Chapter 4

976 Words
"Dad ayos ka lang?" ang biglang tanong sa akin ni Alonzo Tumango lang ako sakanya at doob napansin kong tapos na pala ang pinapanood namin. "Ang bilis naman yata ng Batman v Superman?" ang takang tanong ko sakanya. Napailing nalang siya. "Dad kanina pa tapos yan at kanina ka pang tulala dyan." ang inis niyang sabi sa akin. Nagyaya na siyang umuwi pero sinabi ko sakanya na kakaib muna kami ng dinner. Nakatanggap na din ako ng txt mula kay Daddy na susunod daw siya dito at makikisabay na magdinner. Di ko siya nireplyan pinatxt ko nalang siya kay Alonzo. "Jordan" Di ko akalain na makikita ko siya dito. Hindi ko alam ang gagawin ko. Naapakan ko ang kanyang salamin. Wasak na ito at di na puwedeng gamitin. "Sh*t yung salamin ko!" ang inis niyang sabi. Lumayo ako ng konti para kunin sana ang salamin. Napansin ko siyang lumuhod siya para kunin yung salamin ang kaso ay parang kinakapa niya kung saan banda ang salamin niya. Anong nangyari sa kanya? Di ba niya makita ito. Di ko talaga alam ang gagawin ko. Buti nalang walang tao pumupunta sa CR. Kahit galit ako sakanya ay di ko naman maitiis na ganyan ang kalagayan niya. Ako na ang kumuha ng salamin niya at itinayo ko siya at binigay sa kanya ang basag na salamin niya. "S-salamat A-albie" ang sabi nito sa akin. Nabigla ako ng tumingin siya sa akin. Maayos naman ang kanyang mata. Pero ano ba ang nangyari sakanya. Malabo na ba mata niya. "Alam kong ikaw yan Albie sa pabango palang kilalang kilala kita kahit sobrang labo ang nakikita ko ay alam kong ikaw yan. K-kamusta ka na" ang sabi nito sa akin na nakatingin ng directso sa mga mata ko. Naiilang ako kaya ako na ang kusang yumuko. Di ko alam kung kakausapin ko ba siya o hindi. Kay tagal ko din siyang di nakita. Lalo gumanda ang kanyang katawan bakat na bakat ang mga muscles niya sa suot niyang dark blue na polo. Ang kanyang mukha ay lalo gugwapo. Bat ko ba ito nasasabi sa aking sarili. "Albie" ang sabi niya sa akin. Hahawakan niya sana ako pero agad akong lumayo sakanya. Di ko pa kayang kausapin siya para bang walang nangyari. Habang nakikita ko siya ay bumabalik ang alaala ng nakaraan. Umalis na ako sa lugar na yun hinayaan ko siyang nakatayo na parang tanga. Habang papalayo ako sakanya ay bumibigat ang kalooban ko para bang di ako makahinga. Naawa ako sakanyang kalagayan pero kapag bumabalik lahat ang nagawa niya ay nagagalit ako sakanya. Napailing nalang ako sa sarili ko. Tinignan ko siya kung umalis na ba siya pero nandoon pa din siya pa din siyang nakatayo. Hawak hawak ang basag na salamin niya. Di ko maintindihan ang sarili ko dahil kusang humahakbang ang mga paa ko papunta sa kanya. "S-samahan na kita sa EO ipapagawa natin ang nasira kong salamin mo" ang sabi ko sakanya. Isang ngiti ang nakita ko sakanyang labi. Bigla nalang niya ako niyakap. Agad ko naamoy ang kanyang pabango. Di masakit sa ilong at familiar ang amoy na yun. Dahil pareho kami ng pabango. Mahigpit niya ako niyakap. Di ako tumugon sakanyang yakap nanatili lang ako nakatayo habang siya ay mahigpit niya ako niyayakap. "Miss na miss na kita Albie! Di ko akalain na dito pa tayo magkikita." ang sabi nito "B-baka may makakita pa sa atin dito. Tara na dahil may kasama pa ako naghihintay" ang sabi ko sakanya. Dahan dahan naman siyang bumitaw nakita ko sakanyang mukha ang dismaya. Hinawakan ko ang kanyang braso at pumunta sa EO para ipaayos ang nabasag na salamin niya. Malapit lang naman ito. Umalis agad ako ng makarating kami sa EO. Di na ako nagpaalam sa kanya. "Albie di ka ba nagugutom?" ang biglang tanong ni Daddy sa akin "Kanina pa yan tulala lolo." ang sabat naman ni Alonzo. "Im sorry ok lets eat" ang sabi ko nalang sakanila. Marami ng tao ngayon sa mall dahil pas 7 na. Nandito kami sa isang restaurant kung saan pagmamay ari din ito ng may ari ng Rald's Box. HELMUX ang pangalan ng restaurant. Hinayaan ko lang sila Daddy at Alonzo na mag usap. Paano kung magkita sila Daddy at Jordan? Kailangan kong malaman kung saan nakatira si Jordan lumipat ba siya o doon pa din sa apartment siya nakatira. Ano na trabaho niya? Umalis na ba siya sa Helix? Put@ngina naman bat ba ako nagkaka ganito. Namalayan ko nalang na nasa bahay na kami. "Albie anak puwede ba tayong mag usap?" ang sabi ni Daddy sa akin. Tumango lang ako sakanya. "Tungkol sa kumpanya. Gusto ko by end of the year malaman mo na lahat tungkol sa pamamahala ng kumpanya." ang seryosong sabi nito sa akin. "Walang problema" agad na ako umakyat sa kuwarto ko. Iniisip ko pa din ang nangyari kanina. Bat nakita ko pa siya! Alfonzo POV Napangiti nalang ako ng makita ko si Jordan kanina sa MALL. Di na sana ako lalapit sakanya kundi lang nakita niya ako agad siyang lumapit sa akin. Kinamusta niya ako. Gusto ko pa siyang makasama ng matagal peri di puwede nagsabi na ako kay Albie na "Alfonzo!" ang masayang bati niya sa akin. Kitang kita ko sakanyang mga mata ang kasiyahan. "Jordan" ang nasabi ko nalang. Maraming tao sa mall baka makita pa kami ni Albie at mas lalo pa siyang magalit sa akin. Agad din ako ng paalam sakanya binigay niya ang kanyang number. Ayaw ko sana ibigay ang number ko pero nagpumilit siyang kunin. Ngayon para akong tangang naghihintay ng txt o tawag muna sa kanya. Aaminin kong mahal ko pa din siya. Ni minsan di ko siya kinalimutan. Kakatapos ko lang maligo ng makita kong umiilaw ang cellphone ko. Agad ko yun sinagot. "Jordan?" Nagdadalawang isip ako kung makikipagkita ako sakanya. Kakatapos lang niya tumawag at nagsabing gusto niyang makipagkita sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD