Pagdating nila sa Hospital, unang lumabas ng sasakyan si Hubert nakasunod lang ang mag-asawa sa kanya. Lalong nakaramdam ng kaba si Mrs. Cortez, dahil bakit sa ospital sila dinala ni Hubert. Nanatiling tahimik ang mag-asawa habang nakasunod kay Hubert. Huminto sila sa kwarto kung saan ang room ng magkaibang. Pagbukas ng binata ay bumungad sa mag-asawang Cortez ang kanilang anak na wala pa ring malay. Hindi agad namang react ang mag-asawa, gulat na gulat sa kanilang nakita. "Ha-Harmony.." Halos pabulong na tawag ni Mrs. Cortez, kasabay ng kanyang pagdilim ng paningin niya. Mabuti na lang ay nasalo siya ng asawa niya, bago pa ito tuluyang matumba sa sahig. "Tita." Tawag nila Caleb at Hubert sa ginang, agad silang lumapit para tulungan ang ama ni Harmony. Dahil pati ito ay halos manghina

