Chapter 11

1127 Words
"Ha? Hindi na." Pagtanggi niya dito. "I'm not asking you. I'm telling you. So go freshen up or something. May kukunin lang ako sa opisina ko." Pagkasabi niyon ay lumayo na ito sa kanya na tila walang nangyari. Ilang sandali siyang napatulala. Parang ayaw gumana nang maayos ng isip niya. Narinig niya ang tunog ng pagkilos nito sa opisina nito at naalala niya ang sinabi nito na maghanda siya sa pag-alis. Ayaw kong sumama sa kanya. Pero parang hindi totoo iyon. Bago pa siya maabutan nito na nakatulala sa labas ng opisina nito ay dali-dali na siyang kumilos. Dinampot niya ang kanyang bag na nakapatong sa mesa niya at nagmamadaling nagpunta siya sa ladies room para ayusin ang sarili. Nagulat at nag-alangan si Jenna na pumasok sa restaurant na pinuntahan nila ni Polo. Masyado kasing intimate iyon. Tila ang mas bagay na isinama nito roon ay ang babae--o mas tama sigurong sabihing mga babae--na karelasyon nito. Bakit doon siya nito dinala? May bahagi niya na gustong kiligin pero agad din niyang sinupil iyon. Sa dami ng mapagpipiliang babae ni Polo, malabong isama pa siya nito sa listahan. Bakit ba parang gusto pa niyang mapasama sa listahan nito? Ayoko! mariing wika niya sa isip. Hindi niya gustong mapasama siya sa isang listahan. Ang nais niya ay nag-iisa lamang siya. Asa ka pa! Mukhang kilala sa naturang restaurant si Polo dahil sinalubong agad ito ng maitré d at pagkatapos itong tanungin ay iginiya sila niyon sa isang mesang nasa kubling bahagi ng restaurant. "I-order mo na lang ako," sabi niya kay Polo nang iabot nito sa kanya ang menu. "K-kuwan, pupunta lang ako sa ladies' room." Nagmamadaling iniwan niya ito. Nagtagal siya sa ladies room kaya pagbalik niya ay dumating na ang mga pagkain nila. Pagkaupo ay nagsimula siyang kumain. Masarap ang mga pagkaing nakahain sa mesa kaya sa kabila ng tension ay marami siyang nakain. "How about dessert?" tanong nito. "Parang hindi ko na kaya," tanggi niya. "I bet you can make some space for it.'' Tinawag uli nito ang waiter, Ibinulong nito sa waiter ang order nito. Napamaang siya sa dessert na inilapag ng waiter sa harap niya. It was a slice of chocolate cake topped with chocolate syrup, whipped cream, strawberry swirls, and a few strawberries buried in the frosting. It was a combination of everything she liked; chocolate, strawberry, and cream. Pero ang mas tila nagpasarap sa dessert na nasa harap niya ay ang ideyang naalala pa ni Polo ang mga paborito niya. Puwede namang nagkataon lang, anang kontrabidang bahagi ng kanyang isip. Hindi niya pinansin iyon. Mas gusto niya ang ideya na naalala ni Polo ang mga paborito niyang pagkain. "O, ano, busog ka na ba?" parang may pagbibiro sa himig na tanong nito. "Tama ka. May lugar pa. Itataktak ko na lang," sagot niya. Tumawa ito at sa ginawa nito ay parang nagbalik sila sa nakaraan. Napabuntong-hininga siya. "O, bakit?" tanong nito. "Wala. Kumain na tayo. Ayaw mo ba?" Itinulak niya patungo rito ang dessert plate niya. Ice cream ang in-order nito para sa sarili. "Sure." Humiwa ito ng kapirasong cake. Pero sa halip na isubo ay sa kanya nito iniumang ang tinidor. Napatitig siya roon. "Go ahead. Hindi ko ito isasalaksak sa lalamunan mo kung iyon ang iniisip mo," anito. Nangingimi man ay isinubo na niya ang maliit na piraso ng cake. Napapikit siya at napaungol pa nang malasahan iyon. It tasted so good. Agad na iniiwas ni Polo ang paningin niya kay Jenna. Sa hitsura nito na nakapikit at napapaungol pa ay kung anu-ano ang naglaro sa imahinasyon niya. He suddenly wanted it to be him that was making her groan with pleasure and not the cake he fed her with. Iginala niya ang kanyang paningin sa paligid. Taking her there was a spur-of-the-moment thing. Nabanggit nito kanina na nagugutom na ito at bigla ay naisip niyang isama ito sa hapunan. And he had every right to demand that she come along. Kasama iyon sa usapan nila. Iyon nga lang, nang nandoon na sila at nagsasalo na sa hapunan ay biglang nanariwa sa isip niya ang mga panahon na sila pa nito. There was even a point when he wanted to reach out and hold her hand. Mabuti na lamang at sa huling sandali ay napigilan niya ang kanyang sarili. Kanina nga, noong nasa opisina niya sila ay muntik na niyang halikan ito. He wanted to torment her but it looked as if she was the one doing the tormenting. Nalanghap niya ang mabangong hininga nito at parang may nakalas na katinuan sa isip niya. If he kissed her, he knew it would be because he wanted to and not because that was his way of torturing her. Kaya napaatras siya. Ilang babae na ba ang nadala niya sa restaurant na iyon? Hindi na niya mabilang. Aminado siyang pagkatapos nilang maghiwalay ni Jenna ay hindi na siya nagseryoso sa mga relasyon niya. But he deliberately sought out women who were not into serious relationships themselves. Kasama sa walang-kawawaang pakikipag-ugnayan ang pagsasalo ng hapunan sa mga restaurants na may romantic ambiance. Paborito niya ang sulok na bahaging 'yon ng partikular na restaurant na iyon. Iyon ang lagi niyang ipinarereserba kapag kakain siya at ang date niya roon. Pero sa mga babaeng nakasama niya roon ay si Jenna lang ang bumagay na umupo roon. He could imagine taking her to his house, making love to her and whispering words of love to her. Agad din niyang sinita ang sarili sa naisip. Itinimo niya sa kanyang isip na gusto lamang niyang kumain at mas masarap kumain nang may kasalo. Kung naaapektuhan man siya ng presensiya ni Jenna, iyon ay dahil siguro babae pa rin naman ito. And she looked great. Ang simpleng kilos at ganda nito ang nagustuhan niya rito noon at napagtanto niyang hanggang sa mga sandaling iyon ay gusto pa rin niya iyon. Pero hanggang doon na lamang iyon. Sisiguruhin niyang doon magtatapos iyon. Inubos na niya ang ice cream niya, kapagkuwan ay nagyaya na siyang umalis. "Ibaba mo na lang ako sa pinakamalapit na sakayan, " sabi nito. "Okay," pagpayag niya. Hindi siya nagprisintang ihatid ito. Inihinto niya ang kanyang kotse sa unang passenger loading area na nadaanan nila. "Salamat sa hapunan." sabi nito. Tumango lang siya. Bumaba na ito ng kotse. He watched her walk towards the waiting area. Ilang sandali pa niya itong tinanaw sa rearview mirror. Ganoon na lamang ang pagpipigil niya na balikan ito at sabihang ihahatid na niya ito. That would make the dinner they shared seem like a date. Ganoon na lamang din ang pagtutol ng kalooban niya sa ideyang iyon. Tinapakan niya ang accelerator para pabilisin ang andar ng sasakyan. Dapat na siyang makalayo bago pa niya maisipang bumuwelta at balikan si Jenna.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD