"Hello po, ako po si Elize ito naman po si Lori at Anna. Mga maid po kami ni Sir Doel na newly hired na orient na po kami ni Sir kanina ng umalis s'ya." isa-isa naman napatingin si Winter sa 3 babae bago napabuga ng hangin. 11:30 na ng tanghali napa sobra ang tulog n'ya dahil sa sobrang pag-iyak n'ya sa buong mag damag. Panay ang tawag n'ya sa ina at ama pero ayaw sagutin ng mga ito, kinulit pa n'ya si Doel na ihatid s'ya pauwi. Alam n'yang puyat na din si Doel kagabi dahil naka bantay ito sa kanya, pero pumasok parin pala ang asawa kahit wala pa itong tulog. Nabasa pa n'ya ang note nitong iniwan na sasama ito sa pag hahatid sa airport ng bangkay ni Doughlas Almeda kasama ng private nurse nitong s'yang mag aasikaso ng cremation ng matanda sa Italy para isama na itong sa museleo ng mag-iin

