Hades’ POV “Mamamatay na po ba siya, Nurse Aguas?” mangiyak-ngiyak na tanong ni Selena.”Please, gawin niyo po lahat para maligtas siya. Hindi niya pa po ko natatanggap sa buhay niya. Kahit masama ugali niya, hindi niya deserve na mawala nang ganito. Please po, Miss---” Nagising ako sa boses na naririnig ko. Pero, hindi ko pa rin binubuksan ang mga mata ko. Alam ko na kaagad kung kanino galing ang boses na 'yun dahil sobrang t inis at nakakairita nito. Teka, ano na naman ang ginagawa niya rito? Bakit ba lagi na lang siyang nakasunod? Kung nasaan ako ay nandoon din siya. Tss, sobrang OA naman niya. Bakit naman ako mamamatay sa simpleng paso lang? Hays, nakakahiya tuloy sa nurse. "Calm down, Miss," rinig kong saad ng clinic nurse. "He just fell asleep while I was irrigating sterile water

