Bellia’s Point Of View Naging tapat ako sa isinagot ko kay Matthew kahapon. Hindi puwedeng dalawa ang gusto ko, at baka kapag sumagot ako ng oo ay kung ano ang iisipin niya sa akin, tulad ng two timer at hindi kuntento sa isa lang ang gusto. Alam niyang gusto ko si Gabriel pero bakit niya itinanong ang ganoong klaseng tanong sa akin? Nananadya ba siya? O baka naman nakakapansin siya na may gusto ako sa kanya? Hindi ko hinusgahan ang tanong niya dahil nagtanong lang siya, sumagot ako ng makatotohanan at huwag na lang sana siyang magduda na nagsisinungaling ako. Iba ang tingin niya sa akin kahapon nang sumagot ako, parang nababasa niya ang bawat iniisip ko. Nagiging iba na rin ang kilos niya, parang may nag-iba sa kanya maliban sa kilos niya. Mahimbing ang tulog ko kagabi dahil alas nuweb

