"Jesus Christ!" bulalas ni Doel nanatuptop ang dibdib sa gulat ng pag bukas n'ya ng pinto ng ref at bahagyang nag liwanag ang bandang harapan ng ref. Nagulantang s'ya ng makita si Winter na naka-upo sa sahig habang naka sandal sa kitchen counter na kumakain ng ice creame habang kitang katitigil lang nito sa pag-iyak. "May ilaw dito Winter, mesa at may upuan din bakit nand'yan ka," iritableng tanong ni Doel. Hindi naman sumangot si Winter na inirapan lang si Doel na tuloy ang kain. "Ano ba." gulat nausal ni Winter ng bigla s'yang hawakan sa bewang ni Doel at walang kahirap-hirap na isimanpa s'yang paupo sa ibabaw ng kitchen counter na tatalon san n'ya pababa pero mabilis nitong pinag hiwalay ang hita n'ya at pumagitan ito bago bumuga ng hangin. "Isang tanong isang sagot. Kumain ka ba ng

