Chapter 4

2556 Words
Nagkatinginan kami ni Izzie. Tinanguan niya lamang ako at sumenyas na hihintayin niya ako sa labas bago tuluyang ibinukas ang pintuan at naglakad paalis. I looked back at Niccos na ngayon ay matuwid ng nakaupo sa sofa habang nagta-type sa kanyang cellphone. Naka-ekis pa ang mga mahahabang binti nito. Naupo ako sa harapan niya nang marahan. "Kung hindi ikaw ang kumuha. Sino sa tingin mo ang kumuha?" Tanong ni Niccos ngunit ang mga mata'y nakatuon sa cellphone. "Hindi ko alam." Ayaw kong magturo. Pointing at someone would mean I am guilty of something. Isa pa, ayaw ko ring magbintang. "How about enemy? Mayroon ka bang kaaway?" Kung mayroon man...hindi kaaway 'yon. Kun'di galit lang sa akin, dahil sa'yo. "Wala naman..." "Are you sure?" "Oo. Hindi naman ako....palaaway." As far as I remember, iniiwasan ko ang nga ganoong bagay. Ibinaba ni Niccos ang cellphone niya humalukipkip. Tumingin siya sa akin na parang nakatingin siya sa kaluluwa ko. "Hindi magtatagal ay baka umabot ito sa dean," umpisa niya. "And the worse thing is, baka ipatawag pa ang parents mo...as well as susugurin ka ng parents ni Winwin." "B-Bakit naman? Wala naman akong kasalanan." Kumalabog nang sobrang lakas ang aking puso, namawis din ang aking mga kamay habang nakahawak ito sa isa't-isa. This is the very first time in my whole high school life na naipasok ako sa ganitong klaseng bagay. Hearing that, made me tremble so bad. "Chill. That's why I am trying to solve this now para hindi na tayo umabot sa ganoon." He nonchalantly explained. "P-Paano mo naman gagawin iyon?" "Trust me, alright?" He sighed, bigla siyang tumayo at mayroong kinuha sa kung saan. Dahil sa lumulutang na ang aking utak ay hindi ko na nasundan pa ang galaw niya, 'saka ko na lamang namalayan nang makabalik siya at may hawak na water bottle at wipes. "Here." Inalok niya ang tubig sa akin. "Hindi ako nauuhaw..." "Okay." He placed the water bottle on the top of the tea table sa harapan ko. Naupo din siya sa aking tabi dahilan upang manigas ako. Agad akong napausog dahil sa kaba. "A-Anong ginagawa mo?" "I'm just going to wipe your glasses for you," nagsalubong ang dalawa niyang makakapal na kilay. "Give it to me." "Hindi na." He exhaled sharply at siya na mismo ang nagtanggal ng salamin ko sa akin. Napakurap-kurap ako sa ginawa niya dahil agad inatake ng hangin ang aking mga mata. Kinusot ko ito at naniningkit na pinanuod siyang pinunasan ang salamin ko. "I don't understand you," bigla niyang sinabi habang nagpapatuloy sa ginagawa. "One time, you look attracted to me. Then in just a split second, you become intimidated...tapos lalayo ka." "Attracted? Kailan pa?" Nalukot ang aking noo sa kanya. Sinulyapan niya ako. May kaunting ngiti akong nakitang namumuo sa kanyang labi. "Maraming beses," umpisa niya. "Are you sure wala kang gusto sa akin?" Inalok niya pabalik ang aking salamin sa akin. "Thanks." Tatanggapin ko na sana iyon nang umusog siya palapit, siya na mismo ang nag-suot noon sa akin. Para akong napaso noong maramdaman kong dumaplis pa ang kanyang balat sa akin. Lalo na noong hinawi niya ang aking buhok patalikod habang nag-iigting ang nga panga't nakatikom ang bibig. Umusog ako palayo sa kanya. "O-okay na." Pareho na lamang kaming napatingin sa pintuan nang bumukas iyon at pumasok si Novo at Lev. Napatigil sila bigla nang makita kami ni Niccos at nagkatinginan. "Uhh, labas ba ulit kami?" Turo ni Novo sa pinto. "Oo p're. Bebe time yata nila." Sinabi naman ni Lev na puno ng pag-aakusa ang mga mata. "Pasok kayo," tumayo si Niccos at naupo sa kabilang sofa. Humalukipkip siyang muli at sumandal. "Nasaan si Luka?" "Kinuha 'yung footage ng surveillance. Around 10 nangyari 'yung incident, 'di ba?" Tanong ni Novo at naupo sa tabi ko. Si Lev naman ay naupo sa tabi ni Niccos at kinuha iyong water bottle na inilapag ni Niccos sa harapan ko. Bubuksan na sana niya iyon nang tapikin ni Niccos ang kamay niya at inagaw ang water bottle. "Rude," he glared at Lev. Inilapag niyang muli ang water bottle sa aking harapan. "Hindi 'to para sa'yo. Kumuha ka roon ng sa'yo." "What? Pare-parehong tubig naman 'yan." Lev countered. "That's Pia's water, you dummy," singit naman ni Novo bigla. "I-It's okay. You can have it." Nerbyosa akong tumingin kay Niccos at Lev. "Naman pala, e." Kinuhang muli ni Lev ang tubig ngunit muling tinapik ni Niccos ang kamay niya. Humagalpak si Lev. "Dude! What the hell?" "Go get yours." Napailing si Lev na sumulyap sa akin. Nag-ngising aso siya. "Ginawa mo rito? Nabaliw naman na sa'yo." "Shut up, Lev." Nailipat ang tingin namin sa pintuan nang biglang dumating si Luka. May hawak na itong CD, habang ang isa niyang kamay ay nakasilid sa kanyang bulsa. "Nakuha mo ba?" Salubong ni Niccos. "Yeah," sumulyap sa akin si Luka. "Kaibigan mo ba 'yung nasa labas?" Tumango ako. "Yes." "Ano'ng pangalan?" Nagtaas siya ng kilay. "Oh! Me! I know, I know!" Singit ni Novo. "Hindi kita kausap." Inirapan siya ni Luka at nilapitan si Niccos na sinalubong siya. Ibinigay niya ang CD sa kanya. "Oo nga ano? Nakita ko rin kasi siya noong pumasok kami. Siya ba 'yung bago ni'yong kaklase?" Tanong ni Lev. Tumango akong muli ngunit ang mga mata'y na kay Niccos na naglakad papunta sa laptop na nakapatong sa kanyang table habang hawak-hawak iyong CD. "So, what's her name?" Naupo na si Luka sa tabi ni Lev at pinag-ekis ang mga binti. "Izzie. Izzie ang pangalan niya." "Izzie?" Ngumuso si Lev at inilabas ang cellphone. "Full name?" Napangisi ako. Is it okay to tell? "Uhh. Maria Crizzie Fostello.." "Maria?" Tumawa si Novo. "Who still has that name?" "I wonder what's her IG username?" Si Lev habang nakadungaw sa kanyang cellphone. "Bakit hindi mo papasukin?" Maliit ang boses ni Niccos sa likod. "Hindi iyong ikaw ang pinagkakaisahan nila riyan." "By the way, ano nga pala'ng nangyari?" Tanong ni Lev bigla. Iniiba ang usapan. "Did you really steal the wallet?" Agaran akong umiling. I pursed my lips, already tired of explaining. "Why did they pointed at you, then? Did you show any motives?" Si Novo naman. "Wala ka bang pera?" Si Luka naman. Namula ang pisngi ko dahil sa mga tanong nila. Napatingin si Lev kay Luka at mabilis na siniko at inginuso si Niccos na ngayon ay papalapit na sa gawi namin. Naupo siya sa tabi ko at inilapag ang laptop sa harapan namin. "I already know what happened," umpisa ni Niccos at sinulyapan ako. "Are you okay with this?" "If you proved na wala ka ngang kasalanan, you can ask Niccos to punish the real culprit. O 'di kaya iyong nagbintang sa'yo, tutal malakas ka kay Nicc—" hindi natuloy ni Lev ang sasabihin nang sikuhin din siya ni Luka. "Walang rule na ganoon ang handbook, kung may ipa-punish man, iyon ay ang kung sino mang gumawa ng g**o. Iyong pinag-ugatan." Niccos explained. Nang i-play ni Niccos ang video ay nakiusisa rin si Lev at Luka sa aming likuran. Samantalang tutok na tutok naman ako sa aking pinapanuod. It happened after all of my classmates left the classroom. Noong una ay hindi ko pa maaninag kung sino iyong nagpaiwan, at nang makita'y napatakip na lamang ako sa aking bibig. It's Winwin herself. Kitang-kita mula sa vision ng CCTV ang kanyang ginawa. Tinanggal niya lahat ng laman ng kanyang wallet at 'saka iyon ibinulsa, then she dropped the wallet in my bag. Napalinga-linga siya sa paligid at pagkatapos ay tumakbo na siya palabas! Oh my gosh, that's the reason why my bag was open! Ni hindi ko naisip na may ganoon na palang nangyari noong isinara ko iyon. "That's odd. Bakit naman niya gagawin 'yon?" Napasandal si Novo sa sofa. Samantalang si Lev at Luka ay bumalik sa pagkakaupo sa kabilang sofa. "So, what's your plan now, Pia?" Tanong ni Luka sa akin at itinaas ang braso't ipinatong sa sandalan ng sofa. "Tinatanong pa ba 'yan? We should punish her," Lev said and caressed his chin. "What if paluhurin natin siya sa harap mo? Or make her clean the whole school? Or—" "Or gusto mong tumahimik dahil baka ikaw ang paluhurin ko sa harapan ko?" Bumuntong hininga si Niccos. "Okay. Tatahimik na." Lev said, acting like he's zipping his own mouth. Niccos wanted it to settle the formal way. Muling ipinatawag si Winwin sa SC office, pinabalik ko na rin si Izzie sa classroom dahil baka mamaya'y matagalan pa ako. Akala ko ay sasama si Jabami kay Winwin pero laking gulat ko noong mag-isa lamang ni Winwin na dumating. Nagkalat naman ang apat sa SC office. Sa Winwin ay nakaupo sa harapan ko, si Niccos ay pumagitna habang nakatayo. Si Novo, Luka, at Lev naman ay tahimik lamang na pinapanuod ang lahat ng pangyayari. "Why did you do it?" Umpisa ni Niccos sa kalmadong boses. Akala siguro ni Winwin ay ako ang kinakausap ni Niccos. Ngunit noong wala siyang marinig na sagot ay umangat ang kanyang ulo. Nagtama ang mga paningin nila ni Niccos, kaya pinagtaasan siya ni Niccos ng kilay. "A-Ako?" Naguguluhan niyang tanong at tinuro ang sarili. "B-Bakit a-ako? A-ako nga ang nanakawan, 'di ba?" Niccos sighed. "Winwin. Why are you doing this? Bakit mo pinalabas na nanakawan ka?" "H-Ha? Hindi..." "Stop the act. Saan ba nanggagaling ang mga luha mo?" Tanong ni Novo bigla. "We saw the CCTV footage. What can you say?" "CCTV?" Gulat na tanong ni Winwin. "P-Paanong..." "May CCTV doon pero sikret lang dapat natin," Lev answered. "Tayo-tayo lang ang nakakaalam." Natahimik si Winwin at hindi na nakapagsalita. I saw her gulped and suddenly, she burst into tears. Nagkatinginan kami ni Niccos at nagkibit siya ng balikat. Napakurap-kurap ako sa gulat at bumaling sa kanya. "S-Sorry! Sorry!" "Stop crying and explain first. Ano'ng motibo mo? Bakit kailangan mong palabasin na ninakawan ka?" Niccos asked again. "M-My account was froze by my Mom because I was grounded and I cannot buy the new bag I want. I-I was crying to her pero hindi niya ako pinapakinggan. I thought— I....I thought this is the only way para maawa sila sa akin at tigilan na iyon..." "Why does it have to be Pia, then?" Singit bigla ni Luka. "M-Maraming galit s-sa kanya dahil sa'yo...I think, mas madadala sila at maniniwala k-kapag...siya..." Kinagat ko ang aking dila upang mapigilan ang sariling sumingit. "Mainit ang mata ng mga schoolmates natin sa'yo, dahil sa ginawa mong oag-basted kay Niccos," sinulyapan ako ni Winwin. "Kaya ikaw ang napili kong...ituro." "Why do you have to do that? You are in no place," hindi na naitago ni Niccos ang irita sa kanyang boses. "Whether Pia would reject me or not. That is none of your business but mine." "S-Sorry Niccos. Sorry talaga!" People are so scary. Kahit sabihin ni Niccos na dapat ay hindi niya ginawa iyon dahil nga wala na dapat silang pake roon ay isang paraan ng pag-iisip na siya lang ang may kakayahang intindihin. Hindi pare-pareho mag-isip ang mga tao, siguro tiyaka na lang nila maiintindihan kapag natapos na nilang gawin. O kapag nagkamali na sila. Winwin was charged with a community service. For three days, siya ang papalit sa janitor ng school sa paglilinis. I am glad nalutas iyon bago pa man maiparating sa mga magulang namin. Ni minsan kasi sa buong buhay ko, hindi ko pa nararanasang pinapatawag ang mga magulang school. It was one dismissal in the afternoon when I was walking in the middle of an empty corridor. Medyo late akong umuwi dahil may tinapos pa akong group project kasama ang isa pa naming kaklase na nagpahuli dahil siya ang maglilinis sa classroom. Nasa may tapat na siguro ako ng hagdan noon, at palabas na ako nang mayroong biglang humila sa akin papunta sa gilid. I was trying to scream, but I can't. Iyon ay dahil tinatakpan ang aking bibig. Kumalabog nang sobrang lakas ang puso ko sa kaba. "Don't scream. It's me." A familiar voice whispered. Agad kong tinapik ang kanyang kamay dahilan upang mapakawalan niya na ako ng tuluyan. Magkasalubong ang dalawang kilay na hinarap ko kung sino iyon. "What is yo—' "Shhhh," ginamit niya ang hintuturo upang ilapag sa aking labi. "Just stay silent." It was Niccos. No wonder pamilyar pati iyong pabangong sobrang bango na sa kanya ko pa lang naaamoy. Siguro kaya ganoon, dahil nagsama ang kanyang normal body odor tapos 'yung perfume. Or more so...kahit hindi na siya mag-spray ng pabango ay mabango pa rin siya, bonus na lang kung mag-spray pa siya. He snapped his finger on me, dahilan upang magising ako sa reyalidad. Tiningala ko siya dahil sa taglay niyang tangkad. "You good? May hinuhuli lang ako." Mahina niyang sinabi. It was almost making me laugh seeing him whisper like that. Hindi ko alam kung bakit nacu-cute-an ako roon. Pinanuod ko lamang siya na mayroong sinisilip sa kung saan habang nagsasalubong ang makakapal na kilay. Iyong liwanag na nagmumula roon sa kinasisilipan niya ay nagbibigay ng emphasis sa kanyang kulay light brown na mga mata. "Ano bang hinuhuli mo riyan?" Tanong bigla. "Dating students." "Dating? Bawal pala iyon?" "Yeah. Bawal iyon," he whispered back. Natahimik siya saglit ay nilingon ako nang bahagya, umangat ang gilid ng kanyang mapupulang labi. "But you know...if for example, you are dating an SC officer, you will never get caught." Nalukot ang noo ko sa sinabi niya. "Bakit naman?" "It's because we are the council. Hindi namin huhuliin ang mga sarili namin." Paliwanag niya pa. "Hindi ba ang unfair naman noon?" "It's not unfair if I am dating you." He huskily murmured. "What?" "Wala." Nakisilip na lamang ako kay Niccos habang pinapanuod iyong dalawang estudyanteng nagde-date. It made me cringe seeing them hugging each other, habang nag-uusap. Napangiwi ako. "Kailangan ba talagang magkayakap sila habang nag-uusap?" "It normal with lovers," paliwanag niya. "Hindi mo alam? Nagkaroon ka na ng ex, pero hindi mo alam?" "Yes. But we never do that." Magkasalubong ang kilay kong sinalubong ang kanyang tingin. Nagsukatan kami ng tingin. Pinagtaasan niya naman ako ng kilay. "How about you? Bakit mo alam? Nagka-girlfriend ka na ba?" "Well...not yet..." "Naman pala, eh. What do you know about having a girlfriend, anyways." Ngumuso ako at nagpatuloy sa kakasilip. Hanggang sa nag-iwas na ako ng tingin ay ramdam ko pa rin ang kanyang mga matang nakatitig lamang sa akin. Minabuti kong manahimik na lang at balutin kami ng nakabibinging katahimikan. "Ms. Oleo and Mr. Castrel?" Pareho kaming napalingon ni Niccos sa nagsalita. Nalaglag ang aking panga kasabay ng paglaki ng aking mga mata. "Miss Helen?" Tanong ni Niccos. It was Ms. Helen, ang adviser ng student council. "Are you two dating? Bawal iyan, ah?" "N-no! Hindi po kami nagdedate! M-Ma—" Nilingon ko iyong mga estudyanteng nagde-date na kanina pa namin pinagmamasdan ni Niccos. Ngunit laging gulat ko na lamang noong makitang wala na ang mga ito roon! "What is it, Ms. Oleo?" Tumagilid ang ulo ni Ms. Helen upang sundan ng direksyon ng paningin ko. Nilingon ko si Niccos na tahimik lamang at hindi man lang nag-abalang magpaliwanag. Hinampas ko pa siya sa kanyang braso. "Ouch," he smirked at me. "Stop being violent." "Mag-explain ka nga. Napagkakamalan na tayo dito, oh." I hissed. Tumuwid siya ng tayo at bumuntong hininga. Napanatag naman ako nang bahagya. "I'm sorry Ms. Helen, but you are interrupting our date."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD