CHAPTER 14 ZHENNAIRE POV Pag-uwi namin galing sa school, bitbit ko ang bag ni Celestina. Pagkapasok sa bahay, sinalubong agad kami ni Patricia na parang may radar sa chismis. “Ay! Mga darling ko!” sigaw niya habang nakapamewang, nakataas ang kilay, at may hawak na baso ng iced tea. “Halika rito, dali, kwento na! Spill the tea, baks! Kanina nakita ko talaga kung paano ka tumingin kay fafa Engr. Ha-ha-ha! Diyos ko, pati ako kinikilig!” Napairap ako agad. “Tigilan mo nga ’yan, Patricia. Wala akong pake doon sa lalaking ’yon. Isa lang siyang… istorbo. Ayaw ko nga siya makita.” Nagtili si Patricia, sabay hagis ng baso sa mesa. “Ha?! Diyos ko, baks! Storbo daw?! Eh kung ako lang, pinasok ko na agad ang pangalan ko sa birth certificate ng lalaking ’yon! Engr. Jitsu… Patricia. Ang sosyal! Ang

