Chapter 7

1066 Words
Albie POV Ilang linggo din ako maghintay para lang malaman kung nasaan nakatira si Jordan. Papunta ako ngayon kung saan nakatira siya sa isang exclusive subd. na pala siya nakatira. Mukhang umaasenso na ang gag@. "Good Evening po sir. Sino po pupuntahan nila?" ang tanong ng security Sinabi ko ang pangalan ni Jordan. At nagpakita na din ako ng ID. Tinawagan niya pa ito para makumpirma kung kakilala ako ni Jordan. Di nagtagal ay nasa harap na ako ng gate ng bahay ni Jordan tama lang ang laki nito. Mas malaki pa rin ang bahay namin. Bumusina ako ng tatalong beses bago ito bumukas. Ang inaasahan kong magbubukas ay isang maid. Pero si Jordan mismo ang nagbukas nito. "Albie di ko inaasahan na...." "Expect the unexpected Jordan. Mukhang umaasenso ka ngayon ah!" ang ngising sabi ko sakanya. "Hindi namab sa akin to. Sa amo ko ito" ang sabi naman niya sa akin. "Amo??? Tsk! Wag na tayo maggaguhan dito Jordan. Alam ko naman kung paano mo nakuha ito." ang ngising sabi ko sakanya. Pansin kong nagbago na ang suot niyang salamin. Naalala ko na naapakan ko ito noong una kaming nagkita sa Mall. Kung kong malaman kung ano ba ang nangyari sa kanya sa tatlong taon na nakalipas. Aaminin kong pinipigilan ko lang ang sarili ko ngayon na makagawa ng isang malaking pagkakamali. Pinapasok niya ako sa loob. Nagtataka lang ako kung bakit mukhang tahimik ang buong bahay. Di na ba niya kasama si Brad? Wala ba siyang kasamang kasambahay? "Tamang tama kakaluto ko ng ulam. Tara dito kana maghapunan." ang masayang sabi nito sa akin. "Wag na busog pa ako kakagaling ko lang sa isang dinner meeting" ang sabi ko sakanya. Meron akong nakitang isang malaking picture frame ng isang matandang babae. "Mukhang pati matanda pinapatulan mo. Oo nga pala dati pa pala. Remember yung Daddy ko" ang ngising sabi ko sakanya. "Nagkakamali ka iniisip mo Albie. Siya ang amo ko sa pinagtratrabahuhan kong fast food chain" ang seryosong sabi nito sa akin. Alam kong nagtratrabaho siya bilang Manager sa isang Fast Food Chain malapit sa school nila Alonzo. Salamat kay Nicolas. Lahat ng ito ay nalaman ko dahil sa kanya. "Masaya ako na pumunta ka dito. Sana sa pagkakataon na ito ay puwede tayo magusap. Alam kong galit ka sa akin. Humihingi ako ng tawad sa lahat ng nagawa ko sayo at sa pamilya mo." ang sabi niya sa akin. Galit pa din ako sakanya sa pagkikipagrelasyon niya kay Daddy. Di na siya nahiya. "Di ko lang matanggap na nakipagrelasyon ka sa Daddy ko. Masyado ka bang gipit para kumapit sa Daddy ko?! Tang@@@ na mo!!" di ko na napigilan ang galit ko. "Mahal ko si Alfonzo!!!! Mahal ko ang daddy mo Albie. Patawarin mo ako sa pagmamahal ko sa Daddy mo" umiiyak na ito Di ako madadala sa pagiyak niya. Sobrang sakit pala kapag harapan niyang sinabi sa akin na mahal niya ang Daddy ko. Nakakatawang isipin na magiging karibal ko ang Daddy ko sakanya. "Patawarin mo ako Albie" ang sabi ni Jordan sa akin. Isang sapak ang binigay ko sakanya at umalis na ako sa bahay niya at dali dali akong sumakay sa kotse. Di ko na makayanan na makita siyang ganun at marinig pa sakanya na mahal na mahal niya si Daddy. Alonzo POV Isang masamang balita ang natanggap namin ngayong gabi ni Lolo Al. Nabangga daw ang sinasakyan ni Dad. Agad kaming pumunta sa hospital kung saan dinala si Dad. Nasa ER pa din siya hanggang ngayon. Kaya naghihintay kami lumabas ang doctor. Sa paghihintay namin ay may isang taong dumating. Yun ang lalaking kasama ni Lolo Al sa Rald's Box. "Kamusta na siya Alfonzo?" ang tanong ng lalaki kay Lolo Al "Di pa namin alam di pa lumalabas ang doctor" ang pagaalalang sabi nito "Kasalanan ko"  ang mahinang sabi ng lalaki. "What do you mean Jordan?" "Pumunta siya sa bahay. Nagtalo kami. S-si-siguro masama ang loob niya kaya wala sa sarili niya ang pagdridrive niya." ang sabi ng Lalaki na Jordan ang pangalan niya. Nang marinig ko yun ay sinugod ko agad ang lalaki. Sa pagkabigla niya ay natumba siya sa suntok ko. "Its all your fault! Narinig ko lahat! Umalis ka dito!!!" ang galit kong sabi sakanya. "Alonzo stop! Di kasalanan ni Jordan! Walang may kasalanan! Please calm down." ang sabi ni Lolo Al. Niyakap niya ako ng mahigpit. Iyak ako ng iyak. Natatakot ako na baka mawala si Dad sa akin. Natatakot ako na baka mawala si Dad sa akin. Naalala ko pa noon ng una kaming nagkita. Sinabi sa akin nila Lolo at Lola na may pupuntahan kami. Una ko palang si nakita ay iba na ang nararamdaman ko sakanya. Nabigla nalang ako ng niyakap niya ako at umiyak pa ito. At doon ay nalaman ko na Ama ko pala siya. "Alfonzo lumabas na ang doctor" ang narinig kong sabi ni Jordan. Agad naman nilapitan ni lolo Al ang doctor. Ayun sa doctor ay ligtas na si Dad nahirapan lang silang tanggalin ang mga bubog ng salamin sa mga sugat ni Dad. Agad naman kami pumunta sa kuwarto kung saan nandoon si Dad. Pagkakita palang namin kay Dad ay puno na ng sugat ang buong katawan niya pati na din sa mukha niya. "Alfonzo sige na ako na magbabantay sa kanya. Alam kong may pasok ka pa bukas pati na din si Alonzo. Wag na kayo mag alala. Gusto kong bumawi sakanya" ang sabi ni Jordan. Ayaw ko sana umuwi pero mapilit si Lolo Al na umuwi kami. Tinanong ko siya kung magkakilala si Dad at si Jordan. "Matalik na magkaibigan ang dalawa na yun. Kapag may topak ang Dad mo ay sa apartment ni Jordan siya tumitira. Halos doon na siya tumira buong college life niya" ang natatawang sabi ni Lolo Al pero kitang kita ko pa din sa mga mata niya ang pag aalala kay Dad. Kinabukasan ay sinundo ako ni Hans. Sinabi ko din sakanya ang nangyari. Nagpapasama ako sakanya na pumunta sa hospital after ng klase namin. "Alonzo mukhang namatayan ka! Anong meron ba parang malungkot ka ngayon nakakapanibago ah!" ang birong sabi ni Geo sa akin Ayoko siyang patulan kaya nanahimik nalang ako. Sinabi din ni Hans kay Geo kung ano ang nangyari kay Dad. "Sorry di ko alam Alonzo!" ang biglang sabi ni Geo. Tumango lang ako sakanya. Nakatanggap ako ng isang txt msg na nagpasaya sa akin. Nandito na sa Pinas si Sam!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD