CHAPTER 9 ENGR. JITSU POV Habang nagda-drive ako pauwi, hindi ko mapigilang mapangiti. Tangina, hindi ko alam kung anong meron pero iba yung pakiramdam ko. Yung tipong kahit traffic, kahit busina nang busina yung mga jeep sa tabi, parang wala akong pakialam. Shit. Kahit may anak na, ang hot pa rin niya. “Zhennaire…” bulong ko sa sarili ko. Sa wakas, kanina lang, nakuha ko rin ang pangalan niya. Mommy pala siya nung batang niligtas ko si Celestina. At hindi lang basta mommy. Siya yung babae kagabi sa bar. Yung babae sa VIP room. Yung nagpaiyak at nagpabaliw sa akin. Kinabahan ako nang na-realize kong siya pala yun. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiiyak. Tangina, kaya pala parang familiar yung amoy, yung mata, yung init ng katawan niya. Hindi ako nagkakamali. Kumakabog yung dibdib

