Chapter 2

996 Words
"You can open your eyes now, Jenna," bulong sa kanya ni Polo. Kanina ay pinapikit siya nito. May sorpresa raw ito sa kanya. "Happy anniversary," sabi nito nang dumilat siya. Tumambad sa paningin niya ang isang malaki at napaka-gandang bouquet ng pulang-pulang American roses. Iyon ang paborito niyang bulaklak. Second year anniversary nila at ayon dito, mas maganda ang selebrasyong inihanda nito sa taong iyon kaysa sa nagdaang taon. "Thank you," wika niya. "Ang gaganda ng mga---" Naudlot ang sasabihin niya nang may mamataan siyang kumislap sa gitna ng pumpon ng mga bulaklak. Isa iyong singsing. Nakasuksok iyon sa maliit na tangkay ng isa sa mga rosas. It was a solitaire diamond ring. "A-ano to?" tanong niya. "It's a ring," nakakalokong tugon nito habang malawak ang pagkakangiti. "Alam ko, 'no. Ang ibig kong sabihin, bakit mo ako binigyan ng ganito?" May ideya siya kung bakit pero ayaw niyang magkamali ng interpretasyon. "What do you think?" tanong nito. "Hindi ko alam," wika niya. Kinuha nito ang singing mula sa kinahihimlayan niyon, kapagkuwan ay tumingin ito sa kanya. "It means I'm asking you to marry me," sagot nito. "M-marry you?" Parang hindi iyon matanggap ng isip niya. "Yes. Ayaw mo ba?" Napalunok siya. Sa totoo lang, nagtatalo ang kalooban niya. Pero hindi ang timbang ng pagmamahal niya rito ang dahilan niyon kundi ang matinding agam-agam. "P-pero ang mama mo... And you that our rel---" "What about her?" "Polo, alam mo kung ano ang tinutukoy ko." Tandang-tanda pa niya ang naging reaksiyon ni Mrs. Sandoval nang ipakilala siya rito ni Polo. Mababakas sa hitsura at sa mga salitang binitiwan nito ang hindi pagpabor sa kanya bilang nobya ng anak nito. Na ayaw nito sa kanya at halatang hindi na mababago pa iyon. "I was expecting someone different." sabi nito kay Polo. Malumanay ang tinig nito pero may bahid iyon ng disappointment. May diin din iyon para ipahiwatig ang nais nitong iparating. Sa durasyon ng hapunang pinagsaluhan nila ay ilang beses nitong binanggit ang mga kuwalipikasyong taglay raw dapat ng babaeng mapapangasawa ni Polo. Dumating pa nga ang punto na nag-react na si Polo. "I'm the one who was going to live with my wife so it is my prerogative to choose who I want," sabi nito. Natahimik ang mama nito pero nakuha na niya ang mensahe nito. Hindi siya pasado rito. Paano ngayon na niyayaya na siya ni Polo na magpakasal? "Kagaya ng sinabi ko sa kanya noon, ako ang makikisama sa kung sinumang babaeng pakakasalan ko kaya ako ang may karapatang mamili kung sino ang babaeng iyon. And I choose you," wika ni Polo. "Hindi ba masyadong mabilis? Two years pa lang tayo," aniya. "That's long enough for me to know that I love you and that I want to spend the rest of my life with you." "S-sigurado ka ba?" Siya pa ang nag-aatubili. Para kasing ang hirap paniwalaan na gusto na nga siya nitong pakasalan sa kabila ng malaking agwat ng mga estado nila sa buhay. He was a senator's son. Huling termino na sana ng ama nito nang mamatay iyon sa atake sa puso. But Sen. Apollo Sandoval, Sr. left a legacy that would be remembered by the people for quite a while. Ilang batas ang isinulong nito na malaki ang naitulong sa pag-unlad ng bansa at sa pagsugpo ng graft and corruption. Sa kabila ng matagal na pamamalagi nito sa mundo ng pulitika ay wala ni isang eskandalo at anomalya itong kinasangkutan. Iyon ang dahilan kaya 'Mr. Clean' ang bansag dito. Kakatapos lamang noon ng Law ni Polo. Sa simula pa lang ay naging makinang na rin ang pangalan nito. He was a bar topnotcher and the first cases he handled he easily won. Mag-iipon lamang diumano ito ng magandang reputasyon at pagkatapos ay sasabak din ito sa pulitika. Iyon ang nakamulatan na nitong landas na tatahakin. Nasa kuna pa lamang diumano ito ay inihahanda na ang trono nito. Kaya nga nakakalulang isipin na ang isang kagaya nito ay nasa harap niya---siya na isang napakaordinaryong nilalang---at hinihingi nitong tanggapin niya ang alok nito na maging asawa nito. They met by accident. Muntik na siyang mabundol ng kotse nito at sa pag-iwas niya rito ay nadapa siya. Inalalayan siya nito sa pagtayo at nang makita nitong may sugat siya ay pinilit siya nito na ipagamot muna nila iyon. Dinala siya nito sa klinikang pinakamalapit sa pinangyarihan ng aksidente. Hindi niya alam kung ano'ng mayroon sa hangin at nabighani yata ito sa kanya. Mula kasi noon ay naging pursigido na ito sa panliligaw sa kanya. Hanggang sa maging sila na. At ngayon ay niyayaya na siya nitong magpakasal. "Ikaw yata ang hindi sigurado." Nahimigan niya ang pagtatampo sa tinig nito. "Hindi sa ganoon. Nakakakaba lang," pag-amin niya. "Ikaw ba, sigurado ka sa sinusuong mo? I mean, ang laki ng agwat ng mga estado natin sa buhay." Naglaro sa diwa niya ang itay niya. Matinong tao naman ito kaya lang kung minsan ay napaka-impulsive. Dahil doon kaya nasasangkot ito sa iba't ibang gusot. "I know what I'm doing, Jenna," wika ni Polo. Hindi pa rin siya mapakali. "Eh, ang mama mo, alam na ba niya ang tungkol sa plano mong ito?" tanong niya. "Of course, she does," sagot nito. "Pero hindi ko iyon sinabi sa kanya dahil hinihingi ko ang permiso niya. I don't need anybody's permission to marry anyone. Out of courtesy kaya ko ipinaalam sa kanya ang balak ko." "A-ano' ng reaksiyon niya?" "Let's not talk about her. Ang importante sa akin at ang gusto kong marinig ay ang sagot mo at hindi ang kung anu-ano. Do you love me?" "Yes. You know that." "Will you marry me?" Naturete na naman siya. Nakakapangamba ang ideyang isang kagaya nito ang mapapangasawa niya. Pero gusto rin niya itong makasama habang-buhay. "Y-yes." "Really?" Halatang tuwang-tuwa ito. "Yes, nga!" paniniyak niya. "Oh, Jenna, you just made me the happiest man alive." Kinabig siya nito at niyakap nang mahigpit. "Aasikasuhin na natin ang kasal natin sa lalong madaling panahon.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD