CHAPTER 15 CELESTINA POV Ang saya saya ko talaga ngayon! Kasi dumalaw ulit si Best friend Engr. dito sa bahay. Ang laki ng dala niyang pizza, tapos may bulaklak pa siya. Nakita ko nga na namula si Mommy kanina, pero kunwari pa rin siyang galit. Alam ko naman eh, kinikilig din siya. Hehehe. Pagkapasok namin sa loob, agad kong hinila ang kamay ni Best friend. “Best friend, dito ka upo, tabi ka sakin!” sabi ko habang nilalagay siya sa upuang malapit sakin. “Okay, baby. Basta ikaw ang boss ko,” sabi niya sabay kindat. Napahagalpak ng tawa si Tita Patricia. “Ay narinig mo yun, baks? Baby daw ang boss! Aba, kung si baby boss, ikaw naman ang mommy boss! Engr., lagot ka, dalawang boss agad ang haharapin mo!” Napailing si Mommy, pero namumula pa rin ang pisngi niya. “Patricia, tumigil ka nga.

