CHAPTER ONE
NAGISING si Roxanne dahil sa narinig na mahinang pagbulong sa kaniyang tainga. Hindi niya maunawaan ang mga salita nito at hindi makilala ang tinig dahil parang nahinga lang ito sa kanya. Antok na antok pa siya kasi at nananakit pa ang mga mata.
"Roxanne," ito lamang ang naintindihan niya ngunit sa pagkakataong iyon ay naramdaman na rin niyang tinapik siya sa braso.
Napilitan na siyang dumilat ng bahagya ngunit nang maaninag na may taong nakatayo sa tabi ng kama ay para siyang binuhusan ng malamig na tubig at buong lakas na napasigaw.
Tila alarm clock iyon na nagpagising sa mahimbing na natutulog na nasa kabilang kwarto lang na si Migs na napabalikwas ng bangon at taranta siyang pinuntahan.
"Ano’ng nangyari?" Tanong agad ni Migs hindi pa man nakakapasok sa loob ng silid dahil bukas naman ang pinto.
Ngunit patuloy pa rin sa pagtili si Roxanne. Nayakap pa nga niya ang unan.
Napabuntong hininga si Migs nang makita kung bakit nasigaw ang kapatid at kung sino ang naroon kaya tumuloy na sa loob. “Gabby naman…”
"Bakit? Wala naman akong ginawa sa kanya, ah?”
“Eh bakit mo ginising? Tama na ‘yan, Roxanne, nakakarindi, eh.”
Dahan-dahang idinilat ni Roxanne ang mga mata kasabay ng unti-unti ring pag-fade ng kaniyang sigaw. Alanganin siyang napatawa nang makita ang kuya Migs at si Gabriel.
"G-good morning? Nagulat naman kasi ako sa’yo, Gabriel. Akala ko si Freddy Krueger, naka-stripes ka pa ng black and red kasi. Napapanaginipan ko pa naman siya."
“Punta na ako sa kitchen. Ayokong mag-almusal ng stress sa inyo.” Paalam ni Migs at iniwan na sila.
"Freddy Krueger?" Nayamot si Gabriel. “FYI lang, ah, guwapo ako doon.”
“Pero mukha kang killer…sa suot mo. Bakit ka ba nagsusuot ng ganyan? Ang baduy! Tsaka summer na summer!”
“Hindi ‘to baduy! Niregalo sa akin ‘to ni Corine. Tsaka nilamig ako kagabi kaya ako naka-sweatshirt.”
“Whatever. Teka nga, bakit kasi ang aga-aga nandito ka? At pumasok ka pa sa kwarto ko. Idemanda kaya kita? Trespassing ka!"
"May padema-demanda ka pang nalalaman, hindi mo nga alam ang tamang spelling ng Jollibee. Tigilan mo ako.”
Umismid si Roxanne. Bumangon na siya. “Hindi kasi ako kumakain doon. Mcdo lang kinakainan ko.”
“Ang dami pang sinasabi. May susi po ako ng bahay ninyo at FYI, bukas na bukas ang pinto ng kwarto mo kaya pumasok ako."
“Oh, eh bakit ka nga nandito?”
"Itatanong ko lang kung nasan si Corine." sagot ni Gabriel. "Nang magising ako, wala na s’ya sa kwarto n’ya kaya naisip ko baka kasama mo.”
Nakakalokong nagpalinga-linga si Roxanne. "May nakita kang Corine? Pati sa pagtulog sinasama ko s’ya? Grabe,ah. Hindi ko alam. Wala kasi kaming usapan na magkikita kami pagmulat pa lang ng mga mata namin."
"Ikaw…" Napikon agad si Gabriel.
"Hindi ko alam kung nasaan siya. Baka nag-jogging lang kung saan, uuwi din ‘yon." sabi na lang ni Roxanne para matigil na ito.
"Tinawagan mo na ba?" Tanong ni Migs na sumilip sa kuwarto niya. May bitbit na itong isang baso ng gatas.
"’Di ‘ba nga nasira yung cellphone n’ya kagabi? Nadaganan ng motor ko." ani Roxanne. "Uuwi din ‘yon.”
Napabuntong hininga lang si Gab at naupo na rin sa gilid ng kama. Sumeryoso ang mukha.
"Baka inaway mo kagabi kaya nilayasan ka na?" Pabirong wika niya.
"Alam n’yo kanina kasing mga 5am, nagising ako. Narinig ko siyang sumisigaw at umiiyak, ang sabi n’ya hindi n’ya na daw kaya." Malungkot na kuwento ni Gabriel.
"Kaya pala gusto niyang mag-suicide na. Kawawang Corine...tsk. Tsk.” sabi ni Roxanne na sa kisame nakatingin.
"Ano?!" Nag-duet pa ang magbestfriend sa pagreact. "Suicide?!"
"Bakit ngayon mo lang sinabi?!" Galit na sabi ni Gabriel na napatayo bigla.
"Joke lang. Ito naman masyadong serious! Tawagan mo nalang, nasa kanya pala ang cellphone ko, malay mo dala nya. "sabi ni Roxane
Agad naman na ginawa ‘yon ni Gabriel. Lumabas na ito ng kaniyang silid.
"Huwag ka nga magbibiro ng ganon." Pagsaway ni Migs sa kanya.
"Kung bakit ba naman kasi napakatorpe nya. Ayaw na lang n’yang sabihin kay Corine na, 'Corine my love, kalimutan mo nalang si Christian, ako nalang ang mahalin mo total bata pa lang tayo gusto na kita.' Ang hirap ba no’n? Idadamay n’ya pa tayo." Napapanguso si Roxanne. "Eh, obvious na obvious naman siya. Para siyang tanga."
"Magagawan n’ya rin ng paraan ‘yan kaya hayaan na lang natin." Sabi ni Migs
“Yeah, before it’s too late.”
"Nasa may park daw s’ya, puntahan ko lang, ah?" Nagpaalam naman si Gabriel ngunit para itong may emergency na pupuntahan nang umalis.
Napailing-iling si Roxanne. “Naku, goodluck sa kanya. Ano breakfast natin kuya?”
“Nagdala si Gabby, nakaready na sa table, prinsesa.”
Tuwang-tuwa naman siyang tinungo ang kusina.
Halos two months na rin ang nakakalipas mula nang tumira si Corine kay Gabriel. Nagkaroon kasi problema sa pamilya at bahay ng mga ito kaya doon muna tumuloy. Nag mga magulang din naman nito ang humingi ng pabor kay Gabriel na hindi naman nito tinanggihan. Sa totoo lang, tingin ni Roxanne ay napaka-paranoid nito dahil sa araw-araw naman na ginawa ng Diyos ay walang oras na hindi ito nag-alala lalo na kung hindi nito nakikita sa radar si Corine. Ang ikinaiinis pa niya ay palagi na lang din silang nabubulabog kagaya kanina. Palibhasa’y magkapitbahay lang sila kaya abot kamay lang kapag nagkakaproblema ito.
At sila? Matagal na matagal nang magkakilala. High school pa lamang siya ay bestfriend na ng kapatid si Gabriel na nang panahong iyon ay mga kolehiyo na ang mga ito. Magkaedad lang ang dalawa samantalang anim na taon ang tanda ng mga ito sa kaniya. 23 lang siya at 29 years old na ang mga ito.
Matapos maka-graduate ng kolehiyo ay nagnegosyo sina Migs at Gabriel ng isang bar and restaurant, ang White spell. Naging maayos naman ang pagpapatakbo ng mga ito sa tulong na rin ng mga magulang na kapwa mga negosyante rin.
Ang mga magulang nina Roxanne at Migs ay sa Cebu naninirahan kung nasaan din ang negosyo ng pamilya nila, isang construction company. Sa Maynila piniling tumira ni Roxanne para makasama ang kuya Migs niya dahil kahit noong bata pa ay hindi siya nahiwalay dito. At nang makagraduate ng college, sa White Spell din siya nagtrabaho bilang barista.
"CORINE, ‘wag mo na ulit gagawin ‘yun ah? Please lang. Sana ginising mo ako para magpaalam." Malumanay na sabi ni Gabriel nang sunduin ito sa park na malapit lang sa tinitirhan nila.
"Sorry, ah? Masyado na naman yata kita pinag-alala.. Hindi na mauulit. Gusto ko lang mag-isip kaya nagpunta ako dito." nakangiting sabi nito.
Sa pagsasalita at ngiti na iyon ni Corine ay tila natunaw ang kaninang pag-aalala. Hindi niya nga yata talaga kayang magalit dito ng totoo.
"Gusto mong sumama sa White spell o sa bahay ka nalang muna?" tanong niya na nakangiti na rin.
"Okay lang ba kung maglibang muna ako like mamasyal sa mall maghapon? Tutal kailangan ko rin naman bumili ng mga gamit ko, you know." nakangiting sabi ni Corine.
"Sure." nakangiting sagot ni Gab
"Salamat, Gabby." ani Corine
"Uhm, magpapasama ka kay Roxanne?" Tanong ni Gabby
"Naku, hindi na, kaya ko naman mag-isa eh. Don't worry, I'll be fine." Agad na sagot ni Corine.
"Kung sabagay, kailangan magpahinga nang pasaway na ‘yun." halos bulong lang na sabi ni Gabriel. Hindi nga niya namalayan na lumabas iyon sa bibig.
"May nangyari ba?"
"Ha? Wala naman. Palagi kasing puyat ‘yun. Ewan ko ba, halos ayaw gamitin ang restday niya. Malamang mahina na resistensya no’n kakapuyat. Baka nga mababa na ang dugo niya. Sabihan ko nga si Migs na ipa-check up ang kapatid niya." Sagot ni Gabriel.
Natigil siya sa pag-iisip nang hawakan siya sa braso ni Corine. Okay lang si Roxie, malakas ‘yon.”
“Naisip ko rin ‘yan. Ganoon siguro talaga kapag matigas ang ulo. Sabi na lang niya. “Ikaw, baka gusto mo nang kumain ng almusal? Ano ba ang gusto mong kainin? Ipagluluto kita.”
Mas lalong nagningning ang ganda nito nang mas malawak na pagngiti ang isinagot sa kanya. Para talaga siyang unti-unting tinutunaw nito.
Hinawakan pa siya ni Corine sa kamay at inaya na siyang maglakad pauwi.
“I love you.” Hanggang sa isip lang muna niya kayang sabihin ang mga katagang iyon. Kailangan niya ‘yung itago muna.
At hindi na niya mahintay ang oras na masasabi na niya rito ang nararamdaman.
Oo, mahal niya si Corine. Ito ang una at huling babaeng mamahalin niya. Hindi niya alam kung kailan nagsimula iyon, basta na lang niya naramdaman na mahal na niya ito.
Kababata niya si Corine, business partners ang mga magulang nila. Nakilala niya ito noong nasa gradeschool siya. Schoolmate sila at dahil nga sa mga magulang ay madalas din sila magkita kapag may mga dinner party sa bahay nila o di kaya naman ay sa bahay nila Corine. Naging close sila at nadevelop siya.
Mabait, sweet, maalalahanin, halos lahat na yata ng magagandang trait ng isang babae ay nasa kanya na. Maliban sa nagmahal ito ng maling lalake, si Christian. Ang alam niya ay isang buwan lang tumagal ang pakikipagrelasyon nito dahil tinutulan ng mga magulang ni Corine.
Nasaktan siya nung una ngunit nawala rin dahil alam niyang sa huli ay si Corine pa rin ang babaeng makakasama niya sa habang buhay at nagsisimula na nga iyon ngayon.