Third Person’s Point Of View Totoo ang sinabi ni Matthew na walang nakasulat na mga salita sa pinakita niyang litrato sa kanilang dalawa. Hindi siya makapaniwala pati na rin si Bianca dahil hindi naman siya magsisinungaling sa sitwasyon niya ngayon kaya naniwala si Bianca sa kanya. Pinag-usapan nila ang tungkol doon at nasabi ni Bianca na ang lalaking nagpakita sa kanya ay ang ama ni Logan Tuan. Alas siete na nang gabi ngunit narito pa siya sa bahay ni Bianca, wala na rin muna siyang balak na umuwi sa kanyang dorm dahil gabi na rin at baka kapag uuwi siya ay malalim na ang gabi, imposibleng walang mangyayari sa kanya sa daan at sa kanyang loob ng dorm, kaya mas mabuti pang dito muna siya sa bahay ni Bianca. Dito na rin siya nag-dinner, kasama niya ang dalawa, madalas pala ay dito si Mat

