Albie POV
Di ko pa din makalimutan ang pagkikita namin ni Jordan. Ang tinatanong ko sa sarili ko kung anong nangyari sa mga mata niya.
Ako ba ang dahilan?
Kailangan kong kalimutan ang pagiisip sa kanya. Kailangan kong mag focus sa trabaho.
Sobrang daming mga paper works dito sa desk ko. Kailangan kong pagaral ang lahat ng ito para mas lalo kong maintindihan ang pagpapatakbo ng kumpanya.
Napapansin kong kakaiba ang kilos ni Daddy ngayon parang lagi siyang may kausap sa cellphone niya.
Nagkita na ba niya si Jordan? O nagkita na sila?
"Excuse me Sir nasa phone mo si Alonzo" ang sabi ng aking secretary
Napatingin ako sa aking cellphone ang dami na palang niya misscall.
"What happen?"
"What?!"
"Ok just wait me there"
Napailing nalang ako sa sinabi ng anak ko. Nasangkot nanaman siya sa isang gulo.
Kala ko sa pagpunta namin dito ay magtitino siya.
Nakarating ako sa school ni Alonzo.
Putok ang kanyang labi at namamaga ang kanan na pisngi niya.
Kinausap ko muna ang principal nalaman ko ang dahilan kung bakit natamo ng anak ko ang pasa niya sa mukha.
"So tell me what really happen?" ang tanong ko sakanya habang nakasakay kami sa kotse ko pauwi sa bahay.
"Its not my fault. Umawat lang ako pero nasuntok ako kaya...."
"Kaya sumali kana din sa gulo. Di naman masamang umawat but please umiwas ka sa gulo." ang seryosong kong sabi sakanya. Tumahimik lang siya hanggang makauwi kami sa bahay.
Nadatnan namin si Daddy na may kausap sa cellphone niya.
"Ok maya nalang ako tatawag" ang sabi ni Daddy sa kausap niya.
Umakyat na sa taas si Alonzo. Tinanong ako ni Daddy kung ano ang nangyari kay Alonzo.
Sinabi ko naman sakanya ang dahilan.
"Manang mana talaga siya sayo Albie. Remember high school days mo lagi ako pinapatawag sa school niyo" ang ngiting sabi nito
"Yeah i remember na isang beses ka lang pumunta. Anyway si Jordan ba ang kausap mo?" ang derectso kong tanong sakanya.
Nakita kong nabigla siya sa tanong ko. Di ko na kailangan hintayin na sumagot siya halata naman sa itsura niya.
"Kala ko ba napagusapan na natin to Daddy? Tahimik na tayo kaya wag ka ng gumawa ng ikakagulo natin lahat" ang inis kong sabi sakanya.
Ang kapal naman talaga ni Jordan.
Ano bang gusto niya?
Pera?
Di pa ba sapat ang ginawa ko sakanya para maintindihan niya na wag na siyang makipagkita sa akin o kay Daddy.
Gusto kong maliwanagan siya. Kailangan namin mag usap.
Kinabukasan ay maaga ako nagising pinuntahan ko ang apartment kung saan nakatira si Jordan di ko lang sigurado kung doon pa siya nakatira.
Tama ba tong gagawin ko na makikipagkita sa kanya para lang sabihin na lumayo siya sa amin?
Di ko namalayan na nakarating na pala ako sa apartment.
Napatingin ako sa aking relo mukhang napaaga yata ako ng pagpunta.
Naiinis ako sa sarili ko. Baka akalain niya na gusto ko siyang makita.
Haisst.. . .
Nandito na ako kaya bahala na si batman.
Nakailang katok ako pero wala pa din nagbubukas ng pinto. Mukhang di na siya nakatira dito.
Pasakay na sana ako ng kotse biglang bumukas ang pinto.
"Hoy! Ikaw ba ang katok ng katok?!"
Isang lalaki ang nagbukas at mukhang kakagising lang nito.
"Oh im sorry ako nga. Nandyan ba si Jordan?" ang tanong ko sakanya.
"Jordan??! Wala na sila dito lumipat na kami na ng pamilya ko dito nakatira dito."
"Alam mo ba kung saan siya lumipat?"
"Hindi! Wala ka na bang itatanong?" ang maangas niyang tanong.
Sumakay na agad ako ng sa kotse di ko na siya sinagot.
Saan kaya siya lumipat? Baka alam no Daddy kung saan nakatira si Jordan pero ano ang sasabihin ko kay Daddy?
Sigurado akong di niya ibibigay yun.
Alonzo
"Ano Alonzo pinagalitan ka ba ng Dad mo?" ang tanong ni Hans
Alam kong mangaasar lang ito kaya di ko siya sinagot. Kainis naman kasi umaawat lang ako pero ako pa ang napahamak!
Kapag nakita ko talaga sila di lang sapak ang ibibigay ko sakanila.
Namamaga pa din ang pisngi ko at masakit ang labi ko.
"Masyado ka kasing bayani." amg ngising sabi ni Geo.
Tinignan ko siya ng masama. Di man nila ako tinulungan sa rambol kahapon nanood lang ang mga loko.
"Don't look at me like that Alonzo its your fault masyado kang bayani. Di mo ba nabalitaan na mga gang ang mga gag@ na yun?" ang seryosong sabi nito
"Ok fine! Its my fault. And we move on!" ang inis kong sabi sakanila
"Hey! Concern lang kami sayo! Baka mabalitaan nalang namjn na..."
"C'mon Hans kaya ko sarili ko. Tama nga tong usapan na to tara kain tayo gutom na ako"
Lumabas na kami sa school ayoko ng pagkain sa canteen.
Nagpunta kami sa isang fast food.
Natakot ako bigla sa sinabi ni Geo. Umawat lang naman ako. Nasuntok ako kaya nakipagsuntukan na din ako.
Sayang wala si Sam ang buddy ko sa Canada.
"Look that girl laki ng boobs" ang ngising sabi ni Geo
"Kamanyakan mo Geo. Di ka pa tuli!" ang natatawang sabi ni Hans.
"Gag@ ka!" ang inis niyang sabi ni Geo
Tinignan ko yung babaeng sinasabi ni Geo.
Una mo talaga mapapansin ang malaki niyang boobs. Maganda din naman siya but not my type pero puwede na din.
Nagtinginan kaming tatlo nila Hans at Geo.
Tinawag namin yung babae pero kasamaang palad ang manager ang lumapit sa amin.
"May problema po ba?" ang tanong nito
"Bat ikaw lumapit yung babae ang tinawag ko ah" ang sabi ni Geo
"Excuse me kiddo di bar ito. Fast food ito" ang seryosong sabi ng lalaki.
Umalis nalang kami sa fast food dahil oras na din ng klase namin.
"Yabang ng manager na yun ah!" ang sabi ni Hans
"May araw din yun!" ang sabi ko sakanila.