Lagitik lamang ng aming mga sapatos ang namayani sa hindi mataong corridor. Nanatili lamang akong nakasunod sa kanya, sa likuran, mainly because his pace is too fast...my short legs can't seem to keep up kaya minabuti ko na lamang magpahuli.
As much as I want to keep feeling the same level of awkwardness, I more likely wanted to feel less closer to him. Masyadong malakas ang aura niya, at kumpara sa akin ay parang nanliliit ako sa sarili.
Hindi naman niya pinuna ang pananatili ko sa kanyang likuran hanggang sa makalabas kami sa main gate ng eskwelahan namin. The weather is already gloomy, winawarningan kaming baka mayroong bumuhos na ulan mamaya.
Akala ko noong una ay sasakay kami sa sasakyan, pero mas pinili ko na ring huwag magulat nang makitang dumiretso kami sa masikip na palitada kung saan maraming tao rin ang naglalakad.
Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko. Should I walk beside him? Should I stay on his back? Hindi ko alam!
I was caught off guard. Nilingon niya ako at pinagtaasan ng kilay.
"Hindi mo ako masusundan kung sa likod lang kita." He sternly explained.
Nag-iwas ako ng tingin at ngumuso. Wala namang problema iyon sa akin, e. Thinking about the hassle just makes me back out. Kung hindi lang si kuya ang nagbigay ng cellphone na iyon sa akin ay malamang hinayaan ko na iyong masira.
He exhaled a sharp sigh, making me look back at him. Sinalubong ako ng kanyang nakataas na braso.
"Hold on my coat, then..." he remarked, sounding a little disappointed.
Tahimik ko siyang sinunod. It was a better idea after all. Naglakad kami sa pagitan ng mga tao sa gilid ng palitada habang nakakapit ako sa kanyang coat. I seriously looked like a child holding on to his older brother right now.
Napabitiw na lamang ako nang muntikan na akong matalisod dahil mas kumapal ang tao sa paligid. Nagkasali-salisi na ang aming mga paa.
Napalingon agad si Niccos sa akin, magkasalubong na ang dalawang kilay at nag-iigting ang mga panga.
"Pumagilid ka." Malamig niyang sinabi sa akin.
It was as if he was telling me, 'I told you so'. Na mas maganda iyong ideya niyang tabihan ko na lamang siya kanina.
Nang hindi pa ako kumilos ay siya na mismo ang nagtulak sa akin patabi sa kanya. Using his huge palm on my small back. I almost quivered upon feeling his skin at the top of my clothed back. Para akong nakuryente.
Hindi niya na binitawan ang likod ko habang naglalakad kami, ganoon na iyon hanggang sa nakausad kami paliko sa mall. Parang gusto ko na lang magpasalamat bigla dahil tapos na kami roon.
Agad kaming dumiretso sa isang shop at agad naman naming naipagawa ang aking cellphone. It was easier than I thought, it was not badly broken kaya siguro madali lang naayos.
I was just about to pay for it, nang inunahan ako ni Niccos sa pag-aabot ng card. Nalito pa iyong technician kung kaninong card ba ang kukunin, sa huli'y iyong kay Niccos ang napagpasyahang kunin.
Hindi na ako umapila pa roon. Hindi na rin ako nagsalita hanggang sa makalabas kami sa shop. Mainly because I feel awkward once again. I don't think, I could work on this one, but I really think his aura is too much.
Ang mga lalaking kagaya niya ay iyong mga tipo ng lalaking iniiwasan ko.
"Tatawagan ko na lang iyong driver namin." Umpisa ko nang makalabas na kami sa mall.
"I'll wait with you." Aniya naman.
I bit my tongue. Pwede namang mauna na lang siya?
"H-Hindi. Okay lang talaga. Huwag mo na akong samahan." Nag-iwas ako ng tingin at ngumuso.
Hindi niya ako sinagot, mukhang ayaw magpatalo dahil nakasunod pa rin siya sa akin habang nakapamulsa. Napasimangot tuloy ako. Tumayo kami roon sa harap ng mall, hinihintay iyong sundo ko.
"You look stiff," puna niya bigla sa akin. "Nahihiya ka ba sa akin?"
"Ha? Hindi ah." Tumingin ako sa gilid. Nakanguso.
His voice was deep and it's giving me chills. Para akong lumulutang habang kinokonsidera ang katotohanang hindi nga ito basta-bastang lalaki.
He wasn't a playboy, sa school, ni minsan ay walang rumor na nagsasabing nagkaroon na siya ng girlfriend. He was a notorious 'smart a*s'— at least, that was what the boys in our strand call him. He remained the pride of our school, laging contestant sa international academic competitions.
Hindi ko lang alam kung ano ang trip niya gayong lumalapit siya sa akin. Wala akong kaalam-alam, at wala rin akong mapagbabasehan dahil sa pagkakaalala ko ay wala pa kaming interaksyon ni minsan sa nakaraan.
"Uy, Pia!"
Pareho kaming napalingon ni Niccos sa pinanggalingan ng boses ng isang lalaki. Kinawayan agad ako ng pamilyar na lalaki habang ngising-ngisi.
"Long time no see!"
Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pagkalaglag ng aking panga. Humalukipkip si Niccos, he pursed his lips while curiosity is present in his deep set of dark and brooding eyes.
It's Leona.
My ex-boyfriend.
"Sa'n ka nag-aaral? Doon pa rin ba?" He asked, tuluyan ng nakalapit.
"O-oo."
Wala sa sarili akong tumango at sinulyapan si Niccos. Nerbyosa akong ngumiti sa kanya, samantalang siya naman ay hindi dinamayan ang aking hiya. Bagkus ay nagtaas lamang siya ng kilay, parang nanunuya pa.
Lalo na noong sa wakas ay napansin na rin ni Leona na may kasama pala ako. Sinalubong niya ito ng tingin.
"Yo, dude. What's up?" Presko niyang tanong kay Niccos.
Hinintay kong sumagot si Niccos ngunit wala kaming narinig. Nagkatinginan kami ni Leona. Halos mapanis na ang kanyang ngiti dahil sa pag-iignora ni Niccos sa kanyang pagbati.
"A-Ah! Leona, napagawi ka pala rito?" Pagbuhay ko ng usapan na pinatay ni Niccos.
"Napadaan lang..." nalilitong sagot ni Leona. "Sino 'to?" Tinuro niya pa talaga si Niccos.
Sasagutin ko na sana siya nang biglang nakaramdam ako ng patak ng ulan. Unang patak, pangalawa, tapos sunod-sunod na't palakas nang palakas. Tumingala ako. Only to find myself catching some raindrops. Napapikit ako nang mapatakan ang aking kanang mata.
"Uy, uulan na," puna ni Leona. "Catch up pa tayo? Tara sumilong—"
Bumaba ang tingin ko sa pulso ko nang maramdaman kong may humawak doon. Akala ko noong una, si Leona, ngunit nang makita kong naiwan sa ere ang kamay ni Leona ay napatunayan kong si Niccos nga iyon.
"It's going to rain." Mahinang sinabi ni Niccos at hinigit ako papunta sa bus stop.
Nilingon ko si Leona at nakitang nakaigting ang kanyang magkabilang panga habang sumusunod sa amin.
"Did you already call your driver?" Tanong ni Niccos habang nagpapagpag ng coat, medyo nabasa pa kasi iyon.
Ginaya ko siya at nagpagpag din ang akin, pati sa ulo. "Oo. Parating na siguro iyon."
"The rain is heavy. Tapos traffic pa," nalukot ang kanyang noo. "Sooner or later, madadagdagan pa ang nakasilong na tao rito at sisilong."
May point siya. Sana makarating na agad ang sundo ko.
"Ten minutes and your chauffeur is still late, ako na ang maghahatid sa'yo pauwi." His voice marked its finality.
Hindi na lamang ako umimik. I know, he is only thinking for our own good. Mayroon naman siyang punto kahit papaano. And it amazes me to think how smart he is. Ganito pala iyong hinahangaan nilang si Niccos. No wonder he is the pride of our school. Kahit sa ganitong sitwasyon ay nagagamit niya ang kanyang utak.
"Huy!"
Kinalabit ako bigla ni Leona galing sa likuran. Boses pa lang ay alam ko na agad na siya iyon. Parang ayaw ko pang lumingon noong una, pero ang rude naman siguro kung hindi ko siya papansinin. Lalo na't maraming tao, baka mapahiya pa siya.
"Nagpalit ka na ba ng number?" He smiled mischievously.
"Ah? O-oo, eh."
"Talaga? Pwede bang kunin? Text-text tayo! Na-miss kita..."
What he just said is very laughable. How would he miss me? I don't understand, basing from our break-up.
Sinulyapan ko si Niccos. Ngumiti ako sa kanya sa kabila ng pagkakahiya. Para akong napapahiya sa ginagawa ni Leona ngayon. Somehow... I feel like it. Niccos is, well I can say, high-class type of person, there is no doubt of it, kaya ganoon na lamang siguro ang nararamdaman ko.
Nailabas na ni Leona ang cellphone niya at pakiramdam ko ay na-corner na ako dahil nilagay niya na 'yon sa dialler saka niya inilahad iyon sa akin. I bit my tongue and was just about to accept it when someone pushed Niccos on the back. Dahilan upang mabunggo ako ni Niccos at matabig ko rin ang kamay ni Leona.
Nahulog ang kanyang cellphone, at dahil sa pagkakawala ng balance, hindi lang kami, pati ang iba pang tao sa paligid namin ay naapakan ng maraming paa ang kanyang cellphone. Napangiwi ako ngunit 'di ko na iyon napansin nang matantong pabagsak na ako sa sahig.
Agad kong ihinanda ang sarili sa paparating na sakit lalo na sa aking pang-upo. Napapikit din ako nang mariin ngunit wala akong naramdaman.
That's when I realized someone catched me. Niccos's arms snaked on my waist, stopping my fall.
My eyes widened.
Sinalubong ako ng kanyang mukha na sobrang lapit! The very first thing I noticed was his red lips na bahagya pang nakaawang dahil sa pagkakabigla. His both eyes are half-widened...which I uhh, find...very attractive. Kulang na lang ay magkadikit ang aming mga ilong!
"What are you looking at? Tumayo ka." Niccos bluntly said. Bigla tuloy akong nagising aa reyalidad, parang pinaparating niyang ako lang ang apektado sa pagkakalapit ng aming mga mukha.
Biglang nag-init ang aking mukha habang umaayos ng tayo. Inayos ko ang aking salamin bago nag-iwas ng tingin at umayos ng tayo.
"Swerte ni ate girl." Rinig kong bulong sa kung saan.
"Pogi ni kuya. Shit."
I don't wanna hear the end of it. By Niccos's domination, hindi na ako magugulat pa sa mga ganyan. I bit my lip to surpass a smile. Hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang pagkakahawak ni Niccos sa baywang ko. This is crazy, why would I smile over that thing? I could just say thank you to express my gratitude since he prevented my fall. Pia, what are you thinking?
"Why are you smiling?" Dinungaw ako ni Niccos na nakahalukipkip na sa aking tabi, matuwid na nakatayo. There was a ghost of a smile on his lips, I just feel like there is.
Tiningala ko siya dahil sa taglay niyang tangkad. "Hindi, ah."
"What's the use of denying it when I already saw it?" Umangat saglit ang gilid ng kanyang mapupulang labi. Para siyang naaliw bigla. "And you are blushing." He added.
"Hindi nga!"
Hindi ko namalayan. Na-trigger ako sa sinabi niya kaya bigla ko siyang nahampas sa braso. Napatigil ako bigla at nalaglag ang panga. Maging siya ay parang nabigla sa inakto ko.
"Why are you denying it? It's so clear to see." Nag-iwas siya ng tingin. I saw him bite his lower lip. I shook my ead slightly to wash away some daydreaming thoughts of him.
He was....damn...how do I put this?
"Alam mo naman pala. Why are you asking?" Ngumuso ako. Dodge it....
"Why are you denying it, then?" He countered, bumalik ang kanyang tingin sa akin.
"W-Wala." Nag-iwas ako ng tingin.
"Uy. Pwede bang sa susuno—"
Napatingin ako kay Leona na nandito pa rin pala. Nakalimutan ko na tuloy ang presensya niya.
"Can't you see we're talking?" Pinagtaasan ni Niccos ng kilay si Leona. His voice was calm, yet it is really obvious that he is mocking Leona by that.
Leona looked insulted. Anytime, pakiramdam ko ay handa na siyang manuntok ngunit biglang na lamang dumating ang sundo ni Niccos kaya naudlot ang kanyang irita. It was awkward saying goodbye to him in such a mood.
Meanwhile, pareho kaming tahimik ni Niccos habang nasa loob ng kanilang sasakyan. He insisted on sending me home, and I already informed my chauffeur na nauna na akong umuwi since hassle na masyado ang dulot ng ulan.
"Who was that man?" Basag niya sa katahimikan.
"My ex-boyfriend." Walang pag-aalinlangan kong sagot. I see no reason in hiding anything from him in the first place.
"When?" Humalukipkip siya.
"When I was in Grade 9. Naging kami through social media..."
"And why would you entertain a man like that?" He sounded offensive.
"Well..." I trailed off. Hindi ko alam kung babanggitin ko pa ba iyon. Tumikhim ako. "You know...I needed someone..."
"Did you badly need someone like you have no other choices rather than resorting to him?" Kalmante niyang tanong.
"Actually, yes."
"Are you that broke? Tss."
"Oo nga." Ngumuso ako. Para namang nagsasabi ako ng kasinungalingan. "I didn't have any friends, alright? I'm a nerd and who would you like be friends with me in the first place. Young minds have the majority of depriving you when you have a bad physical facade."
"E'di sana kinaibigan mo siya."
Nalukot ang noo ko kaya hinarap ko siya. "Mister. Have you ever felt lonely before? I guess, hindi mo pa nararamdaman iyon kaya hindi mo alam kung bakit ko iyon ginawa."
Parang nag-slow motion bigla noong pumikit siya. His long eye lashed brushed through the air as he close-opened his lids. Napatitig siya sa akin ng ilang sandali.
"There is nothing wrong with being lonely," he remarked. Humalukipkip siya pa siya at umayos ng upo. "You can survive alone. It always great to be alone, you don't need to depend your happiness from others."
Natahimik ako bigla. May punto siya, pero hindi ko iyon ramdam. Walang nagsalita sa mahabang segundong lumipas, hanggang sa muli siyang nagsalita.
"Then, enlighten me," aniya. "I could not understand it. Did he even court you like I did? How well did he do it? Bakit siya ay sinagot mo, pero ako, hindi?"
Pinantayan niya ang tingin ko nang lumingon siya sa akin. He seem nonchalant about their driver, bahagya pang dumapo ang kanyang mga mata sa amin habang nakatingin sa salamin. Maybe he was wondering who I am.
"I-It was different. And that was before."
"Why did you even reject me in the first place?"
Nag-iwas akong muli ng tingin. Natahimik kaming muli. I badly wanted to say it, but he was just too intimidating! Paano kung ika-offend niya iyon? Ayaw ko siyang ma-offend, or maybe because I was just not confident enough to say that to him.
Muli ko siyang sinulyapan. Hanggang ngayon ay nakatitig pa rin siya sa akin, nang magtama ang mga paningin namin ay pinagtaasan niya ako ng kilay.
"What?"
I bit my tongue but somehow I cannot surpass the urge to talk, I really wanted to say something.
"You're a high-profiled person. Ayaw ko ng ganoon."
"What do you mean?" His thick brows intercepted.
"Sabihin na lang nating...hindi matatahimik ang buhay ko kapag ikaw ang kasama ko. Like when I rejected you...ang daming nagalit sa akin...basta."
It felt so wrong hearing that from me.
"And?" He nonchalantly said.
"Marami kang fan girls, okay na? It's not really the worst thing. But when you came and suddenly asked me if I wanna be your girl, my life in school became different. Look. Ang gusto ko lang naman ay manatiling tahimik ang buhay, payapa, ganoon. Ayaw ko ng gulo."
"Then," tumuwid siya ng upo. Nag-igting ang kanyang panga. "Do you want me to stop?"
Iyon naman ang gusto ko, eh. Kung hindi lang talaga matigas ang ulo niya.
"Y-Yes."
"Besides that," seryoso niyang tanong, sa harap ang tingin, matalim ang mga mata. "Do you have any other reason?"
Agad akong tumango. Bumalik naman muli ang tingin niya sa akin.
"What is it?"
"I wanted you to stop mainly because...
I don't like you, Niccos."
I think, preventing this while it's fresh is better. Si Niccos ay kilala sa buong school, sikat, at maraming kakilala. Not that I am thinking too highly of him, but the factors of having a relationship with him or even having a connection with him requires a lot of...courage.
Simula pa lamang noon, ginusto ko nang manatili lamang sa sulok. I found my self in this kind of comfort zone, I don't think, I am ready to become outside it. Maybe a little bir of trauma from what happened in the past.
Nang makarating kami sa gate ng bahay namin ay talagang sinamahan pa ako ni Niccos na lumabas. He held the umbrella for me dahil hanggang ngayon ay mabigat pa rin ang agos ng ulan.
I was stunned noong makita ko bigla ang kotse ni Kuya na papasok sa aming gate pero biglang huminto. Nanlaki ang aking mga mata nang makitang lumabas si Kuya roon, may hawak na payong at naglakad papalapit sa amin.
Napatingin ako kay Niccos na may hawak ng payong na sinisilungan namin. Napalunok ako at nang bumalik ang tingin ko kay Kuya at nakatayo na ito sa aming harapan.
"Who is this?" Binalingan niya si Niccos.