Crown 4 ♛ FIRST FIGHT

2296 Words
"KASI NAMAN! Nakatulog ako ng maaga kagabi. Hindi ko na naalala na may quiz tayo kaninang umaga," nakasimangot na sabi ni Saab habang pabalik na sila sa klase nila. Medyo apektado ito sa naging resulta ng quiz nila kanina sa Chemistry. "Bumawi ka na lang sa susunod," sabi naman ni Louraine. "Marami pang―" Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya kasi may humarang sa kanila. "Ah... Friend, una na ako ha. Kita na lang tayo sa klase." At dali-dali siyang iniwan ni Saab. Sino ba naman ang hindi mapapatakbo kung nakatayo sa harapan mo ang tanyag na bully sa school? "O..." Tamad na tamad na binigay sa kanya ni Zeke ang isang mamahaling chocolate. "Bigay ulit ni kuya." Napairap siya. "Ibalik mo sa kanya." Nilagpasan niya ito. Pero sinundan pa rin siya ni Zeke. "Ayoko. Malalagot na naman ako sa kanya 'pag binalik ko sa kanya 'to," ungot pa rin nito sa likod niya. Napansin niyang pinagtitinginan na sila ng mga nadadaanan nila kaya hinarap na niya si Zeke at basta na lang inagaw ang chocolate na iyon sa kamay nito. "Akin na nga," sabi niya saka umalis na. She's not really afraid of Zeke. Bully lang ito pero mas maraming beses niya itong nakitang tumutulong sa iba. At isa pa, takot iyon sa kuya niya. Lalo na sa bunso nilang si Serena. Third year na si Louraine at nasa college na rin si Duke. Kahit na malayo sila sa isa't isa, mas mabuti na rin iyon para sa kanya kesa magkasama pa rin sila sa iisang lugar kung saan hindi sila makagalaw ng maayos dahil sa mga matang nakatutok sa bawat kilos nila. After that day when she admitted her feelings for Duke, hindi na niya iyon nabawi pa. Duke was not giving her a chance to. Kaya wala siyang choice kun'di ang maging girlfriend nito—but she's not sad about it. Ang totoo, masaya siya sa sa naging disesyon niya. Pero nagtataka lang siya na tumagal sila ng ganito katagal. She always wait for that awful moment when Duke would break up with her and tell her she's not everything he thought she was. That she disappointed him. Pero nakagraduate na ito ay nanatiling boyfriend pa rin niya ito. Kaya lang galit siya rito ngayon kasi may kasalanan ito sa kanya. At hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagpapakita sa kanya. Panay ang bigay nito ng chocolates, flowers at kung anu-ano sa kanya kaya lang lagi namang si Zeke ang nagbibigay sa kanya no'n. Tiningnan niya ng masama ang chocolate na hawak niya. Iyon ang paborito niyang chocolate sa lahat ng binigay sa kanya ni Duke. At binibigyan lang siya nito no'n kapag may kasalanan ito sa kanya. Binuksan niya ang trash can na nadaanan niya at walang anu-anong tinapon doon ang chocolate. Naalala na naman niya ang dahilan kaya siya galit na galit dito. One week ago... Excited na si Louraine dahil papalapit na ang promenade nila. Kaya lang hindi niya pa rin maiwasang kabahan. Sa tuwing naaalala kasi niya ang sinabi ni Duke na ito ang magiging partner niya, naiisip din niya ang mga sasabihin ng ibang tao tungkol sa kanila. Hindi lang siya nagsasalita pero talagang apektado siya sa mga sinasabi sa kanila ng ibang tao. Sino ba naman siya para patulan ng isang Duke Steele? Isa lang siyang napaka-ordinaryong babae na hindi pa yata nakaka-three-fourth sa kayamanan na meron ang pamilya ni Duke. She doesn't have anything on her name to make him proud. Lagi na lang siyang sinasabihan ng