Kabanata 5

1613 Words
                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                            Hades’ POV “Nandito na po tayo, Sir,” our family driver said. I looked through the window and we were already in front of the house. “Thanks, manong,” saad ko bago bumaba ng kotse. Marunong naman ako mag-drive ng kotse kaso hindi pwedeng malaman ni Asher na dina-drive ko ang kotse namin kaya kailangan ko talaga si manong ngayon. “Akin na po ang bag mo, Sir Hades,” saad ng katulong. Binigay ko na ang bag ko sa kaniya at tinanguan siya. Dahil apat na palapag ang bahay, maraming katulong ang nagtatrabaho sa amin. “Where’s Asher?” tanong ko. “Nasa bar counter po, umiinom ng wine,” sagot niya. Alas singko pa lang, umiinom na kaagad? “Sige, salamat,” I said. Naglakad ako papunta sa bar counter ng bahay at nakita kong nandoon nga si Asher habang may hawak-hawak na wine glass at seryosong nakatingin sa dart board. Inusog ko ang upuan para maupo kaya napalingon siya sa akin. “Oh, nandito ka na pala?” tumango lang ako. “Kumusta ang school?” “Same old sh*t,” I told him. “Watch your language, Hades” pananaway niya sa akin. “Hindi ka pwedeng gumawa ng kahit anong masama na makasisira sa pangalan ko.” I just ignored him since nothing would change if I talked back.  “Akala ko ba next week pa ang uwi mo? Ba’t napaaga?” tanong ko sa kaniya. “Na-cancel ang business week namin for this week,” ibinaba niya ang wine glass na kaniyang hawak. “Bakit hindi mo ba ako na-miss, Hades?” Napakunot ang noo ko sa tanong niya dahil sobrang corny nito. Kinuha ko ang wine bottle at naglagay din ng para sa akin. “I know you’re not here just to fool around.” saad ko habang iniikot-ikot ang wine glass. “I’m here to remind you that you should work harder,” he said seriously. “For the sake of your business?” I said while smirking. “No, for your future’s sake,” alam ko namang hindi totoo ang sinasabi niya. Gusto niya pagbutihin ko ang pag-aaral para magkaroon ako ng silbi sa kaniya. Ganoon naman lahat ng tao, humihingi ng kapalit. F*ck this nature.  “I am worried that you might still be staying on that dark path of yours,” I looked at him and worry was written all over his face. “Even if I am, just ignore me because I’m already used to it.” binitawan ko na ang hawak kong wine glass at tumayo mula sa aking kinauupuan.  “Why would I ignore my son?” he asked. ‘Am I really your son or just a person who will benefit you in the future?’ saad ko sa aking isip. Nagsimula na akong maglakad palayo sa kaniya dahil hindi ko siya gustong makausap. “Stop it, Asher. Hindi bagay sa’yo.” saad ko. “I don’t need anyone to help me so please just mind your own business.” I said coldly and left. Sanay na si Asher sa ugali kong ito kaya hinayaan niya lang ako umalis nang walang paalam. Hindi niya iniisip na bastos akong bata dahil alam niya ang mga pinagdaanan ko. Don’t get me wrong, I am more than grateful for the things he has done to me. Pero, alam ko balang araw may kapalit lahat nang naitulong niya sa akin kaya hindi ako nagpapasalamat sa kaniya. Ni hindi ko nga rin siya tinatawag na tatay dahil hindi ko siya tinuturing na magulang. Minsan lang din siya umuwi dahil palagi siyang nasa business trips na naging dahilan kung bakit hindi malapit ang loob ko sa kaniya. Kilala si Asher bilang isa sa pinaka-successful na businessman sa bansa kaya napakayaman niya. Halos lahat ng luho ko ay naiibigay niya sa akin. Ngunit kahit na ganoon, alam ko sa sarili ko na may kulang pa rin. Minsan ay nakakainggit lang din ang ibang bata na may amang kasama sa mga bagay na gusto niyang gawin sa buhay. Si itay, kahit hindi siya singyaman ni Asher ay lagi siyang nandyan para sa akin. Siya pa rin ang tinuturing kong ama sapagkat lahat ng pagmamahal at atensyon na kailangan ng isang bata ay sobra sobra niyang naibigay sa akin. Call me dramatic or whatsoever but I miss him so bad. Binuksan ko ang pinto sa aking kwarto at in-on ang ilaw dahil ayaw ko sa mga madidilim na lugar sapagkat naaalala ko ang trahedyang nangyari sa buhay ko.Nahiga ako sa aking kama nang hindi hinuhubad ang aking damit. Ang gabing ‘yon ang siyang bumago sa buhay ko. Kung hindi nangyari iyon ay hindi rin magiging ganito kamiserable ang buhay ko. Hindi ako mahihirapan magtiwala sa iba at hindi ko rin isasara ang puso ko sa ibang tao. Malamang ay hindi ko rin makikilala si Asher. Napapikit ako at inalala ang pait ng gabing ‘yon Mabilis akong tumakbo palayo sa bahay dahil sa takot na baka ako naman ang isunod ni inay. Mali, hindi ko na siya inay. Wala akong inang demonyo.  Hindi ko na alam ang mangyayari sa buhay ko sapagkat hindi ko alam kung nasaan na ang iba naming kamag-anak. Kapag naman sa bahay ng mga kaibigan ako magtatago ay tiyak na mahahanap ako ni inay. Magiging isang pulubi na ba ako? Matutulog na rin ba ako sa isang madilim at malamig na kalsada nang ako lang ang mag-isa? Hindi ko alam kung ano na ang mangyayari sa buhay ko. Biglang bumuhos ang ulan nang sobrang lakas habang may kasamang nakakatakot na kulog at kidlat. Pakiramdam ko ay matatamaan ako nito nang wala sa oras. Biglang kumulog nang malakas kung kaya’t napapikit ako at napatakip sa tainga habang tumatakbo dahil hindi ako pwedeng tumigil sapagkat baka mahuli ako ni inay. Naalala ko sa tuwing may malakas na kulog at kidlat ay niyayakap ako ni itay para mawala ang takot ko. Pero, wala na si itay ngayon. Wala nang taong magpapakalma sa akin tuwing ako ay natatakot at nababalisa. Hindi ko maisip ang dahilan kung bakit nagawa ni inay ‘yon. Napakababaw naman ng kaniyang rason. Mas importante na ba ang pera kaysa kay itay? Kaysa sa pamilya namin? Hindi ko maiisip na kayang gawin ni inay ‘yon. Hindi siya kilala kong inay. Sirang-sira na ang imahe niya sa akin at kahit kailan ay hindi ko na siya tatanggapin. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata dahil hindi ko na alam kung saang lugar na ang narating ko. Pagkamulat ko ay nasilaw ako sa ilaw na nanggagaling mula sa isang sasakyan. Tila nakadikit ang mga paa ko sa sahig sapagkat hindi ako makaalis at nakatitig lamang sa parating na sasakyan. ‘Sumunod na lang kaya ako kay itay?’ saad ko sa aking isip. Wala na rin namang kwenta ang buhay ko. Wala na kong inay at itay. Wala na kong pamilya kaya wala na kong rason para magpatuloy pa.  Wala na kong masyadong maaninag dahil sa luha at patak ng ulan na patuloy na tumatama sa aking mga mata. Hindi ko na alam ang susunod na nangyari dahil unting-unti dumilim ang paningin ko at tanging narinig ko na lamang ay ang malakas na busina nito. ---- “How is he?” rinig ko mula sa isang lalaking may malalim na boses.  “It’s just a fever. He can be discharged tomorrow.” saad pa ng isang boses.  Mistulang may sumarado sa pintuan kung kaya’t unti unti kong iminulat ang aking mga mata. Ang napakaputing kisame ang siyang una kong nakita. Inikot ko ang aking paningin at nasa isang malaking kwarto ako na puro puti ang kulay.  May nakita akong isang lalaking may edad na nakaupo sa sofa, “Sino ka? Asan ako?” tanong ko sa kaniya. “Gising ka na pala iho,” tugon nito at lumapit sa akin. “Dinala kita sa ospital dahil nawalan ka ng malay sa gitna ng daan.” Ang tanging naalala ko lang ay ang parating na sasakyan at ang malakas na busina nito bago ako mawalan ng malay. “Ikaw ang driver sa sasakyan?” tanong ko.  “Oo.” sagot niya. “Maraming salamat at iniligtas mo ako pero sana hinayaan mo na lang ako,” saad ko habang nakayuko at dahan dahang pagtulo ng aking mga luha. Wala na si itay. Wala na kong pamilya. Paano na ko? “Bakit ko naman hahayaan ang isang batang gaya mo?” tanong niya. “Teka, bakit ka umiiyak? Anong nangyari? Gusto mo ba tawagan ko ang mga magulang mo?” Lalo akong napahagulgol. “Wala na akong magulang. Wala na akong pamilya. Pinatay ni inay si itay kaso wala akong magawa kaya tumakbo na lang ako kasi duwag ako. Sana hinayaan mo na lang mamatay para makasama ko si itay.” “Napakabata mo pa para maranasan ang mga trahedyang ‘yan,” itinaas niya ang aking ulo. “Sa tingin mo ba gusto rin ng itay mo na sumunod ka sa kaniya? Kung naging duwag ka noon, hindi ka na dapat maging duwag ngayon.” “Paano ko magiging matapang?” saad ko habang humihikbi. “Gusto mo ba talaga?” tanong niya at tumango lang ako. “Ako si Asher, ang bagong magiging ama mo. Tuturuan kita paano maging matapang sa delikadong mundong ginagalawan natin. Ikaw, anong pangalan mo?” “Hades Jackson.” sagot ko “Simula ngayon ikaw na si Hades Lopez.” saad nito at ngumiti. --- Nakaramdam ako ng likido sa aking pisnge. Ah, sh*t. Hanggang ngayon naiiyak pa rin ako kapag naalala ko ang gabing ‘yon. Ipinikit ko na lang ang aking mata at sinubukang matulog. “ 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD