Bellia’s Point Of View Sinama ako ni Matthew sa isang bahay, hindi iyon kalakihan at otsong katao ang pwedeng mamuhay doon. Hindi ko alam kung bakit niya ako biglang sinama dahil nasanay akong sinasama niya lamang ako sa tuwing kasama namin si Gabriel. Ang sabi niya ay mayroon daw siyang ipapaliwanag sa akin na dapat akong malinawan, wala akong ideya kundi ang isang lesson namin na hindi ko maintindihan. Pumasok kami sa loob. Namangha ako dahil katulad ng mga bagay na nasa dingding ang mga bagay na nasa mansyon ng kanyang lolo, napaisip tuloy ako kung dito ba siya umuuwi at namumuhay, parang gamay niya ang bawat sulok ng munting bahay. “Wait me here,” usal niya at umakyat sa pangalawang palapag. Hindi naman ako tumanggi at saka ko na lang inilibot ang aking paningin sa loob ng bahay. S

