Chapter 3

873 Words
Parang inililipad si Jenna sa alapaap nang mga sumunod na araw. Palagi siyang napapatulala at napapangiti. Madalas tuloy siyang masita ng boss niya sa pinapasukan niyang accounting firm dahil para daw siyang wala sa sarili. Wala pa siyang pinagsasabihan ng tungkol sa marriage proposal ni Polo. Para kasing hindi pa rin lubusang natatanggap ng isip niya na inalok na nga siya nito ng kasal. Kahit ang mga magulang niya ay hindi pa alam ang tungkol doon. Pero mamayang gabi ay balak na niyang sabihin sa mga ito ang tungkol doon. Wala naman talaga siyang balak itago iyon sa mga magulang niya. Sa susunod na linggo kasi ay balak nang mamanhikan ni Polo. Isasama nito ang mama nito sa bahay nila para pormal na mapag-usapan ang kanilang kasal. Sa ngayon ay nasa Cebu ito. May pinaghahandaan itong malaking kaso laban sa leader ng isang sindikato at nasa Cebu ang pinakamahalagang testigo. Kailangan nitong kausapin ang taong iyon. Nasa kanto pa lamang siya ng kalyeng kinaroroonan ng bahay nila ay nagtaka na siya. Parang may nangyayaring kaguluhan. Mas marami kaysa sa karaniwan ang mga taong nag-uumpukan sa harap ng bahay nila. Kinabahan siya. Binilisan niya ang paglakad. "Uy... Jenna, mabuti at dumating ka na," anang isang kapitbahay niya na nakasalubong niya. "B-bakit? Ano ho ang nangyayari?" tanong niya. "Ang itay mo, nagwawala." "Nagwawala? Bakit ho?" "Hindi ko alam. Bigla na lang kaming nakarinig ng sigawan kanina. Hindi namin alam kung lasing siya o ano. Basta ayaw niyang palabasin ang inay mo. H-in-ostage niya ang inay mo. May tumawag na ng pulis. Parating na raw sila." Halos madapa si Jenna sa pagmamadaling makarating sa bahay nila. Pero bago pa siya makalapit ay may sasakyang lumagpas sa kanya. Huminto iyon sa tapat ng bahay nila at nagbabaan ang ilang alagad ng batas. Hindi na masyadong malinaw sa kanya ang sumunod na pangyayari. Nagkaroon ng negosasyon pero ang tanging narinig niya ay ang pagsigaw ng itay niya. Pero hindi niya naintindihan ang mga sinabi nito. Naalala niyang ilang araw na niyang napa-pansin na tila balisa ito. Kapag tinatanong naman niya ito ay lagi nitong sinasabi na ayos lang ito, may kaunting problema lang diumano ito sa trabaho. Palibhasa ay lango pa siya sa kaligayahang dulot ng pagyayaya sa kanya ni Polo na magpakasal, mas pinili niyang huwag na lamang mag-alala. Matinong tao ang itay niya. Dati ay naging bisyo nito ang pagsusugal pero noon pa iyon at maliit lang naman ang taya. Kung minsan ay umiinom ito pero social drinking lang. Kaya hindi niya alam ngayon kung bakit nagkakagulo nang ganoon. Mayamaya ay may pulis na tumawag sa kanya. Team leader yata 'yon ng mga rumespondeng pulis. "Kausapin mo ang ama mo," utos nito sa kanya. "Baka sakaling mapagpaliwanagan mo siya at kumalma siya. Kung hindi ay papasukin na namin siya." Nataranta siya. Baka kung mapaano ang itay niya kapag lumusob ang mga pulis. "Itay!" tawag niya rito gamit ang megaphone. "Itay, si Jenna ito. Ano ba ang problema?" "Anak." Parang umiiyak ito nang sumilip ito sa bintana ng bahay nila. "Itay, lumabas ka na. Baka mapaano ka pa niyan, eh. Pag-usapan natin 'yan, Itay." "Patawarin mo ako, anak,"wika nito. Nawala ito sa bintana. Matagal-tagal bago ito muling nagpakita. Nagkaroon pa ng mahaba-habang palitan ng diskusyon kapagkuwan. Nagmatigas pa kasi ito. Pero sa bandang huli ay sumuko rin ito. Pinaligiran ito ng mga pulis. "Pasensya ka na, anak." Hindi na mabilang ni Jenna kung ilang beses nang humingi ng paumanhin sa kanya ang itay niya. Nakauwi na sila sa bahay pagkatapos ng ilang oras ding pananatili sa presintong pinagdalhan dito. Kasama nila ang inay niya at ito ang nagpatotoo na taliwas sa kumalat na balita, hindi ito h-in-ostage ng itay niya. Kinakalma lang daw nito ang kanyang ama. Ayaw diumano nitong magpapasok ng kahit sinong tao sa mga nagtangkang dumalo sa kanila dahil baka lalo pang magkagulo. Nakainom ang itay niya pero hindi ito sobrang lasing para magwala ito. Sa pag-uusisa niya ay nalaman niya ang dahilan ng pagkabalisa nito. Lingid sa kaalaman nilang mag-ina ay nagsimula na naman itong magsugal. Nayaya raw ito minsan ng supervisor nito sa casino. Sinamahanng mga ito ang isa sa mga kliyente ng mga ito. Hayun, parang nanumbalik ang dating hilig nito. Hanggang sa masaid na ang lahat ng ipon nito. Pati ang bahay nila ay nakasangla. Even that was not enough. Nagkamali itong umutang sa loan sharks at nang hindi nito mabayaran ang mga iyon ay binantaan ito na papatayin. Kanina nga raw ay parang may sumusunod dito. Kaya ganoon na lamang ang pagkataranta nito. Marami pang sinabi ito pero isa lang ang puno't dulo niyon: Kung hindi nito mababayaran ang utang nito ay posibleng may mangyaring masama rito o sa isa sa kanila ng inay niya. Ganoon a lamang ang panlulumo at pagkabahala niya. Nakakalula ang perang nautang ng itay niya. Kahit yata isangla niya pati kaluluwa niya ay hindi siya makakalikom ng ganoon kalaking halaga. Nagtagal pa sa Cebu si Polo. Madalas naman itong tumatawag sa kanya pero halata sa tinig nito na namomroblema rin ito. Hindi tuloy niya magawang sabihin dito ang mga problema niya. Isang gabi ay nadatnan niya sa kusina ang itay niya. Nakasubsob ang ulo nito sa mga kamay nito.  "Itay..." marahang tawag niya dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD