Chapter 8

989 Words
Alfonzo POV Nakwento lahat sa akin ni Jordan ang nangyari bago maaccidente si Albie. Naawa ako sa aking anak kasalanan ko lahat ito. Kung di lang sana ako nagpadala sa tukso ay di mangyayari sa amin to. Di ako makapagfocus trabaho. Iniisip ko ang kalagayan ni Albie tumawag na ako kay Jordan sinabi naman niya ay stable naman ang kalagayan ni Albie pero mas magiging panatag siguro ako kung ako mismo ang magbabantay sa kanya. Pina cancel ko lahat ang mga appointments ko ngayon araw na to. Papunta ako ngayon sa hospital. Alam kong pagod na din si Jordan di pa siya umuuwi simula kagabi. Dumaan muna ako sa Rald's Box nagtake out ako ng Lemon Muffins at dalawang kape. Pagkarating ko sa hospital ay bubuksan ko na sana ang pinto ng marinig kong mukhang nagising na si Albie at naguusap sila ni Jordan. "Albie!! Teka tatawagan ko ang doctor na gising kana!" ang masayang sabi ni Jordan "Dude teka ano bang nangyari bat nandito ako sa hospital?" ang natatakang sabi ni Albie Nagulata ako ng tawagin ni Albie si Jordan na Dude. Sa pagkakaalam ko ay di na niya tinatawag na dude si Jordan kundi mismong pangalan na niya ito tinatawag. Di na muna ako pumasok tinawag ko na muna ang doctor. "Nagkaroon siya ng partial amnesia." ang sabi ng doctor ng sa amin. "Ibig sabihin di lahat ng alaala niya ay nawala. Kailangan ko muna siya makausap para malaman natin kung hanggang saan nawala ang alaala niya" ang sabi ng doctor. Nagkatinginan kami ni Jordan alam ko din ang iniisip niya. Di ko alam kung maganda ba tong hinihiling ko na sana ay di niya maalala ang mga masasamang nangyari sa buhay namin. Lumabas muna kami ni Jordan at nagkausap kami. "Masama ba akong tao kung gusto kong mabura ang alaala ni Albie kung saan di pa niya nalalaman kung sino talaga ako? At di niya alam na may relasyon tayo?" ang sabi ni Jordan sa akin. "Yan din ang gusto kong mangyari pero paano si Alonzo siguradong magtatanong si Albie kung paano dumating si Alonzo sa buhay niya. Naawa din ako kay Alonzo kung sakali di maalala ni Albie si Alonzo" ang pagaalala kong sabi sa kanya. Kailangan kong makausap agad si Alonzo para ipaliwanag ang lahat sa kanya. Alam kong mahihirapan siya sa sitwasyon. Lumabas ang doctor ipinaliwanag niya sa amin ang sitwasyon ni Albie. "Hanggang sa College life ang naalala niya. Payo ko lang sa inyo ay wag niyo siyang bibiglain sa mga nangyayari ngayon baka makasama sa kanya. Pero ok na siya puwede na siyang ilabas bukas. Basta araw araw lang siyang uminom ng gamot para mabilis ang recovery niya" Nakaalis na ang doctor at pumasok na kaming dalawa ni Jordan sa loob. "Dude anong nangyayari?" napatingin naman siya sa akin "Daddy?? Mukhang di ka busy ngayon sa trabaho mo ah?! T-teka you look old?" ang takang sabi niya sa akin. "Dude ikaw din! Tsaka bat may eye glasses ka? Kailan pa lumabi yang mata mo?! Can i go home?!" ang iritang sabi ni Albie. College life ibig sabihin noong panahon na palagi siyang nasa apartment ni Jordan at galit siya sa akin dahil puro ako trabaho. Siguro ito na ang pagkakataon na muli akong babawi sa kanya. Kung sakali man bumalik ang alaala ay bahala na kung ano ang mangyayari basta ngayon ang mahalaga ay kailangan kong bumawi sa anak ko. Alonzo POV "Sam kala ko di ka na matutuloy dito?!" ang masayang tanong ko sakanya. Nagkita kami sa Airport kung saan hinatid ako ni Hans. Ngayon ay pauwi na kami sa bahay doon muna siya mag stay habang nandito siya. Nakausap ko na sila Lolo at Dad tungkol dito. "You miss me dude?" ang ngising tanong niya sa akin. "C'mon dude you miss me?! Anyway this is Hans and Geo" ang pagpapakilala ko kina Geo. Madali naman silang nagkasundo. Tinatawagan ko pa kanina si Lolo di pa din siya sumasagot. Pagkarating namin sa bahay ay nadatnan namin si Lolo nasa sala mukhang hinihintay niya ako. "Lolo kanina pa ako tumatawag sayo di mo sinasagot. Anyway this is Sam remember him" ang sabi ko kay Lolo "Yeah welcome Sam feel at home. Nagpahanda na ako ng dinner kay Manang. Alonzo hatid mo muna si Sam sa magiging kuwarto niya. And after that i want to talk to you." Bigla naman ako kinabahan. Tinanong ko agad sakanya kung tungkol ba ito kay Dad. Sinabi naman ni Lolo ay mamaya nalang kami magusap. Iniwan ko na muna sila Geo at Hans sa sala. Ipinakita ko kay Sam kung saan ang magiging kuwarto niya. "Dude puwede bang sa kuwarto mo nalang ako" ang sabi ni Sam "Di mo ba nagustuhan ang kuwartong ito?" ang nagtatakang tanong ko sakanya "Dude I just miss you. Gusto kitang makatabi. Please" ang ngising sabi nito sa akin. Napailing nalang ako sakanya. "Lakas maka bromance. Yeah its ok" ang sabi ko naman sakanya. "Dude can i hug you?!" ang sabi bigla ni Sam Napatingin naman ako sakanya. Di pa man ako nakakasagot ay nakaakap na siya sa akin. "I miss you so much Alonzo!" ang mahigpit niyang yakap sa akin. "So gay dude" ang natatawang sabi ko sakanya "So what i will become gay just for you. You know that" ang sabi nito sa akin at hinalikan niya ako sa noo. Lumabas nakami at pumunta sa sala kung saan nandoon sila Hans at Geo nasa Study room naman si Lolo kaya nagpaalam muna ako sakanilang tatlo. "Alonzo your Dad has a Partial Amnesia. Bukas na siya makakalabas ng hospital." ang sabi bigla ni Lolo. Ipinaliwanag niya sa akin ang kalagayan ni Dad. Di ko mapigilan na di mapaluha. "Its gonna be ok Alonzo. Ang mahalaga ay alagaan natin ang Dad mo." ang sabi ni Lolo sa akin. Sinabi niya din sa akin na simula bukas ay madalas na magpupunta si Jordan sa bahay. Nasa college life ngayon ang alaala ni Dad ibig sabihin di niya ako natatandaan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD