Bellia’s Point Of View Pagkatapos ng maraming nangyari sa buhay ko rito sa unibersidad, natapos din ang papel ko rito. Mahigit limang buwan na ang nakalipas, ang bilis ng panahon ngayon kumpara noon, pero hindi ganoon kabilis burahin ang mga alaalang pananatilihin kong aalagaan habang buhay. Ang mga alaalang hindi pa dapat kalimutan, at iyon ay ang mga panahon at oras na kasama ko si Gabriel. Umamin si Gabriel sa tunay niyang nararamdaman tungo sa akin, ganoon din ako, at masarap sa pakiramdam na pareho kami ng nararamdaman kahit na hindi ko nagawang sabihin sa kanya iyon. Ngayon ay masaya ako dahil pangarap naming dalawa na makatapos kami, kahit na ako lang ay sinabi niya sa akin iyon. Sa kabila pala ng lahat na mga sinabi niya sa akin na naging malabong intindihin para sa akin ay ngayo

