Kabanata 3

1651 Words
  Hades POV   Agad siyang napakalas sa kaniyang pagkakayakap saakin at sabay napatingin saakin. Agad niyang hinawakan ang aking pisnge at sabay pinunasan ang mga luha na nandodoon.     “You need to cry Hades,” seryosong sabi niya. Agad naman akong napayuko at sabay hinawakan ang kaniyang kamay.     “Enough you are crossing the line Selena. It’s better if you go back to our room right now.” I coldly said to her. Agad kong binitawan ang kaniyang mga kamay at sabay nagpatuloy sa aking paglalakad patungo sa storage. Habang naglalakad agad akong napahawak saaking mga mata at nagtataka sa nangyari.     “What happened bakit ako umiyak?” I asked myself. For the past thirteen years, simula nang mangyari iyon sa pamilya namin Hindi na ako muling nakaiyak pa. I never understand what is my feelings right now. Pakiramdam ko lahat ng pakiramdam ko for the past thirteen years bumabalik na saakin.     “Ayos lang yan Hades you should cry. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa iyo pero alam ko na kailangan mong umiyak.” Sabi niya saakin. Napaiwas naman ako ng tingin sa kaniya at sabay muling naglakad papunta sa storage.     “Selena you should back. Hindi ko kailangan ng tulong mo.” Sabi niya saakin. Nagulat naman ako ng bigla niyang tinapik ang likuran ko sabay tumingin saakin at biglang ngumiti.     “Ano ka ba naman Hades. Hindi naman nakakamatay ang pagtulong ko and besides masarap kaya sa pakiramdam na merong tao na aagapay sa iyo.” Sabi niya saakin.     “Nah not on me. I can handle all the things by myself so I suggest that you must go back to our room.” Sabi ko sa kaniya. Napakamot naman siya ng ulo at sabay nagpatuloy lang sa paglalakad kasama ako.     “Narinig mo na ba ang kasabihan na No man is an Island?” Maligayang sabi niya saakin. Napahinto ako sa aking kinatatayuan at sabay napatingin sa kaniya dahil sa kaniyang sinabi.       “Sir Asher, seryoso po ba kayo na hindi ninyo kukunin ang bata dito?” tanong ng isang lalaki sa kaniya.     “No, he must stay here para malaman niya kung ano ang pagkakamaling ginawa niya.” Sabi niya sa lalaki. Napayuko nalang ako at napapisil sa aking kamay dahil sa galit ko sa kaniya. Hindi ko lubos maisip kung ano ang pagkakamali na ginawa ko para lang paruasahan ako ng ganito.     “Alam mo naman siguro kung ano ang maling ginawa mo diba,” Seryoso niyang sabi saakin.     “Tama nga ako maniniwala lang din kayo sa kanila. Para saan pa na inampon ninyo ako kung hindi din ninyo ako pagkakatiwalaan. Oo nga pala nature ng mga tao yan no paniniwalaan nila kung ano ang sinabi ng iba kahit na hindi pa naririnig ang sinasabi ng isa maniniwala agad sila,” wika ko sa kaniya. Napahinga naman siya ng malalim at sabay umupo sa upuan.     Napailing-iling naman ito sa sinabi ko sabay napaupo sa tabi ko.   “Hindi ako kumakampi sa kanila Hades,” wika niya, “gusto ko lang ipaalam sa iyo na hindi sa lahat ng oras ikaw ang tama. Hindi sapat ang mga pinagdaanan mo para ikaw ang kaawaan. Kaya nga nandito ako diba para suportahan ka pero hindi mo naman nakikita lahat ng tulong ko sa iyo.” Napatingin ako sa kaniya dahil sa pagtataka sa kaniyang sinabi.     “Tulong? Hindi ko kailangan ng tulong ng lahat, kaya ko naman ang sarili ko,” seryoso kong sabi sa kaniya.     “Hades, kailangan mo ng tao na tutulungan ka. Sa ganitong sitwasyon kung wala ako dito ano na ang nangyari sa’yo, pwede kang masaktan ng Nanay ng kaklase mo dahil sa ginawa mo sa kaniya,” seryoso niyang sambit saakin. “Ano naman kung ganon,” tugon ko, “wala akong paki kung saktan nila ako palibhasa hindi naman nila alam ang buong kwento kung bakit ko sinapak yung hin*yupak na lalaki na iyon,” galit na sambit ko sa kaniya.   “Tumingin ka saakin Hades!” seryoso niyang sabi saakin. Bigla niyang hinawakan ang mukha ko at pinatingin sa kaniya. Pilit akong kumakalas sa kaniyang mahigpit na hawak ngunit mas lalo niyang hinihigpitan ang pagkakahawak saakin.   Nakipagtitigan siya mata sa mata na para bang may inuusisa siya dito.     “If you can see your own eyes, you will see all the hatred and suffering,” wika niya, “subukan mong umiyak ng mailabas lahat ng sakit na nasa puso mo,” seryoso niyang sabi saakin. Agad kong tinabig ang kaniyang kamay at sabay umiwas sa kaniyang mga tingin.   “I don’t even need that. Crying is for those people who are weak,” seryoso kong wika.     “Hindi mahina ang mga taong umiiyak Hades,” tugon niya, “Ito ang nagpapalakas sa kanila para subukan muling lumaban sa buhay nila. Lahat ng mga nangyari sa buhay mo ay may dahilan kung bakit nangyari iyon at isa din sa dahilan kung bakit tayo nagkita ngayon,” sambit niya.     “Isang taon pa lang tayo magkakilala at masyado ka pang bata para masaksihan ang ganong bagay, pero Hades maiintindihan mo kung bakit nangyari sa buhay mo ang mga bagay na iyon. Minsan pwedeng maging mahina pero gamitin mo ang kahinaan mo para maging lakas mo sa susunod mong laban,” mahinahon niyang saad saakin.     “isa pa hindi naman lahat ng mga hero ay laging mag-isa kapag lumalaban lagi silang may kasama na ally at isa ako sa mga ally mo,” wika niya, “alam kong hindi mo pa tatanggapin ako bilang tatayong Ama mo pero tandaan mo kakampi mo ako at hindi kaaway, pwede mo akong sabihan ng mga nagpapabigat sa iyong damdamin.” Tumayo siya sa kaniyang kinauupuan at naglakad palabas ng pituan. Ngunit bago pa siya makalabas ay may sinabi muna siya saakin.   “Hindi lahat ng tao kaaway mo Hades, sana sa future kung merong tao na lalapit sa’yo kaibiganin mo dahil siya ang taong pagkakatiwalaan mo at maniniwala sa’yo ng buong-buo,” wika niya bago siya lumabas sa pintuan.         “Ayos ka lang ba Hades?” tanong saakin ni Selena. Napatingin naman ako sa kaniya sabay napailing-iling.     “Andito ka pa din diba ang sabi ko sa’yo bumalik ka na sa room natin? Manggugulo ka lang dito eh,” reklamong sambit ko sa kaniya.  Wala siyang sinambit saakin at nagpatuloy lang sa pagsunod saakin. Napailing-iling nalang ako at hinayaan siya na sumama saakin papunta sa stock room.     Pagdating naming doon agad kong binuksan ang pintuan at pinasindi ang ilaw upang makita ang mga gamit sa loob.     “Ganito ba talaga ang stock room dito walang stuff na nagbabantay?” tanong niya saakin.   “Wala lang stuff na nag-aasikaso dito kasi onti lang ang mga stuff dito mas madami ang mga teachers kaya wala nang nagbabantay dito,” seryosong sambit ko sa kaniya. Napatango naman siya dahil sa aking sinabi.   Habang naglalakad sa loob ng stock room bigla akong napatingala dahil sa pagpatay sindi ng ilaw. Napahinga na lang ako ng malalim at nagpatuloy sa paghahanap.   “Dapat na sigurong palitan ang ilaw dito, mukhang sira na eh,” saad niya. Napatingin nalang ako sa kaniya ng seryoso dahil sa sinabi niya.     “Alam mo bilisan mo na lang maghanap para makabalik na tayo sa room,” seryoso kong sambit. Nginitian naman niya ako at nagpatuloy sa paghahanap. Napaling-iling nalang ako habang pinapanood siya.   Nagpatuloy ako sa paghahanap ng stock hanggang sa biglang namatay ang ilaw. BIgla akong napatayo sabay napapikit dahil sa takot.   “Hades,” tawag saakin ni Selena. Ngunit nanatili akong nakapikit dahil sa takot dahil sa tuwing madilim ang paligid lagi kong naiisip ang gabing nawala si Itay dahil kay Inay.   “Hades are you listening?” tanong niya saakin. Ngunit hindi ko siya nasagot. Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin mula sa aking likuran.   “Hey it’s fine,” saad niya saakin, “kung natatakot ka andito lang naman ako.” Napadilat ako dahil sa sinabi niya. Agad siyang bumitaw sa pagkakayakap saakin at sabya nagpasindi ng ilaw sa kaniyang cellphone. Naglakad siya papunta sa harapan ko at sabay hinarapan ako ng flashlight sa mukha ko. Napapikit naman ako dahil sa pagkasilaw ko sa liwanag sa kaniyang cellphone.   “See may ilaw na,” masaya niyang sabi saakin. Agad ko namang hinawakan ang kaniyang cellphone at tinakpan ang ilaw dahil nasisilaw ako sa lakas nito.   “Wag mong itama saakin ang ilaw dahil hindi ako makakita,” seryoso kong sabi sa kaniya. Agad naman niyang binawi ang kaniyang cellphone na aking hawak-hawak.   “Sorry,” saad niya saakin sabay ngumiti. Napahinga nalang ako ng malalim at muling nagpatuloy sa paghahanap.   “Nakita mo na ba yung pinapahanap saatin?” tanong niya saakin. “Alam mo kung tutulong ka lang saakin mahahanap natin yun,” seryosong sabi ko sa kaniya.   “Bakit naman kasi dito pa nila inilalagay ang mga stock eh madilim na nga dito at luma na,” reklamo niyang sabi. Napatingin naman ako sa kaniya dahil sa sinabi niya.   “Kasi nga ginagawa palang yung bagong stock room,” seryosong sabi ko sa kaniya, “hanapin mo na para makaalis na tayo dito.” Nagpatuloy kami sa paghahanap hanggang sa makita ko ang pangalan ng section namin. Agad ko itong kinuha at inusisa maigi upang makita kung ito ang aming kailangan.   “Nahanap ko na tar ana lumabas na- tabi!” agad ko siyang tinulak sa kaniyang inuupuan dahil sa bigla kong nasilayan ang karton sa itaas ng shelf na babagsak sa kaniya.   “Ugh,” sigaw ko ng mahulog sa likuran ko ang mabigat na karton.   “Shocks Hades ayos ka lang ba?” tanong niya saakin. Napatingin ako sa kaniya at nakita ko ang nag-aalala niyang mukha ngunit patagal nang patagal ay lumalabo ang aking paningin hanggang sa mawalan ako ng malay.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD