Hades’ POV “Naintindihan ba?” tanong ng Professor namin. Dali-dali namang sumagot ng ‘Opo’ ang mga kaklase ko dahil gusto na nilang lumabas si Ma’am sa room. Tinignan ko ang aking relo para malaman kung anong oras na. Nagtaka ako dahil meron pang 15 minutes bago matapos ang klase namin sa kaniya. It’s really suspicious since she always uses all of her allotted time just to finish her class. Minsan nga ay overtime pa. Kung meron lang award para sa mga ulirang guro, tiyak ay panalo na siya. “Dahil wala kayong tanong at mukhang naiintindihan na ninyo ang ating paksa ngayon, mag-iiwan ako ng isang proyekto na ipapasa niyo sa susunod na linggo.” sabi ko na nga ba, may mali talaga. Dahil sa kaniyang sinabi, agad na nagreklamo ang iba kong mga kaklase kesyo malapit na raw ang midterm at bakit p

