Kulitan

1165 Words
CHAPTER 5 ZHENNAIRE POV Pagmulat ko ng mata, unang sumalubong sa akin ang malambing na boses ni Celestina. “Mommy… Mommy… gising na po,” bulong niya, sabay hila-hila sa kumot ko. Nakatayo siya sa gilid ng kama, naka-daster na kulay dilaw na may print na cartoon sunflowers, hawak pa ang maliit niyang stuffed toy na si Bunny. Napapikit pa ako sandali, pilit na iniwasan ang bigat ng ulo ko. Hangover pa rin yata mula kagabi, pero nang makita ko ang ngiti ng anak ko, parang gumaan bigla. “Good morning, baby…” hinila ko siya palapit. Umakyat siya sa kama at agad akong niyakap nang mahigpit. “Hmm… ang bango ng baby ko, parang bagong paligo.” “Mommy naman,” ngumiti siya, sabay himas sa buhok ko. “Ako na po yung nagligpit ng mga laruan ko kanina. Sabi ni Tita Patricia, good girl daw ako kasi marunong na akong magligpit.” Napangiti ako, napahigpit pa lalo ng yakap. “Ay, ang bait naman ng baby ko. Mommy’s so proud of you.” Tumawa si Celestina, sabay halik sa pisngi ko. “Mommy, gusto mo po ba ng tubig? Kuha ko po sa kusina.” Bago pa ako makasagot, biglang bumungad si Patricia sa pinto ng kwarto, naka-duster pa rin niyang Hello Kitty, pero this time may headband na kulay pink at may hawak na tabo na parang scepter. “Hoy, gising na ang reyna ng Sta. Lucia!” malakas niyang sigaw, sabay pose pa na parang beauty queen. “At eto, may little princess pa siya oh!” Napahalakhak si Celestina, sabay talon pababa ng kama. “Tita Patriciaaaaa!” tumakbo siya at niyakap ang bewang ng bakla. “Ay Diyos ko, baka mabali bewang ko, baby girl!” tili ni Patricia, pero agad niya ring binalik ang yakap. “Grabe, ang lambing talaga ng inaanak kong ‘to. Sana ikaw na lang naging anak ko, hindi yung mga plastic kong kapitbahay!” “Eeehhh Tita, ako lang po anak ni Mommy,” sagot ni Celestina, ngumiti pa nang matamis. “Ay syempre!” sabat ko, sabay tawa. “Huwag mong agawin ang baby ko, Patricia. Ako ang nanay niyan.” “Charot lang, Baks,” sagot niya sabay irap pero nakangiti rin. “Pero seriously, jackpot ka talaga. Ang bait-bait at ang lambing ng anak mo. Hindi tulad ng iba d’yan na puro reklamo lang sa buhay.” “Mommy,” tawag ni Celestina, sabay akyat ulit sa kama para abutin ako ng baso ng tubig. “Inutusan po ako ni Tita Patricia kumuha para sa’yo. Sabi niya, masakit ulo mo, kaya kailangan mo uminom ng tubig.” Napatingin ako kay Patricia, napailing habang nakangiti. “Ikaw talaga, pati anak ko na-train mo nang maging nurse.” “Ano ka ba, Baks. Early training ‘yan! At least, habang lumalaki si Celestina, natututunan na niyang maging caring. Hindi tulad mo kagabi, na caring sa alak at caring sa Grinder ni Engr. mo!” “Patriciaaaa!” singhal ko, napapalo ko siya ng unan. “Bata tayo kausap, huwag kang bastos!” Natawa lang siya, pero agad niyang tinakpan ang bibig niya. “Ay oo nga pala, sorry Celestina. Huwag mong pakinggan si Tita. Ano lang ‘yon, joke para sa matatanda.” Ngumiti lang si Celestina, walang kamalay-malay. “Tita, si Mommy po ba may sakit? Bakit po ang dami niyong sinasabi?” Halos mahulog ako sa tawa. “Baby, hindi ako may sakit. Si Tita mo lang talaga makulit.” Pagkalipas ng ilang minuto, bumaba kami sa kusina. Doon, abala si Patricia sa pagluluto ng pancit canton na may hotdog at itlog. “Hoy, wag ka ngang ngumanga d’yan, Baks. Kumuha ka na ng plato at tulungan mo ko,” sabi niya habang nakahawak sa kawali. Pero bago pa ako makagalaw, si Celestina na ang tumakbo sa aparador. “Ako na po, Tita! Ako na kukuha ng plato.” Inabot niya yung mga plato kahit medyo mataas pa para sa kanya. Kaya agad akong sumugod para tulungan siya. “Baby, baka mabasag” Pero ngumiti siya, malambing. “Mommy, kaya ko po. Promise.” Inilapag niya ng maayos sa mesa ang tatlong plato, sabay balik sa akin. “See, Mommy? Good girl po ako.” Tumango ako at hinaplos ang pisngi niya. “Yes, baby. Very good girl. Mommy’s so proud of you.” Patricia, na nagbabalat ng hotdog, biglang sumabat. “Aba, aba, aba! Parang commercial ng gatas ‘to ah! Ang bait ng anak, ang proud ng nanay, at ang baklang bestfriend na kusinera. Kulang na lang background music.” “Ewan ko sa’yo,” sagot ko sabay tawa. “At least, masaya kami.” Habang kumakain kami, hindi mapakali si Celestina sa kakatanong. “Mommy, kailan po tayo pupunta sa park?” “Mommy, gusto ko po mag-aral mabuti para proud ka.” “Mommy, kapag malaki na po ako, bibili ako ng malaking bahay para sa atin.” Halos maluha ako sa mga salita ng anak ko. Ang bata pa niya pero ang lambing at ang laki ng pangarap. “Baby, kahit hindi mo gawin lahat ‘yon, proud na proud na si Mommy sa’yo. Basta lumaki ka lang na mabait at masunurin, sapat na.” Umiling siya, ngumiti nang malawak. “Hindi po, Mommy. Gusto ko po maging mabait, masunurin, at successful. Para po hindi ka na mahirapan.” Si Patricia, natigilan din, tapos biglang natahimik. Tapos ngumiti ng malumanay. “Ay anak… alam mo, kung lahat ng bata katulad mo, wala na sigurong magulang na malulungkot. Sana marami kang ma-inspire.” “Thank you po, Tita Patricia,” sagot ni Celestina sabay halik sa pisngi ng bakla. Nagulat si Patricia, napahawak pa siya sa pisngi niya. “Ay, Diyos ko, kiniss ako ng batang legit! Hindi na ako maliligo bukas!” Halakhakan kami tatlo. Pagkatapos kumain, nagligpit si Celestina. Kahit pilit kong pigilan, siya pa rin ang nagdala ng mga plato sa lababo. “Mommy, ako na po. Gusto ko pong tumulong.” Hinayaan ko siya, pero pinanood ko lang habang nagbabanlaw ng plato gamit ang maliit na tabo. Ang cute, parang ang liit pa niya pero gustong-gusto na niyang maging responsable. Si Patricia, nakatayo sa likod, nakangiti rin. “Baks… sobrang swerte mo. Hindi lahat ng nanay, may ganitong anak.” Tumango ako, ramdam ang bigat sa dibdib pero may halo ring saya. “Oo, Baks. Siya na lang talaga ang inspirasyon ko. Kahit anong sakit ng nakaraan… basta may Celestina ako, kakayanin.” Lumapit si Celestina, basa pa ang kamay dahil sa tubig. “Mommy…” niyakap niya ako sa bewang, mahigpit. “Love you po.” At doon, hindi ko na napigilan ang luha ko. “I love you more, baby.” At sa araw na ‘yon, kahit masakit pa ulo ko at kahit puro kalokohan ang binubulong ni Patricia, sapat na ang lambing at kabaitan ng anak ko para ipaalala… na may dahilan pa rin akong ngumiti at magpatuloy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD