Kabanata 2
Bike
Pangalawang araw na nang pasukan, ngayong araw ay umpisa na ng klase kahapon natapos ang mga pagpapakilala sa mga bagong transferee at mga bagong teachers.
Nakangiti akong nakatitig sa salamin habang repleksyon nito ang maganda kong mukha. I am wearing our uniform, isang cream yellow ang kulay ng tela namin sa taas at gray naman sa baba para sa baba. Well our uniform inspired by the college's uniform here kaya ang itsura namin ay parang mga kolehiyo na talaga.
Fitted sa akin ang uniform ko, nakalagay narin ng maayos ang necktie at suot ko na din ang black shoes. Kumikintab pa iyon dahil bagong bili pa lang. Kumuha ako dark lipstick sa lalagyan ko at nilagyan ang labi.
Bagay talaga sa akin ang ganitong lipstick, para na talaga akong matured at kolehiyo. Hindi na rin ako naglagay ng mga blush-on sa mukha dahil hindi na kailangan. Tamang lipstick lang ay pwede na.
Isang sulyap pa ang ginawad ko sa salamin bago lumabas na ng kwarto. Habang pababa ako ng hagdanan, nasulyapan ko si mama sa couch namin habang umiinom ng kanyang kape. She was still wearing her night dress at matyagang binabasa ang isang dyaryo na hawak.
nagpatuloy ako sa pagbaba, nang makatungtong sa spanish marbles ay inangat naman ni mama ang tingin niya sa akin. Seryoso lang iyon at walang emosyon. Bumukas naman ang kwarto nila at lumabas si papa na nakapang tulog pa.
Lumapit ako kay mama at hinalikan siya sa pisnge samantalang umupo naman si papa sa tabi niya. I kissed my father too then tumayo ako sa harap nila. Nakita kong kinuha ni papa ang iniinom na kape ni mama at ininom din iyon.
Bumaling ang tingin sa kanya ni mama na may galit sa mata. Well I'm used to it, my mother is always like that, she is a prim and proper woman and should be respecting. Iba talaga si mama sa mga tipikal na mga nanay, she always been sophisticated and elegant, kahit bagong gising palang hindi mo makikitaan ng kapintasan sa katawan niya.
"Benzorio you should have your own coffee...what you did is a sign of disrespect manner." Mom said in cold.
Tumingin naman si papa sa kanya na may ngiti sa labi, mas lalong kumunot ang noo ni mama at kita na ang inis sa mukha nito. Napangiti din ako dahil sa ginagawa ni papa, he is really stubborn husband. Masyado daw kasing perpekto si mama kaya siya ang kinulang.
Well I salute my father for being a good husband and father. Hindi niya kami pinapabayaan ni mama, all my mother whims and caprices he give. Kahit pa umaabot ng thousands ang make-up ni mama, kahit pa million ang bayad sa mga signature dress ni mama basta lang daw ay gagamit iyon at hindi sasayangin walang problema sa papa ko.
Mas lalo akong napangisi ng makitang biglaang hinalikan ni papa si mama sa labi. My mom was shocked because of the kiss, pangisi-ngisi lang si papa at mas lalong ginanahang inisin si mama.
"What the f**k Benzorio Eusobio Fumar." Galit na sigaw ni mama.
Ngumisi lang si papa habang inakbayan si mama. I love seeing them like this, para parin talagang mga teenager sila. The sweetness is still present.
"Hon what's wrong? Bawal ko na bang halikan ang asawa ko? Atsaka mas lalong masarap ang kape pag magsalo tayo.." My father said.
Umiling iling lang ako at tumalikod na sa kanila. Naririnig ko parin si mama na pinagsasabihan si papa ng kung ano-ano. Lumabas na ako ng bahay at sumakay nalang sa kotseng nasa harap ko. Sinirado agad ng driver namin ang pinto at pinaandar na.
Habang binabay-bay namin ang daan papuntang paaralan, nahagip ng paningin ko ang isang pamilyar na lalaki habang nakasakay sa mountain bike niya. Nasa likod niya ang bag habang mabilis na pumapadyak sa bike, at dahil mabilis ang kotse namin, naabutan at nalagpasan namin siya.
Pinabagalan ko sa driver ang kotse habang tinignan siya sa likod. Kumikintab na ang noo niya dahil sa pawis, nakita ko ding basa na ang suot niyang t-shirt. Bakit ba kasi siya nagba-bike lang? Are they poor? Matalino pero mahirap naman pala.
Wait? Did I compliment him? No, erase it Exaltacion Lorella. He is not clever, sadyang paborito lang siya ng mga ibang teacher namin kaya siya ang nakakuha ng honor last year. Nagngitngit ang ngipin ko habang pinakatitigan siya ng mariin.
Bagay lang sa kanya ang mag bike, dyan siya nababagay at hindi sa mga mamahaling kotse. Bumalik ang alaala ko sa nangyari kahapon, how dare him touching me. Halos sigawan ko siya dahil sa pagpipilit niyang umupo ako katabi niya, he even said to our adviser na sa tabi niya ako umupo.
Ano ba ang gusto niyang mangyari? Ang mas lalo kaming mag-away? Palagi niya talaga akong inu-umpisan e.
Inirapan ko siya kahit hindi niya nakikita at bumaling na sa driver namin.
"Manong pakibilisan at ilabas niyo po ang usok baka ma-over heat ang kotse ko." I command.
Sinunod naman ng driver namin at binilisan nga gaya ng gusto ko, napangisi ako ng makita ang makapal at maitim na usok mula sa tambutsyo ng kotse ko na bumuga sa likod, mas lalo akong napangisi ng makitang napahinto ang kabute na iyon dahil sa usok.
Bagay iyan sayo....
Nang makarating kami sa paradahan ng kotse dito sa school namin, lumabas na ako at nagpatuloy sa paglalakad papasok sa gate namin. Seryoso lang ang mukha ko habang naglalakad sa hallway, may mga istudyante na naka istambay sa mga bench at iyong iba nasa canteen.
Nakatingin ang iba sa akin pero binaliwala ko lang iyon, ganyan naman palagi sila eh. I am attention seeker and I'm proud of it. I know that my beauty never fails to make man drooling at me.
Paakyat na sana ako sa hagdanan papuntang second floor ng biglang may mahigpit na kamay ang humawak sa palapulsuhan ko. Halos ako mapasigaw ng dahil sa gulat at hindi pa nga ako nakakabawi nang hilain ako ng hindi ko kilalang tao papuntang banyo.
Sisigaw na sana ako ng bigla niya niya akong ipasok sa banyo ng mga babae. Hingal na hingal ako at takot na din dahil sa stranger na taong humila sa akin. What the f**k? Nagusot tuloy ang uniform ko.
Inangat ko ang tingin sa lalaking nagdala sa akin dito, napaawang ang labi ko ng makita ang walanghiyang nanghila sa akin, madilim ang tingin niya sa akin at nakapamaywang pa.
He locked the door then glare at me darkly. Nanginig ang binti ko sa klase ng tingin niya at napaatras na din ako. Bakit ganyan siya makatingin sa akin? Umaatras siya palapit sa akin, nang wala na akong maatrasan ay bigla niyang nilagay ang dalawang braso sa pagitan ko.
Ano bang ginagawa niya? Bakit niya ako kinukulong?
"W-what are you doing?" I asked trembling.
Gumuhit ang ngisi sa labi niya at mas lalong nilapit ang katawan sa akin. s**t bakit ako kinakabahan? Bakit ganito ang reaksyon ng katawan ko?
Napansin ko ang suot niyang t-shirt na nangitim. Napalaki ang mata ko habang tinitigan ang damit niya. Galing ba yun sa usok ng kotse ko? Kaya ba hinila niya ako dito para gumanti sa akin?
"Do you see my t-shirt? Madumi at nangingitim dahil sa walang respetong kotse kanina. Ano sa palagay mo ang pwede gawin sa suot ko?" He said.
Napalunok ako habang hindi makatingin sa kanya ng maayos. I never been afraid like this, K never been like this.
"What are you talking about?" I defend.
Ngumisi siya habang ginitgit ako sa pader. Dumilim na rin ang mata niya habang nakatitig sa akin.
"Don't you f*****g deny it Lorella, alam kong sasakyan mo iyon at sinadya mong ibuga sa akin ang usok. Ganyan ka ba talagang babae? Do you want me disrespect you huh?" He said roughly.
Napakagat labi ako habang nakayuko. f**k bakit ako natatakot sa kanya? Bakit umatras ang tapang ko? Bakit ako nakayuko sa kanya?
Napaangat ako ng tingin nang bigla niyang hampasin ang pader ng malakas. Madilim parin ang tingin niya sa akin at halatang galit na. Alam ko namang sinadya ko iyon pero hindi ko alam na kilala niya pala ang sasakyan ko.
"Don't you f*****g bite your lip. Baka hindi ako makapag timpi sayo Exaltacion Lorella."
Nanlaki ang mata ko at nakayuko ulit. Ganito pala siyang magalit, nakakapanghina ng katawan at nakakapanginig ng binti.
"S-sorry, akala ko kasi na hindi mo kilala ang sasakyan ko." Paumanhin ko.
Umiling iling lang siya sa akin at hindi pinakinggan ang sinabi ko. Hindi ako sanay na mag sorry tapos gaganyanin niya lang ako. Alam ko naman na pagkakamali ko iyon pero nagso-sorry naman na ako eh.
"I don't need your sorry. Do something.."
Napatulala ako dahil sa sinabi niya, what the? Anong gusto niyang gawin ko? Lumuhod sa harap niya? Umiyak? Ganun? Tumaas ang kilay niya habang mariing nakatitig sa akin.
"Ano ba kasi ang gusto mo? Umiyak ako? Lumuhod? O hindi ko galingan sa quiz?" Sabi ko.
Umiling siya at kinuha ang bag na nasa likod niya. Binuksan niya ang zipper bago humarap ulit sa akin.
"Ayoko nyan. Bihisan mo ako, ikaw naman ang may kasalanan kung bakit ako nadumihan." He said.
Nanlaki ang mata ko habang hindi makapaniwalang tumingin sa kanya. What? Bibihisan ko siya? Ako talaga? Hindi to magandang gawin, nasa loob kami ng banyo at naka lock pa. Baka kung saan kami humantong pero hinding hindi ko hahayaang mangyari iyon.
He doesn't deserve my touch...
Nakita niyang hindi ako sang-ayon sa gusto niya kaya kinulong ulit ako sa bisig niya.
"Bihisan mo ako at papatawarin kita sa ginawa mo.." He whisper.
Gagawin ko ba? f**k I never do that, and I never seen any body in front of me. Pero kung hindi ko naman gagawin, hahaba pa itong usapan namin at magiging trending pa sa buong school. Darn this man..
"Tsss fine.."
Lumunok muna ako bago itaas ang dalawang braso paitaas. Umiiwas ako ng tingin dahil sa mga titig niyang nakakapanghina. Sinimulan ko nang hawakan ang laylayan ng damit niya at itaas ito.
Hindi ako tumingin sa kanya habang itinataas ang damit niya, nang matanggal ko na, lumantad sa paningin ko ang katawan niya. Napahinto pa ako sa paglagay ng madumi niyang damit sa bag dahil sa hot flexible tight body niya. May malaking tatlong nunal siya sa may bandang dibdib.
Napalunok ako habang iniwas ang tingin sa katawan niya. Nakataas parin ang kamay niya kaya nakita ko pa ang kili-kili niyang may buhok na. Hindi naman siya mabaho in fact kahit pa madungis ay mabango parin. Kinuha ko ang puting sando niya at sinuot sa kanya, sinunod ko naman ang kaparehong uniform ko at sinuot din.
Dahil Kailangan kong i-butones ang uniform niya kaya sinunod ko naman iyon. Hindi ako tumingin sa kanya habang isa-isa kong binutones ang uniporme namin. Nang matapos kong maisuot ang uniform niya ay saka palang ako nag angat ng tingin sa kanya.
Nakatitig parin siya sa akin, may kung anong ibang mensahe sa klase ng tingin niya, masyado itong malalim at seryoso.
"I'm done. Ok na tayo right? Aalis na ako.." I said.
Hindi niya parin tinatanggal ang tingin sa akin, naiilang na ako sa mata niya at iba ang dala nito sa katawan ko. Tumango siya pero hindi parin umalis sa harap ko. Bakit ba ayaw niyang umalis sa harap ko? Sobra na akong naiilang sa kanya, tapos naman na ako sa gusto niyang ipagawa sa akin.
Inayos ko ang uniform at huminga ng malalim. Seriously? Mali-late na ako nito dahil sa kanya.
"Next time maging maingat ka sa gagawin mo sa akin....baka hindi mo magustuhan ang igaganti ko sayo." He said.
Hindi ako sumagot sa sinabi niya at nilagpasan nalang siya. Pero bago ko pa mahawakan ang doorknob ay inunahan na niya ako sa pagbukas. He opened the door, hindi ko siya nilingon at nagsimula nang lumabas. Mabuti nalang at wala pang nagba-banyong mga kababaihan.
Nasa likod ko lang siya at nakasunod sa akin. Kasalanan ko naman kasi iyon pero humingi na naman ako ng sorry sa kanya at ginawa ang gusto niya.
I'm guilty fuck.....
--
Alexxtott