CHAPTER 17 THIRD PERSON POV Maaga pa lang mga alas-kuwatro ng madaling-araw ay nagising na si Celestina. Tahimik ang buong bahay; tanging huni lang ng mga ibon at mahinang lagitik ng orasan sa sala ang maririnig. Sanay na siyang gumising ng ganitong oras sa bahay nila ni Mommy Zhennaire, siya palagi ang unang bumabangon para tulungan ang mama niyang naghahanda papasok. Ngayon, ibang bahay ang kinaroroonan niya. Tahimik, malinis, at malamig dahil sa air-conditioner. Pero kahit gano’n, hindi siya natakot. Nakangiti siya habang tinatakpan ang kumot, tumingin muna sa natutulog pa si Engr. Jitsu na mahimbing na humihinga, tapos dahan-dahang lumabas ng kuwarto. Pagdating niya sa kusina, napansin niyang may rice cooker, bigas, at ilang nakasalansang ulam sa ref. Kumulo ang tiyan niya gutom. N

