Crown 3 ♛ FALLING IN LOVE

2450 Words
"HUY! Nakatunganga ka na naman diyan." Dinaganan pa siya ni Saab para lang gisingin siya mula sa pagdi-daydream niya. Nakayukyok kasi ang ulo niya sa desk niya habang nag-iisip. "Saab," tawag niya rito nang umupo ito sa harap niya. "Um, bakit? May drama ka yata ngayon?" Nangalumbaba din ito paharap sa kanya. "Paano mo malalaman kung in love ka nga talaga?" wala sa sariling tanong niya. Nanlaki pa ang mga mata nito sa tanong niya. "Hala! Ano ba namang klaseng tanong iyan, Allegra?! Hindi ko alam. Buti sana kung math ang tinatanong mo sakin, at least kahit madugo kaya kong sagutin. Eh iyang tanong mong iyan, kahit spelling 'di ko maitama!" litanya nito. "Gano'n ba?" Ngumuso siya. "Naku! Ano? Tinamaan ka na ba ng pana ni kupido?" "Ewan. Naguguluhan ako." "Saang parte ka naguguluhan?" "Hindi ko alam," sagot ni Louraine, tapos umayos siya ng upo. "Bakit ganon? 'Pag hindi ko siya nakikita, nalulungkot ako. Namimiss ko 'yung pangungulit niya. Pero kapag naman nandiyan siya, kulang na lang sumabog ang ulo ko sa inis. Pagdating ko naman sa bahay, hindi mapuknat ang ngiti sa mukha ko. Para daw akong timang sabi ng nanay ko. Tama ba iyon? Baliw ba talaga ako?" Tinuro pa niya ang sarili niya. "Ay naku! Tinamaan ang lintik." Napatutop pa ito sa noo. "Tapos kapag maraming nakapaligid na babae sa kanya, nginangatngat ng kung ano iyong puso ko. Tapos para akong sinasaniban. Gusto kong manabunot ng tao eh. Alam mo iyon?" "Oo. Selos ang tawag do'n, p're!" Napaisip siya. "Kung ganon, nagseselos ako? Bakit?" Saab sighed dramatically. "Kasi nga gutso mo iyong taong iyon. Ayaw mo na may pinapasin siyang ibang baabe maliban sayo. Ayaw mong may nginingitian siya kasi pakiramdam mo mawawala siya sayo," paliwanag nito na nakapgpakunot pa lalo ng noo niya. "Bakit alam mo? Sabi mo hindi mo alam?" "E, 'wag ka ng epal. Teka, sino ba iyon?" Nakichismis pa. "Wala." Bumalik siya sa pagkakayukyok ng ulo sa mesa, pero sa ibang deriksyon naman siya tumingin ngayon. "Hmm.. si Duke iyan 'no?" pangungulit pa rin ni Saab. Hindi siya nagsalita. "Hala! Si Duke nga! Eh namumula ka na eh!" "Tumigil ka nga! Hindi ako namumula," she mumbled saka nagtalukbong siya ng libro niya. Kung anu-ano na lang ang sinasabi sa kanya ng kaibigan niya. Iyon ba iyon? Nagkakaganoon siya dahil in love siya kay Duke? Hindi!! Hindi puwede iyon! Hindi dapat siya mahulog kay Duke. Hindi siya dapat ma-inlove rito. Hindi iyon dapat mangyari! PARA NG Zombie na naglalakad si Louraine sa hallway. Wala na siyang tulog. Pa'no kasi, sa tuwing ipipikit niya ang mga mata niya, bigla na lang sumusulpot ang mukha ni Duke. Tapos pagkagising pa niya sa umaga, pagmulat niya ng mata, si Duke din kaagad ang naiisip at nakikita niya. Bakit kasi nito ginawa iyon? Naalala na naman niya iyong nangyari last Monday... Nagpapahinga na siya dahil kakatapos lang ng practice nila sa volleyball. Umupo siya sa covered tent. Napagod siya ng husto kasi laging sa kanya pinapasa ng mga kateam-mates niya ang bola. Tuloy, pulang-pula na iyong balat sa braso at palad ng kamay niya. Napabuntong-hininga siya. Mamaya na lang niya aasikasuhin ang braso niya. Mawawala din naman siguro ang pamumula no'n eh. Mag-aaral na lang muna siya habang nagpapahinga. May quiz pa sila mamaya kaya kailangan pa niyang mag-review. Good thing naisuksok niya sa PE bag niya iyong notes niya kanina. Humiga na lang siya doon sa tent, tutal wala namang nakaupo doon maliban sa kanya. Kaya lang, sa paghiga niya, hindi na niya namalayang nakatulugan na pala niya ang pagbabasa dahil na rin sa pagod. Naalimpungatan siya nang maramdaman niya ang malamig na bagay na dumampi sa braso niya. Napabalikwas siya ng upo. "Easy," salubong kaagad sa kanya ni Duke. He was massaging an ice pack on her arm. "Mamamaga 'to at gkakapasa ka pa nito kapag hinayaan mo lang 'to." Noon lang niya napansing seryosong-seryoso si Duke. Wala ang nakasanayan niyang mga ngiti nito. "Hindi mo na kailangang gawin iyan. Sanay naman ako eh." Binawi niya ang kamay niya na hawak ni Duke. Pero agad din naman nitong inagaw iyon. "Well, I don't like it. Hindi ka ba marunong magsalita? You could have told them about your arm." Nahimigan ni Louraine ang galit sa tono ng boses nito. Teka. Pinapagalitan ba siya nito? "Pinagagalitan mo ba ako?" she asked. "Oo. Hindi ba halata?" Napadiin ang hawak nito sa ice pack kaya nalukot ang mukha niya sa sakit. "I'm sorry," labas pa iyon sa ilong . She rolled her eyes. "Huwag ka na lang mag-abalang ilagay iyan kung galit ka." Duke looked at her and sighed. "Hindi ako galit sayo. Sa kanila ako galit." Napatingin si Louraine sa mga kateam-mates niya na medyo hindi pa makatingin ng diretso sa kanya. They all looked sorry. Dahil ba iyon kay Duke? Somehow, that made her feel uncomfortable. Tinitigan niya ang ginagawa ni Duke sa braso niya. "Duke, bakit mo ba ginagawa 'to?" 'Di niya naiwasang itanong. Kapag mas lumalapit ito sa kanya, mas lalong lumalayo ang loob ng mga tao sa kanya. They say things like she's a social climber, na kesyo inaakit daw niya si Duke para umangat ang buhay niya. Na pera lang ang habol niya rito. She hated hearing those things. Nasasaktan siya. Pero kasi si Duke, parang walang pakialam sa sasabihin ng ibang tao. "Didn't you know yet?" Kunot ang noo nito. She sighed. Oo, may sagot siya sa tanong nito. Alam niya. Kaya lang... ang hirap. Ibinaba ni Duke ang ice pack at tiningnan siya sa mata. "I like you, Louraine." Parang may tipklong na tumalon-talon sa puso niya na parang nagdiriwang. Pero pinigilan niyang matuwa. Hindi dapat siya matuwa. "Duke, ba't ako? Sa dinami dami ng babaeng may gusto sayo, ba't ako?" Hindi niya maintindihan. Isa lang naman siyang ordinaryong babae sa school nila. Normal. Simple. Hindi kasingtingkad ng mga damit niya ang karamihang suot ng mga estudyante doon. At higit sa lahat, hindi siya kasingyaman nito. Hindi siya nababagay sa mga katulad ni Duke. "Do I really have to answer that?" iritadong balik-tanong nito sa kanya. Napabuntong-hininga na naman siya. Kinuha niya ang ice pack mula rito at siya na lang ang nagdampi no'n sa braso niya. "Maraming babae ang gustong magpapansin sayo. At hindi ako isa sa kanila. So please, sa kanila mo na lang ituon iyang pansin mo," mahinang sabi niya. Bigla na lang nitong inagaw ang ice pack sa kanya at basta na lang iyon itinapon sa kung saan. "Don't tell me what to do. Ikaw ang gusto ko kaya ikaw ang lalapitan ko!" Nainis siya. Kasi nga hindi puwede. Bakit ba ang tigas ng ulo nito? "Hindi kita gusto. Okay? Mabibigo ka lang sakin." "You're lying," he said not taking his eyes away from her. Umiling siya. Hindi siya makatingin ng maayos sa mukha nito sa paraan ng pagkakatitig nito sa kaniya. "I'm not lying, Duke. I'm sorry. But I don't have feelings for you." Nabigla na lang siya nang bigla nitong hinawakan ang magkabilang pisngi niya at hinalikan sa labi. Her eyes went wide from surprise. Duke kissed her in front of those people! Hindi siya nakagalaw sa sobrang gulat. Rinig na rinig pa niya ang sabay-sabay na pagsinghap ng mga tao roon. It was just a quick hard kiss on the lips. Kaya nang lumayo ito, wala nang nasabi si Louraine kun'di ang pakinggan ang huling sinabi ni Duke bago siya nito iniwan. "You do like me, Louraine. And I will make you realize that." ONE WEEK na at hindi na siya ginulo ni Duke. Siguro nga ay natauhan din ito. He doesn't really like her. Nacha-challenge lang siguro ito sa kanya kasi sa lahat ng babae sa school nila, siya lang ang walang ka-inte-interes sa magkakapatid na Steele. Pati nga iyong mismong batch niya na si Zeke na kilalang bully sa batch nila ay hindi niya magawang hangaan. Siguro din ay dahil curious ito sa kanya dahil siya lang ang mahirap sa buong school nila. Himala nga na nakapasok pa siya sa gaito kamahal at katanyag na eskuwelahan. Kaya nga ayaw niyang mas lumalim ang nararamdaman niya rito. Kasi natatakot siya na baka isang araw, ma-realize ni Duke na hindi siya ang babaeng iniisip nito. Na isa lang siyang ordinaryong babae na boring at walang class, hindi katulad ng mga babaeng nabibilang sa mundo nito. Nanlulumong pumunta siya sa canteen. Mag-isa na naman siya kasi gano'n talaga ang buhay niya. Kaysa naman sa magkaroon siya ng kaibigang may dugong bughaw at masabihang social climber, gold-digger, at kung anu-ano pa, mas gugustuhin na lang niyang mag-isa. Isa pa ayaw niyang makitulad sa mga ito na tanging pera lang ang laman ng utak at bukambibig. Ni hindi nga siya makabili ng sarili niyang cellphone eh. Tama. Mas okay kung mananatili siyang mag-isa. Hindi naman sa wala siyang kaibigan. Si Saab, kaibigan niya, pero lahat naman kaibigan nito. Walang best friend iyon. Tapos mga kaklase niya din kaibigan niya. Pero wala lang talaga siyang buddy-buddy. Sabi nga ng nanay at tatay niya, she's one and only. Kasi only child siya. At only poor din sa school nila. She went inside the canteen feeling a lot more apathetic. Kasi alam na niya kung ano ang pinag-uusapan ng mga tao roon oras na makita siya ng mga ito. At kagaya nga ng inasahan niya, parang nabuhay na mga bubuyog ang mga tao sa loob ng canteen pagdating niya. Lumala na kasi ang issue tungkol sa ginawang paghalik sa kaniya ni Duke. Paanong hindi? "Look! It's that girl! Siya iyong sinasabi kong humalik kay Duke!" Narinig niyang sabi nung babaeng nadaanan niya. "Ewe! She's so kapal ha! Buti nasikmurang magpahalik si Duke sa kanya!" "Wala sigurong kataste-taste iyong lips niya. Siguro lasang suka—kasi isa siyang dukha!" Nagtawanan pa ang mga ito. Hindi na lang niya pinansin iyon at naglakad na siya papunta sa pilahan ng mga pagkain. Nakaraos naman siya sa pilahan kahit na mismong katabi niya eh hindi mapuknat ang mata sa kanya. Ano, baka mamaya halikan din siya ng lalaking iyon. Walang ganang naghanap siya ng mauupuan. Lalo pa siyang nawalan ng gana kasi sa tabi ng basurahan lang iyong bakante. Okay. Fine. Edie no choice! Doon siya umupo. Nagsimula na siyang kumain. Isang piraso ng apple lang naman ang kinuha niya kanina sa food train. HIndi dahil hindi niya afford ang mga pagkain doon. Ayaw lang niyang magtagal sa pila kanina. Kung titigan kasi siya ng mga kasunod at nasa unahan niya, parang ang dumi-dumi niya. Hoy! FYI PEOPLE! Naliligo siya twice a day no. "Duke naman. Huwag diyan, nakikiliti ako diyan eh." Nabilaukan siya kaya inihit siya ng ubo. Saan ba nanggaling iyong boses na iyon? Tumingin-tingin siya sa paligid pero hindi naman niya mahanap si Duke. Teka. Duke iyong pangalang binanggit nong babae diba? Hay. Siguro nag-hahallucinate na siya dahil sa kakulangan ng tulog. Pagdating niya ng bahay, talagang matutulog siya ng straight. Wala naman silang quiz bukas. Kakagatin na sana niya ang mansanas niya nang marinig ulit niya ang ingay na iyon. "Duke!" humagikhik