pa naman ang finals week pero kung mag-aral 'to parang wala ng bukas. Masipag eh.  "Iskolar sa umaga, lasinggera sa gabi." Sagot niya habang nagbabasa pa rin habang nagha-highlight ng kung ano-ano sa libro niya. He's a Chemical Engineering student. Bs Math naman ako. Pareho kaming second year sa UPLB. Oo na, ako lang ata ang nag-iisang UP student na tamad mag-aral.  "Alam mo, minsan ayaw kitang kasama!" Dahil sa sinabi ko, inangat niya ang tingin sa'kin at ibinaba ang libro sa mesa. Tinaasan niya ako ng kilay.  Grabe. Mas makapal at mas maayos pa kilay ng lalaking 'to sa'kin. Mas matangos din yung ilong at mas mapungay ang itim na itim niyang mata. Kung gaano ang kina puti ko ganun naman katingkad ang pagka-moreno niya.  "Why?" "Kasi nagmumukha akong tamad! Hindi kaya ako tamad, masyado ka lang talagang masipag."  He just smirked and continue to read his books. Nakakabwisit naman kasama 'to. Inaya ko ng inuman pero nag-aaral? Tama ba 'yon? "Panget ba 'ko?" He sighed then put down his books again.  "No." "Eh bakit niya ako pinagpalit?! Porket VP for welfare yung haliparot na Amelia na 'yon! Edi magsama sila mga uod!" Tangina talaga ng Kian na 'yon. We've been together for almost a year now. Tinapon niya lahat 'yon? Hindi niya naman sinabi na requirement pala ang maging officer sa org para maging girlfriend niya! Edi sana tumakbo ako kahit muse lang! Wala nga palang ganung posisyon. Tanga mo Aria.  "Akala mo naman ang gwapo gwapo niya!" Matalino siya oo pero mas mabaho pa sa tae ang ugali! Mga cheater! Manloloko!  Hindi naman nagsasalita si Carter at nakatingin lang saakin. Hindi ko alam kung jinujudge niya ako or what. Pero mabait naman si Carter, mukhang masungit pero ubod naman sa bait 'tong kaibigan ko. Nagtataka nga ako ba't wala pa 'tong girlfriend eh ang gwapo gwapo naman. Tapos may kotse pa, san ka pa? Pero di kami talo. Magkasama na kami mula pa sanggol at sabay pa kaming naliligo noong bata. Hindi na nga kami magkahiwalay dahil isang bahay lang ang pagitan ng mga bahay namin.  "Parang kailan lang, bukambibig mo kung gaano siya ka gwapo sa paningin mo." "Dati 'yon! Mukha na siyang ipis sa paningin ko ngayon." "So pumatol ka sa ipis?" "Gusto mong balian kita ha?" Inambahan ko siya ng suntok pero tinawanan niya lang naman ako.  Bwisit. Naalala ko na naman kung paanong sa mismong 11th monthsary namin saka pa nakipagbreak si Kian. May iba na daw siyang mahal at si Amelia nga 'yon. Hindi niya daw napigilang mahulog dahil lagi silang magkasama sa Org meetings at activities.  Ang sabihin niya gago lang talaga siya. At hindi na niya mapigilan ang kati niya. Last month inaya niya akong magsex pero tumanggi ako. Simula noon naging malamig na siya sakin. Binigay ba ni Amelia yung hindi ko kayang ibigay? Tangina nilang dalawa. May they rot in hell! "Monique," he called me by my second name kaya naputol ang mga iniisip ko at nag-angat ng tingin sa kanya. "He's not worth it," he added. Alam lahat ni Carter. He's my best friend, of course I tell him everything. Nag-aya nga 'to ng inuman nung kinwento ko yung about sa pag-aaya ni Kian sa s*x. First time 'yon! Hindi naman kasi umiinom 'to. Good boy eh.  "I know. Sa ganda kong 'to? Putangina ng mga lalaking 'yan! Ganda ko pa talaga ang tinanggihan?" "Lalaki ako." "Hindi halata." "Ah ganon," he raised his brow kaya ngumiti na lang ako at nag peace sign. Baka hindi ako ihatid nito eh. Wala pa naman akong kotse tapos medyo malayo pa ang apartment.  "Oh sige na. Putangina ng mga lalaki pwera ikaw! You're the best, best friend!" "Alas dies na, halika na." "Ayoko pa." "May pasok ka bukas, Aria Monique Evangelista." "Ba't ba ang kulit mo, Carter Isaiah Gomez?" "Itatapon mo ba talaga pag-aaral mo para sa intsik mong ex-boyfriend?" "Ba't nananan nadamay yung mukhang binabad sa sukang intsik na 'yon? Ayoko pa umalis kasi sayang naman 'tong beer, hindi ko pa ubos oh!" Inangat ko ang beer habang nakayukyuk na sa mesa. Medyo nahihilo na ako pero kaya pa naman. Narinig kong nililigpit na ni Carter ang mga gamit niya. Naramdaman ko siya sa gilid ko kaya nag-angat na ako ng tingin.  "Kung gusto mo talagang malunod sa alak, ililibre kita sa sabado. 'Wag ngayon Monique," sinukbit niya ang bag ko sa balikat niya sabay inalalayan akong tumayo. Nang pababa na kami sa hagdan, muntik pa akong mahulog dahil nagkamali ako ng tapak. "Monique!" "Tanga tanga naman ng hagdan na 'to! Bakit gumagalaw? May lindol ba?" Pagkatapos niya magbayad ng bill sa may counter, dumiretso na kami sa pinagparkan ng kotse niya. Nang makaupo sa passenger seat, narinig kong binato niya sa likod yung mga gamit namin. "Galit ka ba?" Umikot siya sa may driver's seat at nang makaupo ay saka ako nilingon para sumagot. "Hindi." "Weh?" "Hindi nga." "Bakit hindi?" "Bakit ang kulit mo?" He leaned towards me kaya tinulak ko naman siya. "Hoy! Hahalikan mo ba 'ko? Crush mo nako noh?" "Gusto mo bang iumpog kita sa may windshield ng kotse ko?" "Edi ikaw na may kotse! Kapag nagka-kotse ako iuumpog din kita sa windshield!" "Bisikleta nga wala ka, kotse pa ba? Libre mangarap Monique," lumapit nanaman siya sakin pero bago pa 'ko makapagsalita, sinuotan na niya ako ng seatbelt. Ahhh seatbelt pala akala ko manghahalik na 'to! "Bakit kasi ang layo layo ng apartment mo? Ang daming bakante sa malapit sa university," he said habang inaabutan ako ng tubig. "Excuse me. Hindi naman ako kagaya mo na naka-hydro flask at afford ang mga apartment dito sa malapit sa univ!" "Humingi ka sa stepmother mo." "Ayoko nga kausapin yung mangkukulam na 'yon. Ang kapal ng mukha na gastusin sa anak niya yung pinaghihirapan ng tatay ko sa barko. Palibhasa hindi nakapasa sa UP at sa state universities kaya sa private ang bagsak. Pareho silang bobo ng anak niya." "Kay tito Arnold ka humingi." "Sa tatay ko? Sus isa pa 'yon. Mas naniniwala sa bago niyang asawa. Magsama silang lahat mga peste sa buhay ko." "Sinubukan mo na bang kontakin nanay mo?" "Ba't ako hihingi ng tulong sa kanya? Iniwan niya nga kami eh, may iba ng pamilya 'yon." "Saklap naman." "Totoo. Baka mamamatay tao ako nung nakaraang buhay ko kaya sobrang malas ko ngayon." "Masama pa rin naman ugali mo ngayon kaya baka mas malas ka pa sa susunod mong buhay." "Gago ka. Kapag naging virus ako sa next life ikaw una kong dadapuan." "Basta magkasama pa rin tayo sa next life okay lang kahit na maging ano ka pa." Nang makarating kami sa may tapat ng apartment ko, medyo nawala wala na yung hilo ko kaya hindi na ako nagpasama sa loob. Kinuha ko ang mga gamit ko sa may backseat sabay kumatok sa bintana ng driver's seat.  "Tawag ka pag-uwi mo ha." "Ayoko." "Edi wag, bwisit 'to." Tumawa naman siya tapos sinenyasan akong pumasok na sa gate. Nang mabuksan ang gate, hindi pa ako agad pumasok at nilingon pa siya. Nakababa pa rin ang bintana at halatang hinihintay niya pa akong makapasok.  "Bye ugok!" "Pumasok ka na nga. Ang daming satsat!" "Ulol!" When finals week came, I was still devastated. Hindi ko alam kung puso ko ba yung nasaktan o yung pride ko. Pero nung lumabas na yung grades, at nalaman kong hindi na ako eligible sa scholarship, para akong tinanggalan ng ngala ngala at wala na lang akong masabi kundi putangina talaga ni Kian. "Pwede siguro dun sa may Jollibee malapit sa starbucks. Magkano kaya sweldo kapag nag-apply akong part-timer?" I was mumbling to myself habang nakahiga sa kama ni Carter. Nandito ako sa kwarto niya habang nasa baba naman siya at kumuha ng meryendang hinanda ni tita Catherine.  Bakasyon ngayon at nakatambay ako sa bahay nila. Ayoko sa bahay dahil nandun yung mag-ina at kung pwede nga lang na dun ako sa apartment ko sa Elbi tumira, hindi na talaga ako uuwi dito samin. Kaso sayang kasi ang renta. Kapag gamit lang, kalahati lang ang bayad.  "Pwede kitang pahiramin muna," Carter said habang nilalapag sa kama ang mga pagkain.  Umupo naman ako at kumuha ng carbonara. "Hindi na, maghahanap nalang ako ng trabaho. May konting ipon naman ako." "Paano ka makakahabol sa grades kung magtatrabaho ka pa?" "May choice ba ako ha? Wala akong scholarship, so kailangan ko lumipat ng dorm para makamura. Wala naman akong maasahan sa tatay ko kasi sa stepmother ko naman yun nagpapadala. At magkano lang ba inaabot saken nung bruhang 'yon? Dalawang libo? Anong akala niya libre ang pagkain sa Los Baños?" "Dorm?" "Oo. Nagpasa na ako ng requirements at naghihintay na lang ng confirmation." Saktong pagkasabi ko non, narinig kong tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko naman kaagad at nakitang may text si Ma'am Rachel, yung dorm manager.  "Ba't ba ang malas ko?" Ibinato ko ang cellphone sa kabilang dulo ng kama.  Inabot naman yun ni Carter at tinignan ang nareceive kong text.  "Pahiramin na nga lang kita." "Ayoko nga. Maghahanap nalang ako sa mga malayo sa university. Mas may mura pa panigurado. Bakit ba kasi laging punuan sa dorm?!" "Mas mahihirapan ka. Mas magastos dahil sa pamasahe at maraming masasayang na oras. Yung totoo Monique nag-iisip ka ba?" "Eh wala nga akong choice!" "Live with me!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD