Hades’ POV “Hades, ano ‘to? Conjuring? ” turo niya sa sulat ko. “Conjugate, stupid.” saad ko. Bakit ba hindi siya nag-iisip? Ba’t naman ako maglalagay ng Conjuring sa notes ko ng Basic Calculus. “Alam mo kung ano ‘yung ikina-gwapo mo, ayun naman ‘yung ikina-pangit ng sulat mo!” pagrereklamo niya. “Parang kinalahid ng manok!” I glared at her and took my notebook away from her desk. “Then, don’t copy mine.” “Ito naman, charot charot lang eh!” she exclaimed. Binawi niya na rin ang notebook ko na nakalapag sa desk. “Bakit ba ang seryoso mo masyado? Matatalo mo na sana si James Reid kung ngingiti ka eh." saad niya habang nakakunot ang noo habang nakatingin sa akin. The hell I care. Mamatay na lang ako kaso ngumiti. Tsaka, sino ba 'yung James Reid na 'yun? "Hindi ko talaga gets kung bak

