Third Person’s Point Of View Hindi niya lubusang matanggap, nahihirapan niyang tanggapin ang nangyari. Kung alam lang niya na ganoon pala ang mangyayari ay hindi na sana siya pumayag na sumama sa pagputol ng sumpa ng kanilang iskuwela, dahil din ay ilang buwan na lamang ay mag-gagraduate na sila’t makakaalis na sila sa dinemonyohan na iskuwela. Ngunit nahuli ang lahat dahil sa naging sikreto na sagot ni Bianca sa kanyang huling tinanong dito. Alam ni Matthew ang tungkol doon, sinabi iyon ni Bianca sa binata, ngunit pinagsabihan ni Bianca na huwag nitong sabihin sa kanya tungkol doon hangga’t hindi pa napuputol ang sumpa. “Tingin mo, bakit niya nagawang mag-sikreto sa ‘kin? Gano’n na ba ako hindi katiwa-tiwala? Bakit kailangan niyang mag-sikreto despite sa mga pinagsamahan namin kahit na

