INTRODUCTION
Habang tahimik na kumakain ang bawat isa sa hapag kainan ay bigla nalang nag salita si Ama.
Luke siguro ngayon na ang tamang oras para Sabihin ko sayo ito. saad ni ama na nag pakaba sakin nang husto
"Ano po iyon Ama?"
Nasa tamang edad kana at kasalukuyan nang nababawasan ang ating lahi kung hindi ka kikilos ngayon baka maubos na ang lahi natin. Seryosong litanya ni Ama.
Ngunit hindi ba mapanganib yon para sa ating anak? ani ina na halatang nag aalala sakin.
Mapanganib ngunit hindi siya maaring tumanggi dahil siya lamang ang dapat gumawa nun at wala nang iba pa.
"Ngunit Ama natatakot po ako."
Wag kang matakot at hindi ka dapat matakot dahil tao lamang ang papatayin mo. Hindi ko alam kung tama ba yung narinig ko na papatay ako nang tao.
"Ama hindi kupo kaya pumatay nang tao."
Hindi maari dahil ikaw lamang ang gagawa nun at wala nang iba kung hindi ikaw ang papatayin nya. tayong lahat ang lahi natin.
"Ngunit Ama.."
Basta susunod ka sa pinag uutos ko bukas na bukas din ay bababa ka nang lungsod kasama mo si Jhovan dahil may inutos din ako sakanyang mahalaga.
"Yon Naman pala Ama bakit hindi nalang si Jhovan?"
Hindi maari lintek! Pag sinabi kong ikaw! Ikaw ang gagawa!
"Sige Ama kung yan ang gusto nyo bababa ako nang lungsod bukas para sa inyo."
Ganyan! Mabuti yan hihintayin ko ang pag babalik mo at gusto ko pag balik mo ay dala muna ang ulo nang Prinsesa nang mga Dugong Maharlika.
"Ama? Prinsesa?"
Oo prinsesa!
"Ngunit Ama."
Tapusin mo nayang kinakain mo at mag gayak kana nang mga gamit mo wag kanang madami pang sinasabi.
Doon nag simula ang lahat kung bakit kailangan kong bumaba nang lungsod.
Labag man sa loob ko ay kailangan kong gawin ang pinag uutos ni ama.
Ayokong mamatay at ayoko din maubos ang lahi namin.
End of flashbacks....