Third Person’s Point Of View Hindi niya alam kung anong oras na, kanina pa sila gumagapang sa lagusan. Masakit na ang dalawa niyang tuhod dahil nga ay bakal ang kanilang ginagapangan, nararamdaman na rin niya ang pagdurugo ng mga ito pero patuloy pa rin siya sa paggapang dahil nakasunod sa kanya si Bianca, nakakahiya kung titigil siya’t paghihintayin si Bianca na matapos ang paglinis sa kanyang sugat sa tuhod, Parang mahigit kinse minutos na ang lumipas ay gumagapang pa rin sila. Mabuti na lang ay diretso ang lagusan, hindi sila maliligaw dahil walang paligoy-ligoy na liko rito. Ilang tiis na lang siguro ay makakarating na sila sa El Mavros dahil umiinit na ang kanyang nararamdaman, pati ang loob-loob niya ay umiinit na rin, para bang papalapit sila impyerno. “We are almost there, Belli

