PROLOGUE
Taranta at nagmamadaling sumugod sa ospital si Gabby sa dis-oras ng gabi matapos makatanggap ng isang tawag 30minutes pa lang ang nakakalipas. Mabuti na lang at hindi pa siya natutulog at hindi pa niya pinapatay ang phone n’ya kagaya ng nakagawian. Dumiretso agad siya sa emergency at agad nagtanong sa nurse na nasa information desk.
"Gab!"pagtawag sa kanya ni Migs.
"Excuse," paalam ni Gabriel sa nurse na pinagtanungan. Nagmadali na siyang lumapit sa kaibigan at buong pag-aalang nagtanong. "What happened? Nasaan na si Corine at ang kapatid mo?”
Imbis na sumagot, malalim itong napabuntong hininga at parang sumakit ang ulo na minasahe ang noo gamit ang kamay.
Lalong ninerbiyos si Gabriel. "Migs, anong nangyari? Mahirap ba’ng sagutin ang tanong ko?"
Bumuka ang bibig ni Migs at sinubukang sagutin ang tanong nito kaya lamang ay walang salita na lumabas mula roon.
"My God!" Mariing napapikit si Gabriel at gusting maiyak. Waring naninikip ang kanyang dibdib.
Hindi niya kayang tanggapin ang balitang iyon. Hindi niya kakayaning mabuhay.
"Gab…"
Bigla siyang napadilat nang marinig ang boses ni Corine. Mahigpit niya itong niyakap na parang ‘yun na ang huling beses na magagawa niya iyon.
"Oh my God, Corine!" Bagamat maayos naman ito ay hindi pa rin nahupa ang nerbiyos at pag-aalala niya.
"Ang OA naman." Sabi ng isa pang babae na kasunuran lang ni Corine, si Roxanne.
"Gab, hindi ako makahinga." Reklamo ni Corine.
Humungi naman siya ng tawad at kumalas na rito. "Ano ba ang nangyari? Paano kayo naaksidente?”
Imbis na sumagot ay tumingin lang si Corine kay Roxanne na napapakamot sa ulo.
Galit ang mga matang tumingin dito si Gabriel.
"Huwag ka nang magsalita, alam ko na ang sasabihin mo." Agad na sabi ni Roxanne bago pa man siya makapagsalita.
"But still hindi mo itinatanim d’yan sa utak mo para magtino!"galit na sabi ni Gab ngunit mahina lang naman at tanging sila lang naman ang nakakarinig.
Si Migs naman kasi ay kausap ang nurse na nagbigay ng first aid sa dalawang dalaga.
"Ang OA naman kasi, eh. Nagasgas lang naman kami sa siko, malayo sa bituka. Hindi kami nabawasan ng daliri sa paa o kamay, walang nasirang ngipin, walang nabaling buto, okay lang kami, okay?" yamot na sabi ni Roxanne.
"Ah,ganon? OA?" lalong nadagdagan ang init ng ulo ni Gabriel. "Papatayin lang naman ako ng magulang ni Corine kapag nalaman ang nangyari! Palibhasa makasarili ka!"
"Gabby, okay lang ako. Wala naman akong sugat, eh." sabi ni Corine na napakalumanay magsalita. "Hindi rin naman makakarating 'to kila Mommy. I-secret nalang natin 'to, okay?"
Napabuntong hininga si Gabriel, tila agad napawi ang galit nang marinig ang boses nito ngunit ang sama pa rin ng tingin kay Roxanne.
"Let's go." sabi ni Migs na tapos na makipag-usap at magbayad ng bill. "Don't worry Gab, sa akin charge yung gastos"
"May pa-suspense ka pang nalalaman d’yan." Inis na sabi ni Gabriel sa kaibigan. Hinawakan niya sa kamay si Corine. "Tara na, umuwi na tayo."
Sabay-sabay na silang naglakad palabas ng emergency room.
"Ano ba talaga ang nangyari?" tanong ni Gabby na medyo humupa na ang init ng ulo at lumingon kina Migs at Roxanne.
"Na-out of balance lang ako kaya tumumba kami sa motor," sagot ni Roxanne "Hindi naman ‘yon sadya"
"MOTOR?!" Napahinto siya sa paglakad at dito na humarap.
"Ang OA naman talaga, oh. Inangkas ko si Corine sa motor at gano’n ang nangyari. At heto nga tayo, nandito tayo ngayon sa ospital, tapos! Kahit anong sabihin at gawin mo, nangyari na ang nangyari, hindi na mababago yon!"medyo asar na sabi ni Roxanne at nauna nang lumabas ng ospital.
"Migs." ani Gabriel at nagpipigil na lalong maasar
"Okay, ako na ang bahala sa kanya. Pasensya na." sabi ni Migs at sumunod na sa kapatid.
"Tsk, Kahit kailan talaga pasaway!" sabi ni Gabriel na napapailing-iling na lang.