pa ang boses na iyon. "Ano ba! Ikaw talaga!" Kumunot ang noo niya. Alam niya saan iyon nanggaling. Tumayo siya at sinilip ang nasa ibaba. Para kasing terrace iyong canteen nila, open area at overlooking the school ground kaya kita buong campus. Pero may tent naman sa taas para kahit umuulan ay hindi nababasa ang mga mesa sa labas. Pagtingin niya sa ibaba, nakita agad niya ang hinahanap. Doon lang nakatayo si Duke, at ang kalampungan nitong babae. Sa una, hindi alam ni Louraine kung ano ang gagawin niya. She was just frozen there. Nakatingin lang siya at pinapanood ang halikan ng dalawa. Well, the girl was actually pecking on his neck. Pero halikan na rin iyon, diba? Tapos biglang tumingin si Duke sa taas, and dead on spot caught her looking over them. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Mabilis siyang umalis doon sa kinatatayuan niya at itinapon sa basurahan ang hindi pa niya nauubos na mansanas. Wala na siyang pakialam sa mga taong nadadaanan niya. Ang tanging alam lang niya ay ang sakit sa dibdib niya. Lakad-takbo ang ginawa niya. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Basta kung saan siya hatakin ng paa niya, doon siya. Kaya lang bigla siyang natigil kasi may humawak sa braso niya. "Bitawan mo ako!" sabi niya nang hindi man lang lumilingon. Alam niyang si Duke iyon. "Look at me, Louraine," utos nito. Hindi siya humarap. Pinilit ulit niyang bawiin ang kamay niya pero siya bigla ang nahatak nito at napaharap siya rito ng wala sa oras. Hindi niya ito magawang tingnan sa mata dahil umiiyak na siya. Nakakahiya. "You're crying," he noticed at inabot nito ang pisngi niya kaya lang ay umatras siya. That hand held that girl's body. Ayaw niyang pati siya ay mahawakan nito. Nagagalit siya. Iyon lang kaya siya umiiyak at naiinis. Kainis kasi! Sasabihin ng lalaking 'to na gusto siya nito pero nagawa pa rin nitong makipaglampungan sa ibang babae? Iyon ba iyon? Iyon ba iyong sinabi nitong ipaparealize nito sa kanya na mali siya? Na may gusto nga siya rito? Hindi naman kailangan iyon eh. She liked him alright. Infact, she's already in love with him. Kaya siya nasasaktan. Napaupo siya bigla at lalo pa siyang umiyak. In love nga siya! Kaya siya nagkakaganito. Tama si Saab. Nagseselos siya. Ayaw niyang may kasama itong ibang babae kundi siya. Ayaw niyang may nginingitian itong iba. Kasi natatakot siya na baka mawala ito sa kanya. Ang sama!! Bakit siya pa kasi ang nagustuhan ni Duke?! Bakit kay Duke pa siya nagkagusto?! Iyak lang siya nang iyak. Wala siyang pakialam kung nasa gitna man sila ng daan. Maya-maya ay naramdaman niyang umuklo si Duke sa harapan niya. He held both her wrists with one hand and took it away from her face. Nakita tuloy nito kung gaano siya kapangit umiyak. See? Ngumiti pa ang buwisit! "I'm right," sabi nito habang nakangiti. "You're still pretty even when you cry." Kumunot ang noo ni Louraine. "Huwag mo akong binobola kung ayaw mong masuntok!" Tumawa pa ito ng malakas imbis na matakot. "You realize it now, do you?" Hindi siya sumagot. Inirapan lang niya ito. "Just say it, Louraine. You'll see, it will be a lot easier than denying it." seryososng sabi nito. Tinitigan lang ito ni Louraine. If she tell him now, pagsisisihan niya iyon. Pero kapag hindi rin, magsisisi rin siya. Kaya lang... Tumango siya. "Oo. Tama ka. Narealize ko na na mali ako." Huminga siya ng malalim. "I don't like you, Duke," sabi niya at bumakas sa mukha nito ang lungkot. Hinawakan niya ang kamay nito bago pa ito makatayo. "I think I'm falling in love with you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD