CHAPTER 12 Patricia POV Ay naku mga teh, kinikilig pa rin ako hanggang ngayon! Imagine, nasa kotse kami ni Engr. Jitsu, si Celestina, at si baks na reyna kong si Zhennaire tapos ako pa ang naupo sa front seat. Hellooo?! Ako ang official chaperone, ako ang director ng loveteam na ‘to, kaya dapat nasa unahan ako para makita ko lahat ng anggulo. Pagdating namin sa school ni Celestina, teh, hindi ako ready sa eksena. Akala ko ordinaryong hatid lang ‘to pero girl… hindi pala. Pagkabukas pa lang ng gate, ayun na, mga maid, mga yaya, mga magulang na naghahatid din ng anak nila, lahat sila napa-"Ay Diyos ko!" sabay tili. "Grabe, sino yun?!" "Ang gwapo nung naghatid kay Celestina!" "Parang artista, baka model!" "Ay baka foreigner yan, ang tangkad at ang kinis!" Ako naman, nasa loob ng kots

