CHAPTER 18 ZHENNAIRE POV Alas-diyes na ng umaga. Dalawang tasa na ng kape ang naubos ko, pero ni anino ni Celestina, wala pa rin. Kanina pa ako paikot-ikot sa sala parang kandilang nauupos sa kaba. Tiningnan ko ulit ang cellphone ko. Wala pa ring text. Wala ring tawag. Naka-save pa rin sa screen ang pangalan ni Engr. Jitsu, pero ilang ulit ko nang tinatawagan, ring lang nang ring. “Put-ay, Diyos ko, kalma, Zhennaire, kalma.” Hinilot ko ang sentido ko. “Baka natulog lang ulit ‘yung bata, baka lang late gumising.” Pero kahit anong rason ang sabihin ko sa sarili ko, hindi mapigilan ng puso kong kabahan. Isa lang ang anak ko. Isa lang si Celestina. Lahat ng pagod ko, lahat ng sakripisyo ko, umiikot sa kanya. Kaya ngayong wala siya sa tabi ko, para bang hinugot ang kalahati ng pagkatao ko

