Hades POV
‘Seriously what’s her problem. She is so annoying I can’t stand a chance at her,’ inis na saad ko sa aking isipan. Napatakip nalamang ako sa aking bibig at tumingin ng diretso sa aming guro at nakinig nalang sa buong klase.
Sa buong klase hindi pa din matanggal ang kaniynag titig sa akin. Napapikit nalang ako at pinigilan nag aking nararamdamang inis dahil sa kaniya. Habang kalagitnaan ng klase bigla nalang bumukas ang pintuan ng aming room at doon lumabas si Mr. Dela Cruz ang head teacher ng school. Agad napahinto sa pagsasalita si Sir sa klase namin at agad pinuntahan si Mr. Dela Cruz.
Habang hindi pa natutuloy ang klase, bigla nanaman akong nakaramdaman ng paninindig ng aking balahibo dahil sa mga naramdamdaman kong tingin saakin. Agad akong napatingin sa aking tabi at bigla kong nakita ang babaeng kaninang kumalabit saakin.
Bigla siyang nakipagtitigan sa akin sabay binigyan ako ng magandang ngiti. Agad akong napakunot dahil sa mga nasilayan kong ga ngiti niya at sabay umiwas na lamang sa knaiya. Agad kong kinuha ang aking cellphone upang maituon ang aking isipan sa ibang gawain.
Pagkabukas ko ng aking cellphone biglang bumungad saakin ang isang text. Agad ko itong tinignan at sabay biglaang nagbago ang aking timpla dahil sa aking natankggap.
‘Seriously man you again, ugh for all this year’s hindi mo ba talaga ako tatantanan.’ Agad kong pinatay ang aking cellphone at sabay yumuko nalamang upang linisin ang aking isipan.
For all these years he is always like that to me. Start palang nung araw na inampon niya ako, he always treats me us his real son but I know that someday he will change and he will be using me for his business. Ganon naman talaga nature ng tao kaya mahirap pagkatiwalaan ang iba because of that nature. Ni hindi mo na alam kung kanino ka maniniwala, even to my mother.
Agad akong napahinga ng malalim at napapikit nalang upang makalimutan ko ang bawat nangyari sa akin noon. But I can’t help it. This is the reason why I changed, because of her. I thought we are happy even though we are not that rich. She said she loves my Father but why did she do that. Kahit na nung araw na iyon pinatay niya si Itay hindi ko maitatanggi na gusto ng Inay ibigay saakin ang lahat ng gusto ko.
“Nay sigurado ka po ba talaga na bibilhin mo po yang damit na iyan?” tanong ko sa kaniya, “pero Nay wala na po tayong pera paano mo pa po iyan mabibili?” walang ka muwang-muwang na tanong ko sa kaniya. Agad naman siyang ngumiti saakin sabay umupo upang makita ang aking mukha.
“Listen Hades, kahit gaano pa kamahal ang mga bagay na ibibigay ko sa iyo,” tugon niya saakin, “lagi mong tatandaan na ayos lang kay Nanay ang mga iyon dahil mahal kita, gusto kitang mapasaya kaya ko bibilhin ito. At isa pa Hades malapit na din magpasko ayaw mo ba ng regalo?” masayang tanong saakin ni Nanay. Agad naman akong yumuko at sabay tumango-tango.
“Gusto ko po,” saad ko, “pero Nay iniisip ko parin po yung pamilya natin paano po kung wala na tayong mabiling pagkain dahil binili ninyo po iyan?” tanong ko sa kaniya. Agad naman siyang ngumiti saakin sabay hinawakan ang aking ulo.
“Wag kang mag-alala anak meron naman ng nakalaan para doon pinag-ipunan talaga namin ito ng tatay mo para mabili namin ito sa iyo,” masayang sabi niya saakin, “kaya wag ka ng malungkot at wag mo nang isipin ang mga gagastusin natin dahil masyado ka pang bata para doon ah.” Agad naman akong tumingin sa kaniya sabay napangiti dahil sa mga sinabi niya sakin.
That day was the happiest day of my life dahil nakita ko na kahit hindi ganoon kalaki ang bahay naming at wala kaming dekorasyon upang salubungin ang pasko nakita ko naman sa mga mata ng magulan ko ang kasiyahan nila at dahil sa nakikita ko masaya na din ako.
But I thought that happiness will last longer. Hindi pala dahil ang akala ko nung araw na iyon tapos na ang mga away nila Nanay at Tatay pero nung magpalit din ang taon nagsimula ulit silang mag-away na para bang wala ng bukas. Ngayong malaki na ako alam ko sa sarili ko na parehas silang may maling dalawa. Dahil yung pangako ni Tatay na babaguhin niya ang buhay namin ay nabaon nalamang sa limot at dahil doon mas lalong nagalit si Nanay.
Pero kahit ganon hindi pa din tama na patayin niya ang nag-iisang ama ko dahil pwede naman nilang pag-usapan ang mga bagay-bagay bakit kailangan pang mauwi sa ganoong sitwasyon?
Galit na galit ako sa kaniya. Simula ng kupkupin ako ni Asher hindi ko na nakita pa ang Inay at alam ko na kapagnakita ko siya mas lalong lalalim ang tinik na nasa puso ko dahil sa ginawa niya kay Tatay. Till this time, I don’t know where is she and I don’t have any contacts about her. And this time it’s hard to give trust from other people because of their greed.
Agad akong napabalik sa katotohanan ng bigla akong makaramdam ako ng kamay na kumakalabit saakin. Agad akong napatayo sa aking pagkakayuko at sabay napatingin sa taong kumakalabit saakin. Agad naman siyang nakipagtitigan saakin at sabay binigyan ako ng malaking ngiti.
“Tawag ka ni Sir,” saad niya saakin sabay ngiti. Agad naman akong napatingin sa kaniya ng masama bago tumingin saaming guro.
“Mr. Lopez pwede bang pumunta ka sa storage area natin para kunin ang bagong mga books na kakahatid lang ngayon,” saad niya saakin. Agad akong naglakad palabas ng room namin na walang binabalik sa kaniyang sagot.
“Sir may I help?!” sigaw ng isang babae. Napailing-iling nalang ako at sabay naglakad patungo sa storage area. Habang naglalakad patungo sa storage nagulat ako ng biglang may bumulaga sa aking tabi. Agad naman akong napatingin sa kaniya ng masama dahil sa kaniyang ginawa, sabay napapikit at napahawak saaking leeg.
“Are you alright?” tanong nya sakin. Ngunit hindi ko siya sinagot at nagpatuloy lang sa aking paglalakad. Hindi ko lang siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.
“Hades ngiti ka naman jan,” masaya niyang sabi saakin. Agad naman akong napahinto sa aking paglalakad at napatingin sa kaniya ng masama.
“Do I even care? Scram!” sigaw ko sa kaniya sabay nagpatuloy sa paglalakad. Nagulat naman ako ng bigla siyang sumulpot sa harapan ko sabay hawak sa dibdib ko upang pigilan ako. Nanlaki naman ang akiing mga mata dahil sa kaniyang ginawa saakin. Agad niyang kinuha ang ID ko sabay tinignan ang aking pangalan.
“Sungit mo naman,” saad niya saakin. Nagulat naman ako ng bigla siyang humarang sa harapan ko at biglang hinawakan ang mukha ko.
“What are you doing?’ inis na tanong ko sa kaniya.
“Wala lang ang gwapo mo kasi,” tugon niya saakin, “sayang yung kagwapuhan mo kung puro busangot lang ang nilalagay mo sa mukha mo.” Napahinga naman ako ng malalim dahil sa sinabi niya.
“Pwede ba kung wala ka ng gustong sabihin bumalik ka na lang sa room,” inis na sabi ko sa kaniya, “nakakapagod kang kasama alam mo ba yun?” Napapikit naman siya dahil sa sinabi ko sabay tumingin saakin at ngumiti.
“Alam mo Hades I just wanted to help you so please let’s continue,” she said, “I don’t even know where is this storage area to begin with.” Seryoso niyang sabi. Agad naman akong napailing-iling at nagpatuloy sa aking paglalakad.
Habang naglalakad nanatiling tahimik ang buong kapaligiran na kahit ang hangin ay maririnig mo na.
“You know Hades, you are full of hatred and sadness,” bigla niyang sabi. Agad naman akong napahinto at napatingin sa kaniya dahil sa kaniyang sinabi. Agad siyang tumingin sakin sabay ngumiti.
“Pwede bang makita ang ngiti mo?” tanong niya sakin. Ngunit nagpatuloy lang ako sa aking paglalakad na walang sinasabi sa kaniya.
“Wait Hades!” sigaw niya. Agad naman akong huminto at tinitigan siya ng masama.
“What’s your deal?” diretsyong kong sabi.
“What do you mean?” she asked.
“This, kanina ka pa nakakarindi na alam mo ba iyon,” galit na sabi ko, “I want to be alone but you always ruined it so what’s your deal?” Agad naman siyang napayuko dahil sa sinabi ko sa kaniya.
“Gusto ko lang naman na maging kaibigan mo,” seryoso niyang sabi.
“Well, me I don’t so now leave!” galit na sabi ko sa kaniya. Agad akong umiwas sa kaniya ng tingin at sabay muling nagpatuloy sa aking paglalakad. Ngunit agad akong napahinto dahil sa biglaan niyang paghawak sa aking damit.
“What is your problem Hades?” tanong niya saakin, “see that you are full of hatred and sadness in your eyes.” Agad naman akong napatingin sa kaniya dahil sa kaniyang sinabi saakin.
Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Nanlaki lamang ang aking mga mata dahil sa kaniyang ginawa saakin. Gusto ko siyang itulak, ngunit hindi ko ito magawa dahil nakaramdam ako ng kagaanan ng loob dahil sa kaniyang ginawa.
Agad akong nakaramdam ng maiinit na likido saaking pisnge na siyang aking pinagtaka. Agad kong hinawakan ang aking pisnge upang makita kung ano ang likidong iyon.
“Luha?” tanging saad ko lamang sa aking sarili.