gold-digger, oportunista, social climber, money-eater, at kung anu-ano pa. Hindi naman niya pinapansin ang mga taong nagsasabi no'n as long as Duke knows the truth. Kaya lang habang tumatagal, naapektuhan ang mundong ginagalawan niya. People already judge her even before they really met her. Kaya nga walang gustong makipagkaibigan sa kanya. Ngayong wala na si Duke sa school nila, lantaran na siyang vine-verbal abuse ng mga tao sa paligid niya na hadlang sa relasyon nila ni Duke. Hindi kasi katulad no'ng magkasama pa sila ni Duke sa isang school, laging maingat ang mga tao sa kanya. But she would rather have someone who would hurt her physically than slander her name. Kasi mas masakit iyon sa kanya. Kaya lang, wala ring malakas ang loob na gawin iyon sa kanya kasi kahit wala si Duke, andiyan naman ang mga kapatid nitong sina Sage, Blue, at lalo na si Zeke. They all stood as her bodyguard even when she didn't want one. Mukhang iyon yata ang kapalit ng pagmamahal niya sa isang tagapagmana ng Stanfield Empire. "Uuwi ka na?" tanong sa kanya ni Saab. Nasa library kasi sila, nagbabasa kasi free time nila. "May gagawin lang ako," maikling sagot niya habang iniipon ang mga liibrong ginamit niya. "Hmm.. may date na naman kayo ng lovey doves mo no?" Ngumiti lang si Louraine. Siguro sa lahat ng kaklase niya, si Saab lang ang masasabi niyang kaibigan niya. Mabait siya kahit na anak mayaman din ito. At hindi ito nagpapaniwala sa mga sabi-sabi tungkol sa kanya kasi alam nito ang simula ng lahat sa kanila ni Duke. "Hindi. May inaasikaso daw siya kaya hindi kami magkikita ngayon." Busy na kasi si Duke kahit na first year college pa lang ito ng Business administration. He's the eldest Stanfield, kaya kailangan na itong i-train ng daddy nito tungkol sa magiging obligasyon nito sa hinaharap. Stanfield Empire is a very large business to handle, at hindi raw practical kung saka pa ito mag-te-training kapag nakatapos na ito ng college. Ayaw daw ni Duke nang nangangapa. But he still makes time for her, kahit sobrang busy nito. Lagi siyang hatid-sundo ni Duke. Minsan mas maaga pa itong dumarating. At kapag lunch break nila, minsan na-su-surpresa na lang si Louraine dahil bigla na lang dumarating si Duke na may dalang pagkain para sa kanya. She could tell when he was tired at panay din ang paghihikab nito pero lagi na lang siya nitong dinadaan sa bola para makaiwas. Kaya ngayon, balak niyang siya naman ang sumorpresa rito. Hindi siya marunong magluto, pero nagpaturo talaga siya sa nanay niya para matuto. She cooked all Duke's favorite dish last night. Kaya kailangan niyang abutan ito sa klase nila bago mag-lunch-time. Hindi mapuknat ang ngiti sa mukha niya habang sakay siya ng taxi papunta sa school ni Duke. Iniisip pa lang niya ang magiging reaksyon nito, parang kinikiliti na ang puso niya sa sobrang excited. Tumigil ang taxi dahil may traffic sa unahan nila. Napatingin siya sa relo niya. Malapit ng mag-alas-dose. Kailangan niyang abutan si Duke. "Mamang driver, matatagalan po ba iyan?" tanong niya. "Hindi ko alam, ineng. Bakit, nagmamadali ka ba?" "Ah, eh medyo po." Napatingin siya sa unahan, mukhang matatagalan pa siya. "Teka..." Nagtaka siya nang makita niya ang kotse ni Duke na naka-park sa gilid ng kalsada. Hindi siya puwedeng magkamali. Si Duke lang naman ang may ganoong kotse sa lugar nila. Stanfield cars were all flashy and first class. "Manong, dito na lang po ako bababa," para niya nang magsimula ng umusad ang traffic. "Sigurado ka? Malayo pa naman dito ang pupuntahan mo," sabi nong driver ng taxi habang pinapark nito sa gilid ang kotse. "Okay lang po." Nagbayad na siya at bumaba. Ano kaya ang ginagawa ni Duke sa lugar na iyon? Bitbit niya ang malaking lunch box na naglakad-lakad siya sa nakahilirang mga shopping boutiques na nandoon, hinahahanap si Duke. "Naikot na natin ang lahat ng boutique dito." Narinig niyang sabi no'ng isang babaeng lumabas mula sa 'di kalayuang boutique. "Hindi ka pa ba nagugutom?" "Okay. Kain muna tayo, then we can look for another shop." Mabilis na nagtago si Louraine sa isang pasilyo doon. It was Duke's voice. Sigurado siya doon. At kasama nito ang babaeng iyon. Hndi lang basta isang babae-she looked like a princess. Ang ganda, matangkad, maputi, makinis, sexy, at bagay sila ni Duke. Umasim ang tiyan niya. Nagseselos siya. Hindi naman siguro siya niloloko ni Duke, diba? Sumilip siya ulit at nakita niyang naglalakad ang dalawa sa ibang direksyon. Iisa lang ang paraan para malaman niya ang totoo. She took out her phone, 'yung binigay sa kanya ni Duke as a monthsary gift para daw nagkakausap sila palagi. Ngayon, parang gusto niyang basagin iyon at itapon. Nagriring ang kabilang linya. Ang akala ni Louraine ay hindi ito sasagutin ni Duke. Pero mayamaya ay narinig na niya ang baritonong boses nito. "Louraine!" Mukhang gulat pa ito. Nakita niyang tumigil ito sa paglalakad. "Napatawag ka?" "Ah.. wala. N-namiss lang kasi kita." Buwisit ka! Sino iyang babaeng kasama mo? "Nasan ka ngayon?" "Ah... Sa school." Parang tinarakan ng kutsilyo ang dibdib niya sa sinabi nito. Duke just lied to her. Why? "Talaga," wala sa loob na nasabi niya at naramdman niya ang paghapdi ng sulok ng mata niya. "Umm.. Tumawag ka na lang mamaya, may klase pa kasi ako eh," sabi pa nito. Wala sa sariling tumango siya kahit na hindi naman nito iyon makita. "Sige." Nanghihinang binaba niya ang telepono. Nakita niyang umabrisete ang babae sa braso ni Duke. And all she could do was stand there and watch them walk away. Mabilis na natakpan niya ang bibig niya bago pa kumawala ang hikbi sa bibig niya. She turned around. Ayaw niyang makita ang panloloko sa kanya ni Duke. Tama. Bakit siya pagtitiyagaan ni Duke? Maraming babaeng mas mayaman sa kanya. Mas maganda. Mas maputi at mas matangkad. Hindi na napansin ni Louraine na nalaglag na niya ang lunch box na dala-dala niya. Nasayang lang ang mga pagkaing pinaghirapan niyang iluto. Nasayang lang lahat. ——— Pagkatapo ng klase nila, nakita kaagad niya ang text ni Duke. Nakakailang tawag na rin ito. Naka-silent mode kasi iyon kaya hindi na niya napansing tumatawag na pala ito. Ano? After one week saka lang ito makikipag-usap sa kanya? Inayos na lang niya ang gamit niya saka lumabas ng klase. Nang makalabas na siya ng school gate, saka lang niya pinagsisihan ang hindi niya pagbasa ng text messages nito. Nang sa gayon, malalaman niyang hinihintay pala siya ni Duke. Tuloy, hindi niya napaghandaan ang makita ulit ito pagkatapos ng huling pagkikita nila―na hindi naman nito alam. Nakatayo ito at nakasandal sa hood ng kotse nito. Ngumiti ito kaagad nang makita siya. Akma itong kakaway pero hindi na niya iyon nakita dahil tumalikod agad siya para umiwas. "Wait! Louraine!" tawag pa nito. Alam niyang tumatakbo ito para habulin siya. Binilisan na lang niya ang lakad niya para hindi siya nito maabutan. Kaya lang malalaki talaga ang hakbang nito kesa sa kanya. He caught her arm and swung her around. "What was that about?" puno ng inis at pagtataka ang mukha nito. "Bitawan mo nga ako!" Sabay bawi sa braso niya at naglakad ulit palayo rito. "Louraine," he called again, at sumasabay ito sa lakad niya. "Louraine, I know you're angry. But please talk to me." Hindi pa rin siya huminto. "Louraine." Halatang naiinis na ito pero wala pa rin siyang balak na harapin at kausapin ito. He just lied to her again. "Could you please stop and listen?" he burst. At natigilan siya, pati na rin ang mga nakakasabayan nila sa daan. "Now, tell me what's wrong. Dahil ako, hindi ko alam." "Hindi mo alam?" she retorted. Ah. Oo nga pala. Hindi nito alam ang nakita niya. Hindi nito alam na alam na niya ang tungkol sa panloloko nito sa kanya. "All I know is you don't want to talk to me. Okay. Hindi ko alam kung bakit ka nagkakaganyan. Did I do something wrong?" naguguluhang tanong nito. Kung hindi lang siguro niya nalaman ang nalaman niya, kung tanga pa rin siguro siya, malamang paniniwalaan niya ito. Maybe she would believe that he was clueless. Na wala nga itong ginawang kasalanan. "Come on, Louraine. Tell me what's wrong," he sounded almost pleading. "Kung galit ka kasi hindi ako nagpapakita sayo nitong mga nakaraang araw, I'm sorry. Marami lang talaga akong inasikaso last week. But I'll make it up to you, okay? I promise." And then she snapped. "Sinungaling!" Natigilan ito at parang nabigla dahil sa sinabi niya. "Pinuntahan kita, Duke. Pero alam mo kung ano ang nakita ko?" Naramdaman muli niya ang paninikip ng dibdib niya. Hindi na naman niya mapigilan ang pag-iinit ng mata niya. Nasasaktan pa rin siya. "Louraine," Lumayo siya nang lumapit si Duke sa kanya. And he too was taken aback. "You lied to me, Duke. You were with someone. Nakita kong may kasama kang ibang babae. Tinawagan kita, sabi mo nasa school ka. Pero kitang-kita ko, Duke, kayo ng babaeng iyon." Pinunasan niya ang basang pisngi niya. Duke was about to say something but she wouldn't hear another lie. "Akala mo siguro hindi ko malalaman. Akala mo siguro madali mo lang akong mauuto kasi mahirap lang ako, walang alam—" "That's not true, Louraine," putol nito sa sinasabi niya. "I don't care about your status―" "Sinasabi mo lang iyan pero Duke, hindi ko na alam kung maniniwala pa ba ako sayo. Nasasaktan ako kapag pinagtitinginan ako ng mga tao sa tuwing magkasama tayo. Hindi mo alam iyon kasi hindi naman pangalan mo ang sinisiraan nila." "Stop." Duke groaned out of frustration at napahilamos ito sa mukha. She sniffed again at sinubukan niyang huminga. "Alam kong mahirap marinig, dahil totoo. Kahit ayaw mong aminin, kailangan mo pa ring harapin. Duke, oo, mahirap nga ako, pero hindi ako bobo. Hindi ako tanga. At may dignidad ako." Hindi niya alam kung tama ba ang desisyon niya. She knew she'd regret this. Kaya lang... nasasaktan talaga siya. Hindi na niya kaya. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa niya at inabot ang kamay nito. Duke looked at her, nagtatanong. "Louraine." She ignored the pain in his voice. "Ayoko na," mahinang sabi niya. Kitangkita ni Louraine ang pamumutla ni Duke. "Let's break up."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD