Hades’ POV
Maaga akong pumasok sa sa school para konti lang ang mga estudyanteng makakasabay ko. I really hate crowds and enclosed spaces. Nang makarating ako classroom, nakita kong wala pang tao. Nice, ako lang mag-isa.
Umupo na ako at inilagay ang bag sa tabi ko. Isinuot ko na rin ang aking airpods at nagsimulang matulog dahil kulang ang tulog ko kagabi. Ang ganda kasi ng palabas sa HBO kagabi kaya’t ala una na ko nakatulog. I still have 1 hour to sleep so I closed my eyes while listening to a relaxing classical music by Mozart. Is this what heaven feels like? Ako lang mag-isa. Tahimik. Walang maingay-
“Hi, Hades!” isang maliit na boses ang narinig ko mula sa aking harap. No, don’t tell me that this rat is already here.
Itinaas ko ang aking ulo mula sa pagkakayuko. Tama nga ang aking hula. “What are you doing here?” I said angrily. Do you know who's the most annoying people in the world? Those who ruin someone’s sleep and rest time. D*mn.
“Ha? Diba dito ko nag-aaral? Syempre papasok ako,” she said while laughing. “Sana ayos ka lang.” she still makes fun of me. If it’s not illegal to murder, this room will be full of her blood already.
Hindi ko na lang siya pinansin at yumuko uli. Focus, Hades. ‘Wag mong intindihin ang nakakairita niyang presence. Dapat akong makatulog dahil kung hindi, baka sa klase ako ng kalbong professor makatulog. Konti na lang bi-bingo na ko sa kaniya eh. Sabi pa naman sa akin ni Asher na kapag pinapunta pa uli siya sa office, I’ll lose all my credit cards. Such an assh*le.
“Joke lang! Ito naman,” saad niya. Naramdaman kong may gumalaw na upuan sa aking tabi. “Pero maaga talaga ko pumasok kasi feeling ko maaga ka papasok. Charan! Tama nga hula ko. Mag-tweet nga ko mamaya ng ‘Girls’ instincts are always right’” sabi niya. F*ck, wala ba kong tape sa bag at nang matakpan ‘yung bunganga nitong babaeng ‘to. Hindi ko siya pinansin at sinunbukan pa ring matulog. Hindi kita papansin, manigas ka.
Bakit nga ba siya maaga pumasok? Para bwisitin ako?
“Siguro iniisip mo kung bakit maaga ako pumasok ‘no?” she said. How did she know what I was thinking? “Wala kasi akong makausap sa bahay eh tsaka ikaw yung pinakamasayang nakausap ko sa buong buhay ko.” muntik ko nang maitaas ang aking ulo dahil sa sinabi niya. This is the first time someone told me that I am fun to talk with.
Pero, teka. Hindi ko naman siya pinapansin, paano ako naging masaya kausap? Trip ata ko ng babaeng ‘to. Pero hindi ako magpapauto, dapat akong makatulog.
“Alam mo ba kanina nadapa ko papasok sa gate. Bakit kasi may bato sa gitna? Nadapa tuloy ako!” saad niya. Sobrang tanga naman nung bato. “Nasugatan tuloy ang aking flawless legs.” naririnig niya ba ‘yung sinasabi niya? Why am I even listening to her nonsense in the first place?
“Ay alam mo ba nung bata ako, tinikman ko raw yung dumi ko kasi akala ko chocolate.” saad niya habang tumatawa. F*ck. Ano ba naman klaseng babae ‘to? Babae ba ‘to? Siya lang nakilala kong babae na napakababoy kasi ‘yung iba nuknukan ng arte. Pero, lahat pa rin sila nakakabwisit. Patuloy pa rin siya sa pagtawa samantalang ako ay nakakunot ang noo habang nakayuko. Pwede ba siyang umalis? Kasi kung hindi, ako ‘yung aalis. Hahanap ako ng lugar na walang nakakairitang dagang gaya niya. “Pero malinis na ko ngayon ‘no!” Nakayuko pa rin at hindi siya sinasagot dahil wala akong pakialam sa mga sinasabi niya.
“Teka, ba’t hindi mo ko pinapansin?” rinig kong saad niya. Naramdaman kong inilapit niya ang upuan niya sa akin. “Tulog ka ba?” paano kita sasagutin kung tulog ako? What a noob.
“Hmm, tulog nga. Bakit kaya puyat ‘to?” nararamdaman kong nakatitig pa rin siya sa akin. “OMG, don’t tell me napuyat kakanuod ng po-” bigla kong itinaas ang ulo ko mula sa pagkakayuko.
“Can you please shut the f*ck up?” I exclaimed.
“Wow! May please. Gusto ko ‘yan, bad boy na magalang.” saad nito. Inilayo ko na lang ang upuan ko sa kaniya at tumingin sa malayo. “Ito naman! Gusto ko lang talagang maging kaibigan ka.”
“Do you think I want to be your friend?” I looked at her.
“No. But I think you’re slowly drowning in loneliness and you need someone to save you,” she said. “And that someone is me. Whether you like it or not.” she stuck her tongue out.It’s impossible to stop her. I’m just going to avoid her so she will realize that I don’t need her.
Sa dami dami ng malulungkot na tao rito, bakit ako pa? Bakit gustong gusto niya ako tulungan kahit na ang sama ko sa kaniya? Bored ba siya? Hindi ko na lang siya pinansin dahil sakto ring may mga pumapasok na sa room. 1 hour na ‘yun? Bakit parang ang bilis? I couldn’t even have the chance to take a nap.
----
It’s already 5 pm an uwian na namin. Naglakad ako palabas ng school and luckily hindi ko nakasalubong ‘yung dagang ‘yun. Sa loob ng siyam na oras, hindi ko siya pinansin pero dakdak pa rin siya nang dakdak. Hindi ata napapagod ‘yun kakadaldal.
Gusto kong tigilan niya ko kaso kahit anong gawin kong pagtaboy sa kaniya, hindi pa rin siya sumusuko. Kaya gagawin ko lahat para sumuko siya sa kalokohan niyang ‘yan. Hindi ko siya papansinin kahit umiyak pa siya ng dugo. Tsaka, it’s much better to stay silent and avoid her rather than constantly telling her mean things just to leave me alone. Kasalanan ko pa ‘pag umiyak siya.
I won’t let any woman enter my life again.
My driver texted me that he would be late for 10 minutes because he drove Asher to the airport. It’s fine since I could just stay in the garden to relax. Maglalakad na sana ako nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Malas naman oh.
Inilabas ko ang aking payong at napagdesisyunan na sa waiting shed na lang ako mag-iintay para kay manong. Naglakad na ako sa quadrangle nang matanaw ko sa gilid ng bleachers si Selena na may hawak na libro sa taas ng kaniyang ulo. I guess she doesn’t have an umbrella with her. What a fool.
Naglalakad na ako at nakita kong kumakaway siya sa akin pero hindi ko siya pinansin. Bahala ka riyan.
“Hoy, sandali!” rinig kong sigaw niya. “Hades!” pero hindi ko siya binalikan.
I know I’m mean but it’s the best possible way to make her surrender. Nagulat ako nang biglang may tumabi sa akin sa payong, “Hoy! Kanina pa kita tinatawag!”
“I didn’t hear you.” I said firmly.
“E kaway din ako nang kaway sa’yo ah!”
“I didn’t see you as well,” pagsisinungaling ko. “What are you doing here?”
“Siguro gusto ko mabasa kaya nakikipayong ako,” pamimilosopo niya. Inilayo ko ang payong sa kaniya para siya ay mabasa. “Joke lang! Wala kasi akong dalang payong eh. Sobrang tirik kasi ng araw kanina kaya hindi ko naman ini-expect na uulan bigla. Grabe na talaga global warming ‘no?”
“Yeah. That’s why I hate schools since it encourages the use of papers. Papers are one of the major products of cutting trees. To sum it up, schools made a large percentage of contribution to global warming--” I stopped talking when I saw her staring at me, “What?!” mukhang napahaba ang sinabi ko. Wrong move.
“Pfft, bakit ka gumagawa ng essay?” saad niya. Anong pinagsasabi niya? Inilayo ko uli ang payong ko dahil masyado siyang malapit sa akin. “Nababasa ako, ano ba!”
“Wag kang dumikit sa akin!” reklamo ko.
“Bakit kasi ang liit ng payong mo?” saad niya habang umuusog pa rin. Sakto ay nakarating na kami sa waiting shed. Huminto ako sa paglalakad na ikinataka niya. “Huy, tara na!”
“What are you saying? Hanggang dito lang ako.” I said.
“Akala ko pa naman hahatid mo ko sa bus stop,” saad niya. Biglang kumunot ang noo ko. Who told her that I’ll do that? Pinayungan ko na nga siya, ihahatid ko pa siya. Aba, ang swerte naman niya. “Dali na, hatid mo na ko. Malapit na lang naman eh.” she pouted. F*ck, akala niya cute tignan? Sarap bigwasan.
Lalong lumakas ang ulan at ayokong nababasa ako kaya mariin kong sinabi na, “No.”
“Ang lakas ng ulan, hindi ka ba nag-aalala sa akin?” pagpapaawa niya.
“No.” I said with a blank expression.
“Kapag ako hinatid mo, hindi na kita iistorbohin!” saad niya. Napatingin ako sa kaniya bigla.
“Really?” tanong ko.
“Oo nga!” sa wakas ay wala na ring manggugulo sa akin. Pero, ba’t parang ang bilis naman sumuko nito? Nevermind, mas maganda na ‘to.
“Let’s go.” sinamahan ko siya maglakad papunta sa bus stop na malapit sa school habang bitbit bitbit ang payong. I just realized that some people are looking at us with curiosity written on their faces. Mga chismosa.
Bigla siyang may kinuhang papel galing sa bag niya at itinupi niya ito para maging isang paper boat. Ilang taon na ba ‘to at isip bata pa rin?
“Sabi sa akin ni Daddy, kapag daw nagpaanod ako ng bangkang papel, matutupad daw ‘yung iwi-wish ko kasi makakarating sa God of the sea na si Poseidon.” saad niya habang nakangiti. I guess her personality came from her Dad.
“It’s obviously a bluff. He’s too busy to clean the seas so he doesn’t have time to fulfill your nonsense wishes.” paninira ko sa imagination niya. She just rolled her eyes.
“Heh! Ang epal mo, alam mo ‘yon?!” bigla siyang huminto sa paglalakad at may isinulat sa paper boat. Pagkatapos ay pinaanod niya na ito sa kanal. What did she write?
“Curious ka sa sinulat ko no?” pang-aasar niya.
“No.” saad ko.
“Sinulat ko ‘yung wish ko,” she stopped. “I wish that you’ll become the happiest man alive someday.” I stared at her while she’s looking at the road. It felt like my world became silent and the only thing I could hear was her voice.
“Oh siya, nandito na ko! Salamat poging masungit!” she said. “Babye! Hindi pa kita napapa-oo sa pagiging bestfriend forever ko kaya mag-ingat ka!” saad niya habang kumakaway. Tumalikod na lang ako at hindi pinansin ang sinabi niya.
I should be the one saying that, dumb.