Kabanata 8 Selos Tahimik kong tinatanaw ang mga istudyante. Ang iba ay nagmamadali dahil sa exam, ang iba naman ay relax lang kahit magsisimula na ang kanilang mga examination. Tahimik lang akong nagmamasid sa kanila habang matyagang naghihintay kay Ranniel. Kaninang umaga nagtext siya sa akin na hindi na muna daw niya ako masusundo dahil may importante siyang kailangan gawin. I just send him a happy emoji. Kaya ako ngayon ang naghihintay sa kanya dahil ang sabi niya ay sabay kaming magre-review para sa midterm. Unang araw ngayon para sa midterm namin, ang unang examination na iti-take namin ay ang Understanding culture, society and politics tapos ay Philosophy. Hindi naman mahirap ang mga topics namin sa UCSP, kaya lang ay kailangan talaga naming aralin baka explanation ang ibigay ni

