CHAPTER 10 THIRD PERSON POV Pagkauwi ni Zhennaire kasama si Celestina at Patricia, halos himatayin na siya sa pagod. Pagkatapos ng lahat ng gulo kanina yung pagka-wild ng anak niya sa pagdedeklarang “Best friend daw si Engr. Jitsu,” yung halos ikapahiya niya sa harap ng mga kapitbahay, at syempre yung pambubuska ni Patricia pakiramdam niya, drained na drained ang katawan at utak niya. Nasa kwarto na si Celestina, mahimbing nang natutulog. Si Patricia naman, nasa sala pa, busy sa pag-check ng phone niya, malakas pa ang tawa habang nakikipag-chat. Si Zhennaire, kinuha ang phone niya mula sa bag at binuksan. Pag-tingin niya, may isang bagong message mula sa unknown number. Good evening, Zhennaire. This is Jitsu… Engr. Jitsu. Pasensya na kung istorbo, gusto ko lang magpasalamat sa pagtang

