bc

The Lawyer's Ex

book_age18+
884
FOLLOW
2.3K
READ
HE
opposites attract
drama
bxg
witty
office/work place
lawyer
like
intro-logo
Blurb

Minsan ay minahal ni Jenna si Polo nang buong puso. Ngunit dahil sa matinding pangangailangan ay kinailangan niyang iwan ito at talikuran ang kanilang pagmamahalan.

Mahigit apat na taon ang lumipas, isa uling matinding pangangailangan ang nag-udyok sa kanya para lapitan ito. Naakusahan ang kanyang ama ng kasalanan na hindi naman nito ginawa. Kailangan nito ng isang abogado na magtatanggol dito.

Si Polo ang isa sa mga pinakamagaling na abogado sa bansa at kilala ito sa pagtanggap ng mga pro bono cases. Lakas-loob na nilapitan niya ito para hingin ang tulong nito.

Pumayag ito pero may kapalit: Siya.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Kanina pa nakatayo si Jenna sa tapat ng hilera ng mga elevators. Ilang beses nang bumukas at sumara ang mga iyon pero hindi niya magawa-gawang sumakay sa isa sa mga iyon. Somewhere inside the building, on the seventh floor to be exact---was the one person she had hoped she would never see again. Ang taong yon ay si Atty. Apollo Sandoval Jr. na kilala sa tawag na "Polo." Ex- boyfriend niya ito. Maisip lamang niya na posibleng makaharap niya ito ay para na siyang mahihimatay sa kaba. Maglilimang taon na mula nang maghiwalay sila. Mula noon ay sinikap niyang huwag makibalita tungkol dito. Natitiyak niyang marami nang naging pagbabago sa buhay nito. Wala na talaga siyang balak na makipagkita rito. Pero bunsod ng matinding pangangailangan ay napilitan siyang kapalan ang kanyang mukha at patibayin ang kanyang sikmura. Sa mga nangyayari sa buhay niya ay si Polo ang nasa posisyon na makatulong sa kanya. Dumadagundong ang kanyang dibdib sa matinding kaba. Would Polo even agree to see her? Pagkatapos ng ginawa niya rito ay napakalaki ng posibilidad na hindi siya harapin nito, o kung haharapin man siya nito ay baka para lang sumbatan siya o 'di kaya ay makarinig lang siya ng masasakit na salita galing dito. Kalimutan mo na muna ang tungkol sa damdamin mo, aniya sa sarili. "Beggars can't be choosers," ayon sa isang kasabihan. Nang mga sandaling iyon ay maaari talaga siyang ituring na isang beggar. Kaya kahit nangangalog ang mga tuhod niya sa kaba ay pinilit niyang sumakay sa bumukas na elevator. Nasa ikapitong palapag lamang ng gusali ang law firm na kinabibilangan ni Polo pero sa pakiwari niya ay inabot nang limang oras ang pagtungo niya roon. Subalit nang bumukas naman ang elevator sa seventh floor at natanaw niya ang salaming pintuan na nasa dulo ng pasilyo ay daig pa niya ang sinentensiyahan bg lethal injection. She forced herself to walk towards the glass doors leading to the law firm's reception area. "Good morning, Miss," bati sa kanya ng babaeng nakatao sa reception area. "G-good morning," ganting-bati niya. "How can I help you?" tanong nito nang hindi na siya nagsalita. "I... ahm..." Huminga siya nang malalim. "I'm looking for... for Attorney Polo Sandoval," sa wakas ay nasabi niya. "Do you have an appointment?" tanong nito. "Wala, eh. Ahm, k-kasi may nag-refer lang sa akin dito. Ang sabi niya ay tumatanggap ng pro bono cases si Attorney Sandoval. Mag-i-inquire lang muna sana ako." "Oh, it's about the pro bono cases. Ganito kasi iyon Ma'am. May schedule lang ng consultations para sa mga pro bono cases. It's every Saturday and---" "No!'' bulalas siya. Martes pa lamang nang araw na iyon. Tatlong araw pa ang hihintayin niya bago niya makausap si Polo. Hindi niya kayang matensiyon nang ganoon katagal. "Please, kailangang-kailangan ko na siyang makausap," sabi niya sa babae. Kung tatanggihan ni Polo ang pakiusap niya ay mas mabuti nang malaman niya ngayon pa lang. Kaysa iyong mahima-himatay siya sa kakahintay ng Sabado para sa paghaharap nila pagkatapos ay wala rin naman pala siyang mapapala. "Pero, Miss..." "Sige na, please. Hindi ko kasi alam ang tungkol sa sinasabi mong schedule. Baka puwedeng kahit pakitanong na lang sa kanya kung haharapin ba niya ako. Kakilala ko kasi siya dati." Ilang sandaling nakatingin lang ito sa kanya. Parang nag-iisip ito kung maniniwala ito. "Itatanong ko na lang sa assistant niya, ha? Pero hindi ko masisigurado." sabi nito kapagkuwan. Iniangat nito ang telepono. "Ano nga pala ang pangalang sasabihin ko Miss?" "J-Jenna Marcelino." Saglit itong nakipag-usap sa telepono. Nang matapos iyon ay bumaling ito sa kanya. "He's with someone right now but you can wait at his office. Pumasok ka lang sa pintong iyon." Itinuro nito ang isa pang salaming pinto na nasa di-kalayuan. "Thank you, Miss," sabi niya. Nagtungo siya sa pintong itinuro nito. Isang babae ang nadatnan niyang abala sa pagta-type sa computer nito. Nag-angat ito ng mukha paglapit niya. "You must be Jenna," anito. Tumango siya. "Have a seat. Attorney Sandoval would be with you in a short while," nakangiting sabi nito. Lumapit siya sa sofa na naroon. Kumuha siya ng magazine sa magazine rack. Binuklat-buklat niya iyon pero parang wala siyang nakita isa man sa nilalaman niyon. Sa halip, ang problemang naghatid sa kanya sa lugar na iyon ang naglaro sa isip niya. "Miss, you may come in now. Miss." Masyado siyang abala sa pag-iisip kaya halos hindi tumagos sa pandinig niya na tinatawag na siya ng babae. "H-Ha?' baling niya rito. "Attorney Sandoval will see you now, " imporma nito sa kanya. Nakatayo ito kaya nakita niyang malaki pala ang tiyan nito. Sa tantiya niya ay kabuwanan na nito. Eksaktong pagtayo niya mula sa sofa ay bumukas naman ang pinto ng opisina ni Polo. Isang babae at isang batang sa hula niya ay tatlong taong gulang ang tumambad sa kanyang paningin. Nagkumawala sa pagkakahawak ng babae ang bata at nagtatakbo ito palabas. "Pollito, don't run!" sigaw rito ng babae pero hindi ito pinakinggan ng bata. Pollito. Tumagos sa isip niya ang pangalang sinambit ng babae. Anak kaya ni Polo ang bata at ang babae ay asawa nito? Tila may lung anong kumurot sa dibdib niya. Gumawi ang paningin niya sa babae. Maganda naman ito, mukhang may breeding, at ismarte. She was exactly the kind of woman who would fit Polo to be his wife. Bigla ay parang gusto niyang umiyak. Kung siguro ay hindi sila naghiwalay ni Polo noon ay malamang na may anak na sila na halos kasinggulang ng batang nakita niya. Sa pagtakbo ng bata ay muntik na itong madapa. Mabuti na lamang at nasa harap na niya ito nang mangyari iyon. Nasalo niya agad ito. "I told you not to run," napapailing na wika ng babae nang abutan nito ang bata. "Thanks, ha?"' sabi nito nang bumaling ito sa kanya. "W-Walang anuman," wika niya. Pinilit niya itong ngitian. "Your son?'' aniya. "Unfortunately." Tatawa-tawang itinirik ng babae ang mga mata nito. "He's my eldest at parang ayoko na siyang sundan. Ang likot." Pinilit niyang makitawa rito kahit parang ginigilitan ang kanyang puso. How wonderful it must be to be Polo's wife and to bear his son. Natitiyak niyang mahal na mahal nito ang panganay nito. "Ma'am Blaise, ipinapasabi ni Sir Polo na sa Glorietta n lang kayo tumuloy pagkagaling sa pedia. He said he'll meet you there," anang assistant ng lalaki na hawak ang telepono. "Ah, okay. Thanks, Mildred," wika ng babae. "I have to go. Baka kung saan pa mapasuot ang batang iyon. Thanks again, Miss." Bumaling ito sa kanya. "Thank you again, kung hindi dahil sa'yo at siguradong may galos na naman siya." sabi nito. Kapagkuwan ay nagmamadaling sinundan nito ang anak nito. Sinundan niya ng tingin ang mag-ina. Maybe it's Polo's family. Naggumiit sa isip niya ang masakit na ideyang iyon. Kung hindi lang naiba ang ihip ng hangin, dapat ay anak niya ang makulit na si Pollito. Dapat ay siya ang nakukunsumi sa pag-aalaga rito at hindi si Blaise. Sinikap niyang pigilan ang pagpatak ng mga luhang umambang dadaloy sa mga mata niya pero hindi siya nagtagumpay. Kasabay ng panlalabo ng kanyang paningin ay naglaro sa diwa niya ang mga tagpong naganap ilang taon na ang nakalipas...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.6K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.7K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook