I bit my tongue. Mainly, because I don't wanna stutter when I talk because that would look suspicious, and beyond that, ayaw kong mag-isip si Kuya ng maling ideya.
"Kuya! Umuwi ka?" Ngumiti ako. "You didn't tell me. You barely come home."
Hindi na-bother si Kuya sa tanong ko. Kasalukuyan lamang siyang nakatingin kay Niccos. Matalim ang kanyang mga mata. It makes me wanna brush my palm on my face out of frustration.
"Sino ba 'to?" Ulit ni Kuya sa tanong niya.
"Uhm...Kuya...si Niccos po...kaibigan ko."
"May kaibigan ka?" Nagtaas si Kuya ng kilay sa akin.
"Of course, I do, Kuya." Ngumuso ako, akala ko naman ay aasarin niya na naman ako roon.
"Hello. My name is Niccolos Hibari Castrel, Pia's friend. I only sent Pia home mainly because of the heavy rain."
Tumingin si Kuya kay Niccos na parang nakatingin ito sa kaluluwa niya.
"Totoo? Kaibigan mo 'to?" Turo niya sa akin bigla.
"Kuya!" Reklamo ko at sumimangot.
Ngumisi bigla si Kuya sa akin. "Anyways, thank you for sending her home."
"It's my pleasure, uhh...how should I call you?"
"Call me Alan."
Hanggang sa makapasok kami sa bahay ay iyon ang bukambibig ni Kuya sa akin. I nearly wanna s***k him because of his mouth. Ayaw tumigil. Pati iyon ay bini-big deal na naman.
"Who was that? Seriously? If you are going to make some friends, was it supposed to be a fine young man?" Humalakhak siya.
Dumiretso ako sa kusina upang uminom ng tubig. Nakasunod lamang siya sa akin.
"Is he really a friend?" Usisa niya pa.
"Yes, Kuya! What do you think of me?" Binuksan ko na iyong ref.
"I bet he is a campus crush or something. Pareho kami ng aura, eh. Are you sure, he is your-"
"He is gay, okay?"
"Gay-wha-"
"Yes. He is gay," sinabi ko na lang nang matigil na siya sa panunukso sa akin. "Lalaki ang gusto niya at ayaw niya sa babae."
"Are you serious?" Mukha nga siyang hindi makapaniwala. Nalaglag ang kanyang panga habang papaupo sa high chair.
"Yes, Kuya," naningkit ang aking mga mata. "I'm dead serious."
Nakangiwi akong naglakad palabas sa kusina nang matapos akong uminom ng tubig samantalang si Kuya ay nanatili roon sa kanyang kinatatayuan halatang gulat pa rin, hindi makapaniwala.
Nang makapasok ako sa kwarto ko't naisara ko ang pinto ay napasandal ako rito at napabuntong hininga.
"Who am I in the first place?" I asked to myself.
Why do I even feel guilty towards that thing? I only did what I think is right for me, iyong ikabubuti ko.
Niccos is a red flag. Iyon na lang siguro ang iisipin ko.
Sumunod na araw, hindi na ako nilapitan pa ni Niccos o kinausap man lang. I remember bumping at him at the hallway. A part of me is telling me, he is going to talk to me...pero laking gulat ko na lamang noong nilampasan niya ako na parang isang hangin.
Even his friends did not expect that. Nakita ko iyon. Ipinagkibit ko na lamang iyon ng balikat at nagpatuloy sa paglalakad.
It was our P.E. time that time. Magkasabay kami ni Izzie na nagpalit ng uniform sa ladies' comfort room.
"Babalik lang ako sa classroom. Naiwan ko iyong notebook at ballpen ko."
"Oh? Gusto mo samahan na kita?" Izzie asked. Her concern wasn't hidden on her face.
"Huwag na. Mauna ka na lang, just save me a seat beside you."
"Okay!"
Izzie and I became friends for a short period of time. Bukod kasi sa hindi siya mahirap pakisamahan ay mabait din ito at game lang sa lahat ng bagay. Humupa na rin ang issue tungkol doon sa pangre-reject ko kay Niccos. I was glad to see that, though.
Nang makarating ako sa classroom ay agad kong dinampot ang aking notebook at ballpen. Madali ko na lang na nagawa iyon dahil nakapaibabaw na rin naman 'yon sa desk ko. Isinara ko na lamang ang aking bag nang mapansing nakabukas iyon bago umalis.
Volleyball ang aming P.E., 'saka ko nalamang kasama pala namin ang mga ABM sa aming P.E. time. May mga ganito talagang pangyayari. Madalas na itong mangyari lalo na kapag P.E. period namin.
"Pia! Dito!" Kinawayan agad ako ni Izzie.
Mabilis naman akong naglakad papunta sa gawi niya. Dumaplis pa ang tingin ko sa ABM strand. Niccos was there too: he looked good in his P.E. uniform, he was too tall that even when he's sitting, pansin na pansin pa rin siya.
"Three boys, three girls ang lining natin. Sa Humanities; boys. Craven, Matt, Jeno, Sam. Girls. Izzie, Flone, Pia, and Olivia. Sa ABM; boys. Luca, Niccos, Maru..."
Kumalabog agad ang puso ko. Izzie was also nervous.
"Dito ka na lang sa gitna ng back line kung kinakabahan ka," iginiya ako ni Craven. "Ako na ang mauunang mag-serve."
"I'll be beside you." Si Izzie naman.
Nerbyosa akong ngumiti sa kanila at sumulyap sa kabilang team sa kabila ng net. Si Luca ang mauunang mag-serve ng bola, at talagang nakapwesto na siya agad sa pinakalikod.
Agad nag-umpisa ang game at walang kahirap-hirap na pinalipad ni Luca ang bola. Malakas ang serve niya kaya sa likuran talaga iyon babagsak. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang sa akin iyon tatama!
What do I do? I do not know how to stop it! Should I just dodge it and run away?
Luckily, nasa tabi ko lamang si Craven at siya na ang nagpabalik noong bola. Para akong nabunutan ng tinik doon. Ngunit muling nabuhay iyon nang mamataang paparating iyon sa aking muli matapos i-spike ng isang babaeng kaklase nila sa ABM.
"Look out!"
It was not long until I realized that Craven shielded me. Tumayo siya sa harap ko at inakap ang aking ulo, as well as his whole body, nakatakip at pinipigilan ang bolang tumama sa akin.
"Are you okay?" Lumapit din si Izzie sa amin at humawak sa aking balikat.
"Ayos lang," sinulyapan ko si Craven na nakangiti lamang, natamaan na nga ng bola. "Ayos ka lang ba?"
"I'm fine. Magpa-sub ka na lang kaya?" His concern wasn't hidden from his voice.
"Hindi. Sayang grades."
"Sure ka?"
Ngumiti ako at tumango.
"Basics pa lang tayo, guys! I purposely chose the female students who performs poorly on physical education kaya take it easy." Anunsyo ng aming teacher.
Ngumuso ako at tumingin sa kabilang court, doon sa nag-spike kanina na lalaki. He was only smirking and not bothered by that. Samantalang dumaplis naman ang tingin ko kay Niccos na siya ng susunod na magse-serve ngayon.
Bumuntong hininga ako at inabangan ang kanyang serve. He held the ball with his long fingers, he dribbled it for three times, at nang pumito ang aming referee ay pinakawalan niya sa ere ang bola. Nanlaki pa ang mga mata ko dahil iyong paraan niya ng pagseserve ay parang mags-spike na rin siya.
Tumalon siya at sinapak nang sobrang lakas 'yung bola. Buong akala ko ay pupunta sa amin 'yon, ngunit laking gulat na lamang ng karamihan nang tumama iyon sa isa nilang kasama.
Iyong nag-spike ng bola patama sa akin kanina.
"Ouch!" Natamaan siya sa balikat. Binalingan niya si Niccos habang nalulukot ang noo't nakahawak sa ulo niyang natamaan ng bola.
"Sorry. Nadulas." Nagkibit ng balikat si Niccos.
Nilapitan ng iba nilang kasamahan iyong kaklase nila upang tignan ang balikat na natamaan. Si Luca naman ay nilapitan si Niccos na mukhang hindi man lang guilty sa ginawa. Bagkus ay nagsalubong ang mga tingin namin.
Pinagtaasan niya ako ng kilay at tumalikod. Magpapa-sub na siguro dahil nilapitan niya ang aming guro.
The game went well after that. Basics lang ang allowed. Walang spikes, at walang drop balls. Pagkatapos ang ni-grade-an kami nang pantay-pantay.
Pabalik na kami ni Izzie sa classroom noong makita naming nagkakagulo roon. Nagkatinginan kami at agad binilisan ang paglalakad.
Nang pumasok kami sa classroom ay biglang nahinto ang ingay. Bagkus ay sinundan lamang nila kami ni Izzie ng tingin na parang may nagawa kaming mali. Inayos ko ang salamin ko at sinulyapan si Craven bago umupo.
"Ano'ng nangyari?" Mahina kong itinanong.
"Our President's wallet is missing." He answered.
"Huh? Nahanap na raw?" Singit ni Izzie.
Umiling si Craven. "Not yet."
Sinulyapan ko si Winwin-iyong class president namin na nawalan daw ng wallet na ngayo'y nakadukdok na sa kanyang desk. Umiiyak siguro dahil sa pag-angat-angat ng kanyang balikat.
"Pia," naupo sa desk ko ang isang babaeng kaklase, Jabami. "Hindi ba ikaw ang nahuli rito sa classroom kanina?"
Tumango ako dahil iyon naman ang totoo. "O-oo."
"Wala ka bang nakita?" Humalukipkip pa siya. Ang mga mata ng aming kaklase ay mauusisang nakatingin.
"Wala naman."
"Why don't we just try to open each of everyone's bag?" Suhestyon ng isang kaklase naming lalaki si Yev.
"Yeah. Kaysa naman magturu-turuan kayo riyan," isa pa at siya na mismo ang nagpatong ng kanyang bag sa desk.
Nagkatinginan kami ni Izzie. I think, wala naman akong dapat ikatakot dahil alam ko sa sarili kong wala akong ginawa. Kahit naman siguro hindi nila sabihin ay isa ako sa pinaghihinalaan.
Ako ang nahuli dito sa classroom kanina. Siguro doon sila bumase.
Pinanuod ko ang pagisa-isa nila sa mga bags. Talagang binubuhos lahat ng laman noon sa desk at sinusuyod ang bawat bulsa upang masiguradong walang hindi matitignan nang hindi husto.
Hindi rin nagtagal ay nakarating na sa akin ang isa nilang kasamahan. She opened my bag and removed all the things inside it. Maayos ang pagkakaayos ng aking gamit kaya madali niya lang nailabas ang mga laman noon.
Nanlaki na lamang ang aking mga mata nang makitang mula sa aking bag ay may inangat siyang isang hindi pamilyar na wallet!
"Ano ito?" Pinagtaasan ako ng kilay ni Jabami at lumapit. Inagaw niya ang wallet sa nangalkal ng aking bag. "Ito ba iyong wallet mo, Win?"
Umangat ang mukha ni Winwin at tumango nang makita ang hawak ni Jabami.
Oh my gosh! Kumalabog nang sobrang lakas ang aking puso.
"Ito nga!" Lumapit si Winwin habang may bahid pa ng luha sa kanyang mukha.
"Tignan mo muna kung nariyan pa ang laman. Baka naman nakuha niya na." Matalim akong binalingan ni Jabami.
"Wait, wait, how can you be sure na siya nga ang kumuha? What if someone set this up?" Biglang singit ni Izzie.
"Tumahimik ka riyan, transferee." Iritableng wika ng ibang kababaihan sa aming klasrum.
"Porke maganda, dada na nang dada."
"Sa mga lalaki ka lang sikat, uy!"
Izzie pursed her lips and just remained silent. I smiled nervously at her. Maging ako nga ay walang magawa upang patunayan na hindi nga ako. The wallet was found in my bag, how can I simple say I didn't do it when they saw it inside ny bag? Besides, I can't guarantee that I am innocent. Baka kapag nagsalita ako ay gatungan ko lang ang problema.
"Wala na rito ang pera!"
Bumalik ang tingin ko kay Winwin nang makitang wala na ngang laman ang kanyang wallet. Lahat sila ay nagtinginan sa akin nang masama.
"Students! What is happening here?!"
Napatingin na lamang kami sa pintuan nang makita roon ang aming teacher sa next period. Lumipat ang isa aking mga mata sa kasama niya.
Disappointment flowed in me when I saw Niccos with her. Geez. Bakit ngayon pa?
Bigla akong nahiya.
"G-guys, hayaan ni'yo na lang..." nahihiyang sambit ni Winwin.
Nalukot ang noo ni Jabami at sinulyapan bigla si Ma'am.
"Hindi pwedeng hayaan iyon! Nawala ang card mo! And your savings!" Jabami explained loudly, making sure that everyone is hearing it.
"Settle down, children. Ano'ng nangyayari?" Singit ng aming teacher.
I don't wanna hear the end of it. Jabami told our teacher that I am the culprit of Winwin's missing wallet. I cannot even imagine myself stealing something. Ang gawin pa kaya iyon? Of course, I am old enough to know what's right and what's wrong.
"Is it true, Ms. Oleo?"
I sighed. "Hindi po."
"Sinungaling! Dine-deny mo pa! E, nakita na nga ng ebidensya!"
"That's because you all cornered her!" Biglang sabat ni Izzie para sa akin, napansin niya sigurong kanina pa ako hindi nagsasalita.
"What do you know, huh? Transferee ka lang!" Jabami said.
"G na g ka? Seeing you insisting that Pia is the culprit smells so fishy," Izzie smirked. Mukhang napuno na siya sa panay na pambabara ni Jabami sa kanya. "Baka naman ikaw talaga ang gumawa? And you are making Pia pay for your mistake?"
"What did you say?!"
"Girls! Stop!"
Lalapitan na sana ni Jabami si Izzie nang mayroong humawak sa kanyang balikat upang pigilan siya. Nakalapit na pala si Ma'am at si Niccos.
"Let's talk this out in a very formal way, shall we?" Kalmadong sinabi ni Ma'am at sumulyap kay Niccos na ngayo'y humalukipkip na. "I'll leave this to you. Can you handle it?"
"Yes. I can, Ma'am."
"Girls. Follow Niccos. Jabami, Winwin, Pia, and Izzie. Remember, speak for the truth only."
Naunang tumayo si Izzie at nilapitan ako. Jabami exchanged glares with her while doing so. Sabay na rin kaming lumabas ni Izzie, habang nakasunod si Jabami at Winwin. Si Niccos naman ay nanatiling tahimik sa aming harapan.
"Bakit hindi ka nagsasalita? Wala ka namang kasalanan." Bulong ni Izzie sa akin.
"Nagsalita naman ako, pero nakita mo namang walang naniwala sa akin."
"You didn't do it, right?"
Tumango ako. "H-Hinding-hindi ko iyon magagawa."
"That's good. Huwag kang matatakot. Wala ka naman palang kasalanan."
The SC office welcomed us with the same atmosphere. Tahimik dito at walang katao-tao. Nauna si Niccos na pumasok at sunod-sunod na lamang kami matapos siya.
"To start off, what evidence do you have that Pia is the culprit?"
Nanatiling nakatayo si Niccos habang kami ay nakaupo. As usual, he looked bored and nonchalant. Parang napipilitan pa siyang solbahin ang mga pangyayari base sa kanyang mukha.
"We saw the wallet on her bag. K-Kitang kita namin iyon kanina....and...siya iyong nahuli sa classroom kanina."
Nanlamig ako nang sinulyapan ako ni Niccos. "Totoo ba 'to?"
"T-totoo."
Natahimik ang lahat. Nanatiling matalim ang mga mata ni Niccos sa akin, mukhang pinapakiramdaman ako.
"Kinuha mo ba?"
"H-hindi!" Iling ko kaagad.
"Sinungaling!" Jabami countered.
"Paano mo naman mapapatunayang hindi ikaw ang kumuha?" Nagtaas siya ng kilay.
Why does it feels like pati siya ay inaakusahan na rin ako?
"My parents provide my needs, iba pa ang kay Kuya. There is no way I still have to steal money or a card. Isa pa, bakit naman ako magnanakaw ng card? It's going to be used with password anyways..."
"How about the money, then? May cash na laman ang wallet ni Winwin. Nawala iyon, sa tingin mo, paano mo maipapaliwanag iyon?" Jabami countered again.
Magsasalita na sana si Izzie nang hawakan ko siya sa kamay at pigilan. Si Niccos ay pinanuod ang pagpapaliwanag ni Jabami, pagtapos ay sumulyap sa akin.
He sighed. "This is enough."
"H-How about my money? P-paano ko iyon mababalik? My whole month allowance is there...and...and my card..."
"I'll give further updates, okay? Hearing both sides, just made it more complicated. Lalo na at wala akong nakitang hard evidence."
"Pero kami nakita namin! Kasama pa ang lahat ng mga kaklase namin!"
"Ako, hindi ko nakita. If Pia is really guilty, she will be punished. Not until I prove she's at fault."
"Bakit hindi pa ngayon?!" Iritable ng tanong ni Jabami. "This is so unfair."
"What's unfair is taking actions when you proved nothing. I will try to look into it, don't worry. Mapaparusahan ang mayroong kasalanan at malulutas ang problema. What I am saying is, you wait."
"Naiinis ako kay Jabami. G na g siya na maparusahan ka." Bulong ni Izzie sa akin.
"For now, bumalik muna kayo sa classroom ni'yo at magklase."
Padabog na tumayo si Jabami at si Winwin naman ay kulang na lang humagulgol. Tumayo na rin kami ni Izzie at tumalikod.
"Pia. You stay. Mag-uusap tayo."