bc

My Badass Girl

book_age18+
30
FOLLOW
1K
READ
spy/agent
dark
possessive
age gap
student
gangster
sweet
campus
city
stubborn
like
intro-logo
Blurb

Si Nicola Ashley Zian Velasquez isang babae na mahilig makipag basag ulo lahat nalang pinapatulan di na nga magtataka ang mga kapatid niya kung next time malalaman nilang tigok na ang kapatid nila

Pero isang umaga may malaking problema ang bumungad sa isang basagulerang si Naz (Nicola Ashley Zian) dahil sa pagpapasikat niya ay may kailangan siyang gawin. Kayanin kaya niya ang napasukan niyang gulo? pano niya malulutas yon kung mag isa siya?

chap-preview
Free preview
Simula
"Bakit ko naman gagawin yan? Sino ba siya para gawin ko yan? hindi ako nagtatrabaho sa inyo kaya di ko yan obligasyon!" "Kasi ikaw naman talaga ang naka-sakit diba?" "Hoy excuse me kung hindi siya gago hindi ko siya mababato at kung di siya bobo di siya tatamaan non" napahawak si Lion sa kanyang ulo ani mo'y may malaking problema, totoo naman kasi kung hindi niya ko binangga at kung nagsorry sana siya, edi hindi ko sana siya babatuhin at di siya babagsak sa kalsada at hindi siya matatabig ng sasakyan na isa pa ding bobo "Look, may tama siya that time and hello, dahil lang sa nasagi ka niya habang naglalakad ay kailangan mo ng gumanti sa paraan ng pamamato? Tiger said, I rolled my eyes at them "I have classes di ko kayang pagsabayin ang pag aasikaso jan at pag aaral" "Stop the bull Zian" si Sharp na halatang inis na, aba mas inis ako! "I can't believe you! Kaya naman niyang alagaan sarili niya, malaki na siya!" Inis kong anas sa kanila "Sige, sasabihin ko nalang kina tita Nina na may tao kang pinahamak, na naman." pinagdiinan niya pa ang huli niyang sinabi. naiisip ko pa lang ang magiging reaksyon nila mommy napapairap na lang ako sa mga OA comments nila. god! "Fine! You stupid moron pag nalaman ito ni mom, I'll gonna kill you" anas ko kay Venom ngumisi lang naman siya sa akin "Pupunta ako sakanya sa umaga and then bago ako umuwi magp-pay ako ng visit sa kanya, and damn you all kapag ako bumagsa I'll make you guys pay, mark my words." "Di namin kasalanan kung bobo ka kaya ka babagsak" binato ko ang maliit na swiss knife na tinatago ko sa gilid ng sapatos ko. Halata ang pagkabigla sa mukha ni Serenity "Sa susunod na babatuhin kita niyan sa mukha mo na yan ko itatarak" halatang pinigilan lang siya ni Peace na makipagtalo sa akin, dapat lang. plastik ko nalang silang nginitian at nagpaalam sa mga weirdong grupo na iyon Papunta na ako sa condo ni Shadow at hihintayin daw ako roon ni Tiger, iyon ang sabi niya bago siya umalis kanina. Ang daming alam kung nakakapunta naman pala sila dito, bakit hindi nalang sila ang umalalay sa member nila? Tatlong katok ang ginawa ko bago ako pinagbuksan ni Tiger kung tomboy lang sana ako magiging crush ko tong babaeng ito. Hindi rin pala. Ayoko sa tigreng ugali, di rin kami magtatagal kung ganoon. "His meds" tukoy niya sa isang tray na mayroon ng isang baso ng tubig "the pain reliever at 9pm but before that kailangan niya munang kumain kahit malamanan lang ang sikmura niya ay ok na, and then sa umaga naman ay ganon ulit" wala akong magawa habang nag e-explain si Tiger kundi ang tumango na lang. Letseng buhay talaga to "Thanks for this Zian" sinsero niyang sambit, i just nod. She tapped my hair and say goodbye to me. Ano ako bata? Inis akong umupo sa sofa at tinignan kung ano oras na, mag 8pm na wala pa akong pagkain na maipapakain kay Shadow. Kinuha ko ang susi ng sasakyan at condo niya nilisan ko ang kwartong iyon. Maghahanap muna ako ng pwedeng makain ng may mga sakit. Wait.. ano ba ang kinakain ng may mga sakit? Fried chicken? How about cake or ice cream? Pero di ko alam kung anong flavor ang gusto niya. Bumaba ako sa 7/11 para magkanap ng ready to eat food, wag siyang maarte bukod sa kulang na sa oras ay ubos ko na rin ang allowance ko for this month, As of now ito lang ang afford ko. Kanina pa ako paikot-ikot sa store at kanina ko pa rin napapansin ang isang lalaki sa labas na pasulyap-sulyap sa akin. Wag sana ngayon wala ako sa mood makipaglaro may aalagaan pa akong baldado. Imbes na labasin ang kanina pang nag h-hintay sa labas nagpatuloy nalang ako sa pagde-desisyon kung ano ang ipapakain ko sa pasyente ko. Ice cream, chicken teriyaki, Siopao, doughnuts, coffee and chips ang binili ko. Lahat ng ito ay paborito ko at dahil mabait ako ipapatikim ko rin ito sa kanya Nang palapit na ako sa counter ay alam kong naghahanda na ang lalaking kanina pang naghahantay, napapailing akong bumaling sa tindera. Ibinigay ko ang bayad at lumabas na doon gaya ng gusto nitong ungos na'to "What do you want?" Bungad ko pagkalabas ko ng convenience store "Ang yabang mo talaga, akala mo kung sinong magaling" sambit niya habang papalapit sa'kin. Hindi naman ako gumalaw sa kinakatayuan ko kaya medyo binagalan niya ang paglakad palapit sa'kin "Tinanong lang kita kung anong kailangan mo mayabang na agad, nasaan ang utak mo?" "At talagang.." "Bakit, hindi ba?" Putol ko sa kanya ngumuwi siya at inambahan ako ng suntok agad ko namang iniwas ang katawan ko roon. Bago pa siya makabawi sa suntok na binigay niya ay agad ko namang sinipa ang tyan niya sabay sapak sa mukha niyang sobrang tigas, yung totoo nagsasabon ba 'to? "Tarantado ka talaga" sambit niya habang sapo pa rin niya ang kanyang mukha "Buti alam mo, wala akong balak makipaglaro sa inyo kaya kung sino man ang nagpadala sayo sabihin mo harapin ako hindi yung nagpapapunta ng weak" hindi niya ata nagustuhan ang sinabi ko kaya nang akma ulit siyang mananapak ay agad kong sinipa ang alaga niya at lumayo ng kaunti para ma-safe ko ang mga pinamili ko. Mahirap na, baka kasi anong mangyari at hindi pa makakain ang pasyente kong lampa. "May oras ka din" sambit nito bago umalis na sapo-sapo ang alaga at mukha, mukha ba talaga yun? Ewan. Hindi ako marunong mag alaga nang may sakit, kasi kahit ako hindi naman nakaranas nang pag aalaga kaya wala akong alam sa ganito, kaya natatakot ako baka magkamali ako may konsensya pa din naman ako. Oo, meron nga ako non! Ginising ko siya pagbalik ko sa unit niya kaso ayaw magising umuungot lang jusko, serep yarn? Tss. "Gising na tanga kakain na, dalian mo iinom ka pa ng gamot" nanghihina niya akong tinignan nangunot ang noo niya bago pumikit at bamaling ulit sa'kin na para bang hindi siya makapaniwala. Ganoon na ba talaga ako kaganda? Small thing.. baka Velasquez 'to. "Anong ginagawa mo dito? He asked with husky voice bakit ang gwapo niya pag bagong gising? Aysh Naz dugyot! "Hindi ba obvious? Nagdala ako ng pagkain kaya bilis tumayo ka na at kumain na, mahirap na. Konsensya ko pa kapag namatay ka" binigay ko nalang sa kanya ang lamesa niyang maliit at nilagay sa kama. Nandoon ang siopao chips Ice cream, chicken teriyaki, doughnuts, and coffee, bahala na siya mamili kung anong gusto niya "What the hell are these?" Napataas ang boses niya para bang hindi makapaniwala "Dekorasyon siguro ng unit mo, hindi kasi siyang mukhang pagkain, ano?" I said with sarcasm tone pinagkunutan niya pa ako lalo ng noo "Woman, you know how healthy these foods are and you think it's good to eat these when you're sick?" Inis niyang sabi "They're not healthy but still pagkain pa rin sila so what the f**k is your problem?" "Christ!" he groaned tumayo siya at muntikan na akong tumalon para lang maalalayan siya doon ko lang nakita kung gaano kaganda ang katawan niya, este, gaano kalaki ang mga tama niya may malalim siyang sugat sa right abdomen and chest niya, at mayroon din siya sa right back niya "Ano na namang trip mo at tumayo ka?" Matalim niya akong tinignan "I'll cook" medyo mahinahon na niyang sambit taliwas sa mata niyang matalim kung tumingin "Pagkain naman yung binili ko" turo ko pa sa lamesa "Hindi ganyan ang kinakain kapag may sakit" formal niyang sabi at iniwan ako sa kwarto niya kitang kita ko kung paano siya nahihirapan sa paglalakad pero kinakaya niya mayroon din pala siyang tama sa left leg niya, pero kitang kita talaga ang ganda ng shape ng katawan niya, biceps palang niya ay ulam na, malandi ka Naz! "What, paanong hindi? may requirements bang sinusunod kung anong kinakain ng tao kapag may sakit hindi naman kasi ako nainform edi sana nag search ako sa Google" dakdak ko habang nasa kusina siya habang ako naman ay nasa counter top "You don't need Google, you need brain" sambit niya habang may kinakalikot sa kusina "Pakyu ka din talaga madalas no?" He chuckled at tinuloy nalang ang ginagawa kahit ramdam ko ang hirap niya ay tinapos niya pa rin ang pagluluto ng lugaw, akala ko ba hindi essential to? hayst. "Ako na maglilinis dito uminom ka na ng gamot mo at para makapag-pahinga ka na rin" napatitig siya saglit bago bumuntong hininga na akala mo pasan-pasan niya ang mundo "Thanks, but make sure na may kusina pa ako pag gising ko" seryosong sabi niya binato ko sa kanya ang tissue na hawak ko "Gago hindi ka na sana magising" tinawanan niya lang ako ngunit medyo nakangiwi siya nasaktan ata siya pero bago pa ako makapag sorry ay pumasok na ulit siya sa kwarto niya. Siraulong tao yon kung hindi lang talaga ako natatakot kay Venom na isusumbong ako kay mom baka napatay ko na talaga itong lalaking ito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Unavailable Wife: Sir, You've Lost Me

read
10.2K
bc

The Lone Alpha

read
125.4K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
816.5K
bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
611.4K
bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
35.5K
bc

Bad Boy Biker

read
8.7K
bc

The CEO'S Plaything

read
19.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook